CHAPTER 6

3.3K 93 0
                                    

HEATHER POV.

hawak parin niya ang kamay ko.parang gusto ko na ngang bumitaw sa hawak niya.pakiramdam ko kase ang lamig na ng kamay ko.

Napayuko na lang ako.nakakatakot kase yung mga tingin nila sakin.yung tipong kaya nila akong kainin ng buhay..huhu!

"Don't mind them...Sakin ka lang magfocus!"dapat na ba akong kiligin?kusa akong pangiti ng mapakla..ang tanga ko lang...Pretender nga pala kami bakit pa ako aasa?masasaktan lang ako.

Pagkapasok namin.lahat ng atensyon na sa amin na.Idagdag mo pang magkaholding hands kami.

Gusto ko ng kumawala kaso mas lalo niya lang hinigpitan at sinamaan ako ng tingin.napayuko ako sabi ko nga di na k aangal..hayy.

Nagsimula ng mag discuss si ma'am sa harap.

"Psst...!"napalingon naman ako.kaso agad akong umatras.halos maduling ako.muntik na kaming magkiss kung hindi lang ako agad umatras.

"Uhh eh b-bakit?"naiilang na tanong ko.bigla niyang inagaw sakin yung notebook ko.

"Uy...akin yan!"ngumisi lang siya sakin

"Kunin mo!"nang aasar ba siya?pwes hindi nakakatuwa.grabeh kase siya makatingin sakin.pakiramdam ko matutunaw ako eh.

"Pwede ba Renz..ibigay mo na yan..hindi na ako natutuwa!"inis kong sabi sa kanya .tsaka tinangka ulit kunin yung notebook ko.

"Opps!pwes ako natutuwa sa ginagawa ko!"nakakalokong ngisi nito sakin.pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko..nakakainis.

"Ikaw lang naman yung nasisiyahan.ako naman itong nahihirapan...paasa ka talaga!"mahina kong usal .sa loob loob ko nasasaktan na ako.

"Anong sinabi mo?"para naman akong napatanga .Hindi naman niya narinig yung sinabi ko dibah.

"Hehe..w-wala naman!"ngiting alanganin ko.Nakita ko naman ma napatulala siya sa akin.Tsaka bakit parang nakanganga pa siya?

"Uhh...renz ?a--ayos ka lang ?"takang tanong ko.Bigla naman siyang napilig.anong nangyari?

"MS.FORTEZ AND MR. FORTALEJO...GO IN THE DETENTION ROOM!"Nagulat ako sa biglang pag sigaw ng teacher namin sa chemistry..wahhh nakakahiya.lahat pala sila nakatingin samin.

"Psh!"kumabog yung dibdib ko ng hawakan niya ko ulit...

"Dibah sabi ko sayo wag ka ng titibok para sa kanya..pwede bang sakin na lang maawa ka!"sa isip isip ko.Hanggang maaga pa magawa ko man lang bakuran ang sarili kong puso.

Hinila niya na ako palabas ng room.Nagpadala na lang ako.napasimangot ako.Iniiwasan ko siya tapos magkakasama pa kami sa detention room.

Siya na yung nagbukas ng pinto ng detention room.nakayuko lang ako.*crap*bakit kaming dalawa dito sa loob?nanginginig yung katawan ko na umupo sa upuan.

Agad akong napaiwas ng tingin.maghubad ba daw sa harap ko?ang pisti kahit naman birhen pa yung mata ko.Malilikot din noh...

Halos makuryente ako ng hawakan niya ang baba ko.

"Uhh...R-renz?a-anong ginagawa mo?"kinakabahang tanong ko.ang lapit niya sakin.

"Bakit ka ba laging nakatungo huh?"seriously tinatanong niya pa?arghhh kung sapakin ko kaya siya?

"Ano bang problema dun?"angal ko.Aalisin ko sana yung kamay niya ng hagipin niya.halos mapatalon ako sa gulat..gosh Yung puso ko...

"Hindi ka ba Nasisilaw sa mga pandesal ko babe!"halos kilabutan ako ng bulungan niya ako at tawagin niya akong babe.

