Chapter Two

57 5 5
                                    

| Chapter Two - "My labs." |
| Mark's POV |

Kakatapos lang ng training at biglang lumapit sa akin si My labs, aka si Kathleen.

Hinagis niya yung bote na may laman ng tubig papunta sa dereksyon ko. Buti na lang nasalo ko, kundi baka ma-turn off si my labs, hahaha.

Binuksan ko yung bote at uminom. Lumapit sa akin si my labs at pinunasan ako gamit yung panyo.

Napangiti naman ako ng palihim. Nakita ko naman si Cassidy na pinipicturan kami, dahilan kung bakit ako namula. Nagtaka naman si My labs kaya pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Biglang nagkaroon ng flash. Kaya pareho kaming napatinggin sa pinanggalingan nito. Si Cassidy lang naman ang may pakana.

Nagpeace sign siya at tumakbo pala at lumapit kay Brian na sinalubong siya ng yakap. Di ko na lang sila pinansin dahil hanggang ngayon pinupunasan pa din ako ni my labs.

"Ang panget mo kapag naglalaro ng basketball. Di bagay" pang-aasar ni my labs pero pinupunasan pa din ako.

"Buti nga at di yang puso mo ang pinaglalaruan ko eh"napahinto siya sa pagpupunas at tinignan ako. Napaiwas naman siya ng tinggin.

"Paano mo paglalaruan eh di mo nga mahawakan"binitawan na ni my labs ang pamunas at lumayo sa akin ng onti.

"Paano ko mahahawakan kung ayaw mo naman ipahawak?" umiling lang si my labs,na di ko naintindihan kung bakit.

"Tama na Mark"sabi niya at naglakad palayo. Napatitig na lang ako sa likod niyang palayo.

"Oh ba't di mo sundan?"nang-aasar na sabi ni Cassidy habang akbay akbay siya ni Brian.

"Di pa eto ang tamang oras eh"sabi ko sabay kuha ng pamunas at ng bote at pumunta sa cr.

Napasimangot naman si Cassidy sa sinabi ko, bakas sa mga mata niya ang pag-alala at sa tingin ko ako ang sinisisi niya. Hay nako Mark! May ipapahawak-hawak ka pang nalalaman!

"Sundan mo siya Kuya, she needs someone." Mahinahong tugon ni Cassidy, napatango naman si Brian. "Bakit hindi ikaw?" Tanong ko.

"Ako ba ang dahilan kung bakit siya umalis?" Tinamaan ako doon sa sinabi niya at napabuntong-hininga.

Wala na akong nagawa kundi sundan si Kathleen. Lumabas ako sa gym at lumingon-lingon at naglalakad-lakad. Nagaalala na ko, baka kung anong nangyari sa kaniya.

Napanatag ang loob ko nang narinig ko ang boses niya, lalapit na sana ako pero...nakita ko ang isang pamilyar na lalakeng nakayakap sa kanya. Upakan ko kaya yan. Makayap kay my labs ko, kala mo magjowa.

Tinitigan ko lang sila, napagtanto kong umiiyak si Kathleen. Napasimangot naman ako dahil doon. Di ko naman sinasadyang paiyakin siya. Pakalmahin mo kasi hormones mo Mark!

Wala na kong nagawa kundi bumalik sa gym, napagtanto ko naman na naghihintay na ang aking magaling na kapatid kasama ang magaling na boyfriend niya.

Mukhang naiinip na siya kaya binilisan ko nalang ang paglakad ko. Sinalubong niya ako ng nakataas ang isang kilay niya. Kanina pa niya ako tinataasan ng kilay ah. Bigyan ko kaya siya ng baba kong napakahaba.

"Oh anyare?" mataray na tanong niya, at umalis naman na muna si Brian dahil tinawag siya ni Daniel.

"Wala" naiinis kong sabi at binato yung boteng binigay ni Kathleen sa akin kanina.

"Tsk. Ba't galit ka? Parang ewan lang. Magsasabi ng 'wala' pero galit" iniwan ko na lang siya dun at di na pinansin pa. Nakita ko naman sila Aaron at Marielle na masayang nagkwekwentuhan.

"Mga hayop kayo!" sigaw ko, kaya lahat ng atensyon ng mga tao napunta sa akin.

"Tignan mo tong tangang toh" nakangising sabi ni Cassidy na mukhang matatawa na.

Sila Zuri at Daniel naman natatawa na at sila Aaron at Marielle naguguluhan sa nangyayari. Ang mga tao sa paligid tumahimik at tinignan ako.

Pwede na bang magpakamatay? Gagamitin ko na lang ang baba ko...

Naglakad na lang ulit ako kahit may mga taong tinitignan pa din ako. Gwapo ko kase eh. Oo yun, tama. Iisipin ko na lang na nagwagwapuhan sila sa akin kaya tinitignan nila ako.

"Uy! Kuya Chin! Yung baba mo! Baka makasira. Tatama na sa pader!" sigaw ni Zuri kaya bumalik ako sa realidad at napahinto ako kagaad. Isang inch na lang malapit nang magtama yung pader at ang baba ko.

Lumabas na nga ang tawanan ng mga tao. Anong kahihiyan ang ginawa mo Mark? Tanga lang?

"Okay lang to, Mark. Titigil din ang tawa nila" bulong ko sa sarili ko. Gusto ko na talagang mamatay... Bwiset kasi eh!

"Hala! Kinakausap yung sarili" sabi pa ni Zuri kaya nilinggon ko na siya at sinamaan ng tinggin. Pero tinawanan lang ako. Isaksak ko kaya siya gamit tong napaka tulis na baba ko.

Naglakad na lang ulit ako. Pero this time alerto na ako sa bawat kilos ko. Inhale... Exhale... Inhale... Exhale...

"Kathleen!" agad kong nilinggon si Cassidy na sumigaw at nadapa ako. Putik na yan. Pagtinggin ko sa lalakeng nakabunggo sa akin tumakbo na palayo. Kung pwede lang murahin yung bwiset na yun eh.

"Buti na lang di yung baba niya yung tumama sa sahig. Baka nakasira pa siya ng sahig" natatawang kumento ni Zuri. Tumayo na lang ako at pinagpagan ang sarili.

"Ano ba? Trip niyo ba ako?" naiinis ko ng sabi. Pero ano nga bang aasahan ko? Wala naman silang pake.

Nakaramdam ako ng tapik mula sa likod pagtinggin ko si Aaron at nasa likod niya si Marielle.

"Ano? Pati ba naman ikaw brad? Ano bang gusto niyong mangyari?" naiinis kong tanong kay Aaron. Pero nanatiling seryoso ang mukha niya.

"Umayos ka nga dyan Mark. Ano bang nakain mo? Paano ka magugustuhan ni Kathleen kung ganyan ka?" napangisi ako sa sinabi ni Aaron.

"Tsk. Sayo pa nanggaling yun? Eh ikaw nga di makaligaw kay-" sinamaan niya ako ng tinggin at nakita ko sa mga mata ni Marielle ang pagka-curious.

"Subukan mo lang banggitin,wala na ang pagkakaibigan natin" bulong ni Aaron kaya kinabahan ako. Natakot ako dun ah.

"Joke lang brad. Yung reaksyon mo. Amputek!" natatawang asar sa akin ni Aaron. Sinasabi ko na nga ba eh. Magkakasabwat yang mga hayop.

Tinalikuran ko na silang dalawa. Gusto munang mag-isip at pagplanuhan kung paano ko makukuha si Kathleen.

Pero sino yung lalake kanina? Ba't yakap yakap niya si Kathleen? Bakit pamilyar siya?

TorpeWhere stories live. Discover now