The Meeting

15 0 0
                                    

Alas otso na ng umaga pero nakapila pa rin ang mga bata sa labas, first day of class kaya maraming mga ipinakikilala sa unahan.
"Grade three pupils, this is Ms. Salvacion, and she will be assigned to be your new Math teacher."
NAkakabingi ang echo ng mike habang patuloy na pinakikilala ng principal ang bawat staff,teachers and even security guards. Patuloy pa rin ito sa pagpapakilala kahit ngawit n ang mga bata sa mahabang litanya ng prinsipal,wala n rin dito atensyon ng mga bata.
"Di pa ba tayo papasok?masakit na paa ko ih.?"bulong ni Nympha sa kaibigang si Blaize
"Ang tagal nga, ansakit na nga din ng paa ko di p ba tayo papapasukin?" Ngumungusong saad ni Blaize, paano kasi mula pre school hanggang grade three, panay ganito na lng kaya ganoon na lamang ang inip at ngawit ang naranasan nya... bago pa mandin ang kanyang sapatos kya medyo masikip, medyo masakit sa sakong nung naglakad sya at nag exercise kanina. "Ay... bago sapatos mo?pabinyag naman." Ani Nympha sabay apak sa kaliwang paa ni Blaize.
"Ay!ano kaba?!"nagulat naman ito ng bigla nitong inapakan ang paa niya. " Ang sakit n nga ng sakong ko, inapakan mo pa ang sapatos ko."
"Di mo ata kinagat sapatos mo ih, kaya nag ka sugat sakong mo?"
"Dapat bang kagatin?"si Blaize
"Oo naman, yun ginagawa ko para daw di magsugat ang sakong ko." Napalakas ang boses ni Nympha, dahilan para sitahin sila ni Mrs. Cruz.
"Ano ba naman kayo... Nympha, Blaize?ssshhh!" Sabay lagay ng hintuturo sa kanyang bibig bilang senyas nito na syang ikinatalima ng dalawa.

Sa loob ng classroom...

Matapos ang flag ceremony ay pumasok na sila sa classroom. Saglit silang iniwan ng kanilang guro dahil tinawag ito sa faculty room. Abala ang buong klase sa pakikipagkwentuhan nang pumasok ang kanilang guro na may kasamang batang lalaki. Mataba ito maputi at may kulay asul na bag.
"Class, I want you all to meet your new classmate. Siya si Rumgin Josef C. Santillan. Transfer student from St John." Agad namang binati ng buong klase ang bagong dating. Ang ilan sa kanila ay tila natatawa sa itsura nito dahil siksik ang katawan nito, pero may ilan naman na agad siyang binati.
"Welcome sa Grade three sunflower Rumgin."
"Teacher, dito na po sya umupo sa tabi ko," si Clifford, sabay turo sa upuan na nasa tabi nya sa bandang likod

Pumunta roon si Rumgin sa tinuturong upuan ni Clifford, ibinaba ang kanyang gamit at pasandal na umupo.

BLAG!!!

Bumigay ang inuupuan nito at napa bagsak sya sa sahig...
Napuno ng tawanan ang buong classroom. Agad nan siyang pinuntahan ni Mrs. Cruz.

"Diyos ko po! Ayos ka lang ba Rumgin? Clifford, bakit sira itong upuang binigay mo sa kanya?" Nagtitimpi na tanong ng guro
"Pasensya na po di ko o sinasadya, pasensya ka na Rumgin." Nagpiigil tawa na saad nito
Naluluha sa sobrang kahihiyan si Rumgin, kaya agad siyang tumakbo palabas sa classroom at lumiko sa isang pasilyo kung saan naroon ang mga CR.
Binuksan nya ang isang pinto at pumasok sa isang cubicle.
Doon ay umiiyak siya habang nakaupo sa bowl. Binuksan niya ang kanyang bag at kumuha siya ng panyo ay siyang ipinahid sa kanyang sipon.
Tahimik ang loob ng banyo ngunit rinig niya may mga naghahanap sa kanya sa labas isa sa mga boses ay ang kanyang guro.
Medyo matagal na rin siya roon, may mga nalabas masok sa cr pero di sya umiimik. Ilang sandali ndalo pa ay puno ng katahimikan ang paligid, inaayos na niya ang sarili...
Tahimik lang siya ng biglang bumukas ang pinto ng cubicle na kinalalagyan niya at bumungad sa kanya ang isang batang babae na may bilogang mata.
Nakataas ang palda nito at nakahawak sa may pundiyo nito ang isang kamay. Senyales na ihing ihi na ito.
"Aaaaaaaahhhhhhhh!!!" tili nito na siya namang ikinagulat ni Rumgin.
Agad nitong natutop ang bibig ng bata at hinila papasok sa loob ng cubicle. Nanlalaki ang mata nito at tila di makapaniwala sa nakita.

"Sssshh! Wag kang maingay. Baka mahuli ako ng titser ko." Pabulong na saad ni Rumgin.

Napansin nitong tila di makahinga ang batang babae sa pagkakataklob ng bibig nito. Medyo masikip din. ang cubicle kaya halos dikit na sila. Sumenyas si Rumgin na wag itong maingay.
Napansin naman iyon ng bata at tumango ito.
Ilang sandali pa ay wala n silang narinig na ingay. Kaya dahan dahan silang lumabas sa cubicle na iyon.
"Bakit ka tumakbo?" tanong ng batang babae kay Rumgin.
"Wag mo nang pansinin si Clifford, bully talaga yon.." nakangiting inilahad ng batang babae ang kanyang kamay. At iniabot yon sa lalaki. "Hi! ako nga pala si Blaize!" inabot ni Blaize ang kamay ni Rumgin. Nagulat ito pero pinilit ngumiti
"Ako naman si---"
"Kilala na kita, diba Rumgin pangalan mo.?"
"Huh? Paano mo ako nakilala?"
"klasmate kita diba?!"
Napangiwi naman bigla si Blaize ng maalalang naiihi siya. Agad naman siyang pumunta sa cubicle. Sa tinuran ni Blaize napangiti si Rumgin.
Di pa rin labas si Rumgin sa banyo, hinintay nya si Blaize.
Nang makalabas na ito ikinagulat naman ito ulo ni Blaize

"Ano kaba bakit di ka pa nalabas, di mo ba alam na cr ito ng babae?"

Namula ang mga pisngi ni Rumgin saka nya napansin na kulay pink at yellow ang interior ng cr.

"Mabuti pa sabay na tayo lumabas, tara na, baka hanapin na rin ako ni teacher." hinatak n niya si Rumgin patungo sa direksyon ng classroom nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

True Love WeightsWhere stories live. Discover now