J

14.7K 130 17
                                    

[Sasha's POV]

Dali dali ako sumakay sa kotse ni lyle dahil sobrang excited na talaga ako! 5:00 am palang gising na ako kanina. Inantay ko lang magten 'o clock para magising si lyle. 


"LYLE! DALIAN MO!" sigaw ko sa kanya. Ang bagal bagal naman kasi niyang mag lakad! Tsk. Bibili pa kami ng pagkain e. 'Yan kasi puro siya cellphone.

Nang makasakay si lyle sa driver seat agad niyang pinaandar ang kotse. Asa shot gun seat ako ngayon kagaya lapa ng dati. Habang nasa daan kami di ako makapakali. Paano kaya kung may nagbago dun? Ano kaya nangyari sa kanila after mawala ako.

"Ano ba, sasha muka kang kiti kiti dyan. Umupo ka nga ng maayos." Pangangatriwan ni lyle. Tinignan ko naman siya ng masama. "'Wag mo 'kong titigan ng masama, sasha" sabi nito. Iniwas ko naman agng tingin ko dito at bumugtong hininga ako.

"Ano kaya ang nangyari dun? Simula noong mawala ako?" Tanong ko dito. "Wala naman ata. Ganun pa din naman ata sa inyo sasha. Kaya ituro mo nalang 'yung daan papunta sa inyo."sabi nito.

Di talaga ako makapakali dahil sa nangyayari. Char. Baka ganun talaga. Matagal tagal din kasi ako di nakauwi kaya ganun. Wieeeee. Atleast makikita ko na sila diba? Hihihi.

Tinuro ko nalang 'yung daan kay lyle. Di pa kami nakaabot ng 2 hrs ng makarating kami sa kanto ng bahay namin.

______

"Kryleee!!!!" Tawag ko sa kapatid ko. Dali dali ako pumasok ng bahay. Nakasalubong ko naman 'yung iba kong kamaganak pero 'yung kapatid ko diba.

Pumunta ako sa kwarto ni papa at nakita ko sila na andun. "Ateeeee!!" Napatayo siya at agad tumakbo papunta sakin agad naman niya ako niyakap.

Huhuhu namiss ko 'tong kapatid ko. "Kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Ok lang. Namiss talaga kita, ate" Mangiyak ngiyak niyang sabi. Yieeee. Miss niya aq. jusq kilig aq hihihi.

"Kyrle, Punta tayo sementeryo bisitahin natin si papa" Sabi ko dito. Tumayo naman siya para maligo. Lumabas naman ako para pumunta sa salas.

Nakita ko si lyle nanonood ng eat bulaga. Shet naalala ko andito pala siya. Lumapit ako sa kanya at hinatak siya papunta sa kwarto ni papa.



"Hoy, Sasha. Wag dito. Kung gusto mo doon tayo mamaya sa hotel ulit" Aba manyak itong lalaki na 'to ha! Hinampas ko siya.

"qaqu. Dyan ka nga mamaya nanakawan ka pa!" Sabi ko dito at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko nakarinig ako ng sigaw mula sa labas.



"Uy! Taray! Kaninong kotse 'to?! wow! Saan niyo nanaman dinampo at ninakaw 'to? Kayo ha!" Sigaw ng babae mula sa labas. Mukang kilala ko na kung kaninong boses 'to.

"Mika!!!!!!" Sigaw ko at napatingin naman siya sakin. "Sasha!!!!" Sigaw niya at natatakbo papalapit sakin at hinatak ako para yakapin. Namiss ko 'tong bruhang 'to.


"Huhuhu namiss kita! huhuhuhu" Sabi nito na may luha na sa mata.

"Namiss din kita, Tara sa loob. Gaga umiyak ka pa para ingudngud ko 'yang muka mo sa inidoro!" Yaya at pagbabanta ko sa kanya.


Pumasok kami sa loob ng bahay at pumasok sa kwarto. Nanlaki naman ang mata niya dahil nakita niya si lyle. Ah! nakalimutan ko andito pa pala siya.


"Uy, fren sino 'yang pogi?" Tukoy niya kay lyle. Binatukan ko siya. "Ay, Gaga ba't ka ba namamatok?" Giit niya.

"Amp! Ah, Lyle, si Mika. Mika, Si lyle. Ano uhm...." Di ko matuloy tuloy dahil bigla nagsalita si lyle at napalaki naman ang mga mata ko doon.














"Lyle, Boyfriend ni sasha"


BabySitting with a secretWhere stories live. Discover now