Ep.19- France, Here We Come

7.7K 239 16
                                    

"Pwede ba Lance tigilan mo na ako." padabog akong naglalakad sa daan.

"P-pero Cheska, totoo talaga ang sinasabi ko! Gusto talaga kita." hindi padin sya tumitigil sa pagsunod saakin mula pa kanina. 

"Grah!" napatigil ako bigla, "Bakit ka ba kasi nandito? Diba nakakulong ka na?"

"Er... nagpyansa ako..."

"Psh... So may balak nanaman kayong masama ng mga kasama mo?"

"Hindi hindi!" he quickly defended, "Hindi ko sila kasama. Naiwan silang lahat sa kulungan. As in lahat sila."

"Iniwan mo sila? Anong klase kang boss?"

"Eh kasi ang totoo nyan. Er.... ayoko nang gumawa ng masama. Gusto ko nang magbago. At yun ay... yun ay dahil nakilala kita." nagblush nanaman sya. Nawiwirduhan na ako sakanya sa totoo lang.

"You're really out of your mind." napailing nalang ako.

Ayon kay Lance, kahit mahirap paniwalaan, nainlove daw sya saakin. Simula daw nung araw bago sila huliin ng mga pulis, may kung anong bagay daw syang naramdaman saakin. Yun daw ay nung matapos kung protektahan si Nikolai kahit ako ang malagay sa pahamak. 

.

.

.

.

~~~~~

"P-pero, you're supposedly safe by now. I chose to kill him instead of you. So why do you still have to save him? Di mo ba inisip na pwede ka pang mapahamak sa ginagawa mo?"  

"Mas mabuti pa nga siguro yun! Mas mabuti pang patayin mo kaming dalawa kesa sa umalis ako sa tabi nya ngayong kailangan nya ako!" 

~~~~~

 .

.

.

.

Hinangaan daw nya ako sa katapangan ko. Ako daw ang nagparealize sakanya na sya mismo ang may kasalanan sa pagkamatay ng kapatid nya. Na dapat hindi sya umalis sa tabi neto sa panahong kailangan sya. Lalo na't yun ang responsibilidad nya bilang mas nakakatanda. Simula nun, hindi na daw ako naalis sya isip nya. Hanggang sa selda, ako ang tumatakbo sa utak nya hanggang sa narealize nya na naiinlove na DAW sya saakin. Weird. -___-

"Alam mo," I said, "hindi padin ako naniniwala sayo. Sigurado may plinaplano ka nanamang masama!

"Maniwala ka saakin please! Nagbabago na ako." lumuhod sya bigla sa harapan ko, "Lahat gagawin ko para sayo. Promise!" he raised his right hand as he crosses his heart with his left. 

"Lahat? Sige! Bigyan mo ako ng ticket papuntang France!" I challenged him. Though I know it's quite impossible. Or is it? 

"Sige! Yun lang pala eh!

"Kita mo na. Hindi mo naman pala— Wait.... seryoso ka?

"Oo naman. Nakakalimutan mo na ba? I told you before na anak ako ng bilyonaryo. Settlling a flight to France is just a piece of cake to me." yabang nya.

Time Traveler PrinceWhere stories live. Discover now