SWP-MAHAL KO, MAHAL MO, MAHAL KA

585 3 0
                                    


"Oh yes kaibigan mo ko, kaibigan mo lang ako. And Im so stupid to make a biggest mistake of falling inlove with my bestfriend."

Isang eksena sa pelikula nina Marvin at Julina
Lihim na pag ibig sa matalik na kaibigan ang tema.
Sana kaya ko ring sabihin sayo ang ganitong linya
Ngunit di maaari dahil pag ibig ko'y iba ang storya.

Mga bata palang tayo lihim na kitang hinangaan
Di lang sa itsura pati na sa taglay mong kabaitan
Parati ka saaking tabi at di ako iniwan
Kaya naman lihim na pag hanga ay lumago at naging pag mamahal na.

Mahal na nga kita higit sa isang kaibigan
Pag mamahal na hindi ko alam kung iyong masusukilan
Dahil kaibigan lang ang pag tingin mo saakin
Kaya pag mamahal ko sayo ay di mo napapansin.

Masakit sa damdamin mabigat dalhin
Kaylangang may makaaalam, kaylangan ko ng sabihin
Aking lihim na pag ibig ay aking ng aaminin
Sa ating kaibigang kababata rin natin.

Ngunit bago ko nasabi ang aking damdamin
Isang matagal ng lihim ang ipinag tapat nya saakin
Iniibig nya ang matalik naming kaibigan
At yon ay walang iba kung hindi ikaw na aking mahal.

Pinag lalaruan ba tayo ng tadhana?
Bakit kung sinong mahal ko ay sya ring mahal nya?
Marami namang iba bakit hindi na lang sila?
Bakit ang karibal ko ay ang kaibigan ko?

Sobrang natatakot na ako,
Natatakot na dalawa kayong mawala sa buhay
Kaya naman ako na ang mag paparaya
Upang ang sakit ay aking mapalaya.

Alam kong hindi magiging madali
pag ibig ko sayo ay kalimutan
Ngunit ang lahat ay aking gagawin
alang alang sayo kaligayahan.

Kaya sayo aking kaibigan
nawa'y alagaan mo sya
At sayo, aking mahal, nawa'y maging masaya ka.
Paalam mahal ko, paalam na.

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now