Bestfriend poetry

47 5 0
                                    

Bes naaalala mo paba ako? Ako to yung kaibigan mo, ako to yung dating kausap mo, at kasabay mong mangarap, ako yung laging nandyan para makinig sa drama mo, ako yung laging nandyan para sandalan mo, bes ako parin to yung dating nakilala mo, umaasa na balang araw maalala mo na may naghihintay sayo, umaasa na baka paggising mo hinahanap mo rin ako, at umaasa na sana marinig ko pa sayo'ng kaibigan mo ko, bes, naaalala mo? Tayo yung laging sabay umuwi galing eskwela, sabay tayong tatawa kahit sa birong walang kwenta, pagtitripan natin sila kahit hindi natin sila kilala, yayakapin at pipisilin ang ilong kapag nilalambing kita, bes, asan ka na? Sabi mo ako lang ang nakakaintindi sayo, iba ako sa mga bagong kaibigang nakilala mo sabi mo hindi mo kaya ng wala ako, pero tignan mo ko ngayon nagiisa at naghihintay para sayo, bes masaya ka na ba? Kaya mo na ba na hindi ako ang kasama? Kaya mo na ba na makita na kinakalimutan na din kita? Bes, ako'y pagod na, sa pag hingi ng atensyon na kahit wala na, bes pinapalaya na kita, paalam sapagkat ang pagkakaibigan natin ay tapos na...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hugot and quotesWhere stories live. Discover now