Chapter 6

21 3 3
                                    

Gilleane Nikashia Braide POV
New Member
-----

I am on my way to my bedroom. Well, syempre matagalang pag aayos ito. This is the first time na mag aayos ako ng ganito just because of that squad. My goodness. Until now, hindi pa din ako makapaniwala.

I told Jhrexie na hintayin nalang nila ako sa coffee shop na sinabi niya. I need to do this. Itong make up, dress, high heels even I dont prefer of using those things.

Napabuntong hininga ako at kinuha ang libro ko. Binuksan ko ito at hindi padin nabubura ang nakasulat na "Welcome to Linton Academy". Matapos ko itong suriin ay nagbihis na ako ng magandang damit. Of course, isinuot ko ang kaisa isang dress na binigay ni Kuya saakin. This dress is special to me because this is from my best kuya. Habang sinusuot ko ito ay hindi ko mapigilang maalala ang mga nangyari ng ipasuot at ipasukat niya ito saakin.

"You are the most beautiful girl in this world, Gilleane."

Napaluha nanaman ako sa isiping yun. Bakit ba lagi ko nalang naalala si Kuya? I miss him. Kung alam niya lang.

Pinunasan ko na ang luhang iyon at nagsimula ng maglagay ng kung ano ano sa mukha. Blush on, nag kilay, lipstick. Fresh lang kung titignan at hindi yung sobrang kapal na magmumukha na akong clown. Simplicity is beauty. Yan ang pinaniniwalaan ko.

"Oh may lakad ata ang prinsesa ko." Bungad saakin ni daddy nang makababa ako. Nakaupo naman na siya sa sofa habang nasa harap ng laptop. Ngumiti naman ako at pinakita sa kanya ang itsura ko. "Wow. You look like your mother." Nakangiting sabi niya. Nawala ang ngiti ko sa aking labi. I hate of being compared with my mother. We have no similarities. I hate her.

Pinilit kong ngumiti at lumapit kay dad. I kissed him in his chicks at niyakap siya.

"Dad. I told you, hindi si mom ang kamukha. Ikaw ang kamukha ko." Sabi ko at natawa naman siya. Magsasalita pa sana siya ngunit agad ko siyang napigilan. "I love you, dad. Can I go?" Paalam ko sa kanya. Wala naman na siyang nagawa at umalis na ako.

Mas pinili kong magpahatid sa coffee shop na iyon. Bukod kasi sa gabi na, naka high heels pa ako. Ang hirap kaya maglakad ng ganito.

Wala pang sampong minuto ng makarating ako sa coffee shop. Hindi naman pala siya malayo. Nag thank you ako kay manong at naglakad na palapit dito. This is not a simple coffee shop. Kung titignan, mukhang mayayaman lang ang nakakayang pumasok at bumili dito. May mga chandelier pa kasi sa loob at kitang kita mo ito sa labas. Pagkadating ko sa pintuan ay nag good evening naman saakin ang guard. Ngumiti naman ako at bumungad saakin walang kalaman lamang loob nito. Konti lamang ang tao at parang mga sosyal.

"Gilleane!!!" Napatingin ako sa papalapit saaakin na si Jhrexie. She is pretty with her dress. Hindi ko alam na magpapalit pa pala siya. Mas lalong gumanda ang itsura niya. Pansin kong medyo may make up din siya tulad ng akin.

She hugged me at pinapunta na ako sa table ng squad niya. Lumingon naman sila saakin at ngumiti ang iba including Regielyn. Parang hindi ako kinakabhan, bakit ganun?

"Hey, squad. Meet Gilleane. My friend. Classmate natin siya. Alam niyo yan." Nakangiting panimula ni Jhrexie.

"Oh.. hi. Gilleane? What a beautiful name." Nakangiting sabi saakin ni Rolex. Napakalawak ng ngiti niya at inabot saakin ang kanyang kamay. "Im Rolex." Sabi niya pa. Wala na akong nagawa at inabot ko nalang ang kanyang kamay. Nabigla naman ako ng halikan niya ito.

Nagtawanan naman ang iba sa kanila. Hmm.. of course.. that is Rolex, isang chickboy. Ano pa nga ba?

"Sit here, beautiful." Sabi pa saakin nito na itinuturo ang bakanteng upuan sa kanyang tabi.

MY FICTIONAL LOVE ONEWhere stories live. Discover now