"Huh?"nagulat ako ng hilahin niya ako at ilagay niya yung kamay ko sa...omyghodd...

"Ramdam mo ba babe!"gross...Bwisit na lalaking toh.hindi marunong makaramdam.

"Uhh hehe....!"aalisin ko na dapat yung kamay ko dahil ang bilis na talaga yung kabog ng dibdib ko eh.masama toh.ayokong mahulog sa walang pusong tulad niya.

"Ayy!"ang walanghiya napasubsob pa ako sa dibdib niya.Halos mapalayo na ako ang bilis ng tibok nun.anong ibig sabihin nun?

-----
RENZ POV

Ano ka nga ngayon heather.ngayon natin subukan yang kainosentehan mo.

Nakangisi lang ako.kanina pa niya kase tinatangkang alisin yung sarili niya sa pagkakasubsob sakin.hindi lang siya makaalis.ang higpit kase ng hawak ko.

"R-renz hindi na ako natutuwa!"pakiramdam ko galit na siya pero kalma parin yung boses niya..shit!bakit kaparehas nung sa babae.

"Chill ka lang!" Sabi ko.sarap pagtripan eh..kaso nagulat ako ng makaramdam ako ng may nababasa sa dibdib ko.napakunot noo ako.

"Heather?"alalang tanong ko.bigla siyang bumangon kaya muntik na kong mahulog..fuck...

"Hindi man lang siya marunong makiramdam.nakakainis!"shit!bakit siya umiiyak?tsaka ano ba yung binubulong niya?

"Shit!why are you crying babe?"kalma kong tanong sa kanya.parang nanikip yung dibdib ko ng galit niya akong tingnan.

"You don't to know...and Don't call me babe....Walang tayo...kaya pwede ba wag mo na kong tawagin...-b-baka umasa lang ako."

Narinig ko yung una niyang sinabi pero hindi ko na narinig yung sumunod dahil halos pabulong niya yun binigkas at medyo crack na yung boses niya.

"I'm just---"

"Mauna na ako..tapos na rin naman yung detention hour !"tumayo na siya at lumakad palayo.bakit nasaktan ako?hindi naman siya yung mahal ko.ang babaeng mahal ko ay yung babaeng narinig ko sa music room.

Tiningnan ko ang orasan.malapit ng maglunch.tumayo na ako.kailangan ko ng hanapin yung babaeng yun.

Pano si heather?napahinto ako ng biglang pumasok yan sa isip ko.ipinilig ko ang ulo ko.ano bang pakielam ko sa babaeng yun?wala namang kami gaya ng sabi niya..

Naglakad na ako papuntang music room. Natanaw ko na iyon kaya lumakad na ako palapit dun.

Habang palapit ako naririnig ko na yung babae na kumakanta.Shit!sino ba kase siya.

Meron bang makapag sasabing iniisip kita.
At meron bang alam na laging hinahanap ka.
Kung ako naman ay iiwas malalaman mo ba....
Na ako ay may lihim na pagsinta.

Para akong nasaktan sa kanta niya.Naramdaman ko kase yung emotion ng kanta.narinig ko rin yung paghikbi niya.shit gusto kong pumasok.gusto kong punasan yung luha niya.

"Oh shit!"nakalock yung pinto.Bakit ba ayaw niyang magpakita?

Kung ako naman ay iiwas malalaman mo ba....
Na ako ay may lihim na pagsinta!"

Kung sino man yung taong may gawa sa kanya nun.mapapatay ko.alam kong hindi lang yun simpleng kanta.dahil rinig na rinig ko yung iyak niya .Ayokong nakakakita at nakakarinig ng umiiyak.

Bigla kong naisip si heather.kamusta na ba siya?Umiyak kase siya kanina.Pero pinabayaan ko lang.

"ANG MANHID NIYA!NAKAKAINIS SIYA.!"narinig kong sigaw niya.nakarinig ako ng mga paang tumakbo.shit...the crap.Sino ba yung taong nagpaiyak sa kanya?

The Secret Voice  [C.O.M.P.L.E.T.E.D.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon