Move On #27

256 3 0
                                    

Nandito kami ngayon sa Theater Room ng Clifford, ito ang unang meeting namin para sa gaganapin na stage play. Wala pa akong idea kung anong klaseng stage play ang gagawin, at kung anong story 'man 'yon, nakakainis ako presidente pero wala akong kaalam alam sa stage play na ito. Binalak kuna mag back out nung nakaraang araw, pumunta pa ko sa office of the Principal para sabihin na hindi ako interesado sa isasagawang stage play na ito at aykong gumanap bilang bida, pero maging ang principal ay hindi rin sumang-ayon sa naging desisyon ko at pinagbantaan pa ko.




Flashback


Kinabukasan pagkatapos nung meeting namin nagtungo agad ako sa Principal's Office para sabihin na ayokong gumanap bilang bida sa stage play na nais nilang isagawa. 10am pa lang ng umaga. Nang makarating ako sa harap ng office ay kumatok muna ako bago ako pumasok, nakita ko do'n si Mr.Joseph sa table niya umiinom ng kape habang nagbabasa ng diyaryo. Agad naman akong bumati bilang paggalang.



"Good morning, Sir." napatingin naman siya sa akin at ngumiti, inilapag niya 'yong diyaryong binabasa niya at bumati bilang ganti.


"Magandang Umaga, Samantha. Ano ang dahilan ba't ka napapunta rito? Halika, umupo ka muna. Nag agahan kana ba? Gusto mo ba ng kape?" Sunod sunod na tanong nito, lumapit naman ako sa sa harap ng table niya at umupo sa upuan na nasa harap ng table niya. 



"Salamat po, pero kumain na po ako. Andito po ako ngayon kasi po ayaw ko pong sumali sa isasagawang stage play ng ating paaralan, ayoko rin pong gumanap na bida." Uminom muna siya ng kape bago nagsalita.



"Sigurado ka ba diyan, Hija?" Tanong nito. Napatango naman ako bilang sagot sa tanong niya.



"Kung gayon ay okay lamang sa iyo na magbitiw sa iyong kasalukuyang pwesto bilang isang student council President?" Tanong ni Mr. Joseph na siyang ikinagulat ko. wttf.



"Ano po ang ibig niyong sabihin?"



Tumayo naman siya sa saka naglakad papunta sa isang cabinet at may kinuhang mga school papers doon. "Ang ibig kung sabihin ay ang pag alis mo bilang bida sa isasagawang stage play ng ating paaralan ay siya rin pag bitiw mo sa iyong kasalukuyang pwesto, dahil ang iyong pag bitiw bilang bida ay isang malaking problema na kahaharapin ng ating paaralan."  Pagkasabi niya no'n ay muli siyang bumalik sakanyang upuan at tumingin sa akin.




"A-ano po ang ibig niyong sabihin?"



"Hindi ka ba nagbubukas ng iyong facebook account?" Tanong niya sa akin, umiling naman ako.



"Hindi pa po ako nakakapag bukas simula kahapon." Napatango naman siya at napangiti.

MOVE ON,WAG KANG TANGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon