(22) "Kelly the ex girlfriend"

25K 641 6
                                    


ℹ💙Ⓜ
Mar.06,2015
🌟💎🌟💎🌟
Feb.15,2018

🌟🌸🌟🌸🌟

Nasa loob na ng sasakyan si Carla at patuloy pa rin siya sa pag iyak binabaybay na nila ang daan patungo sa bahay. Nang maalala niya ang pinag usapan nila ni manang kanina tungkol ky kelly kung gaano ito kamahal ni kent.

        ***F-L-A-S-H-B-A-C-K***

"manang tanong ko lang po diba po sabi niyo kayo na halos ang nagpalaki kay kent so ibig sabihin po kilala nyo rin si kelly."

Inosenteng tanong niya sa matanda napansin niyang biglang nagdilim ang mukha ni manang at mababakas sa mga mata nito ang galit sa pangalang binanggit.

"Okey ka lang po ba manang?"

"Okey lang ako iha, at saka hwag nating pag usapan ang taong wala dito."

"Pero manang na cucurious lang po talaga ako kung sino at ano sa buhay ni kent si kelly"

"Hwag mong isipin ang babaeng iyon bawal pa naman sayo ang ma stress, kaya sige na."ani manang na ipinag patuloy ang ginagawa.

Pero sadyang makulit lang si Carla

"Sige na manang please mas lalo po kasi akong ma strestress pag wala akong alam kung ano ang ugnayan ng dalawa."

"Hi naku akala ko mahiyain at tahimik ka iyon pala mas makulit ka pa sa asawa mo kinukunsume nyo talaga ako, kayong dalawa nang asawa mo."

"Sorry manang, gusto ko lang po talaga malaman para po alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko"

Malungkot na pahayag ni Carla.

"Anong ilulugar ang sarili, asawa ka ni kent, dapat ang babaeng iyon ang dapat lumugar sa sarili nya, matagal na syang nabura sa puso at isip ni kent. oh sya dahil mapilit at sadyang makulit kang bata ka alam mo ba na

Matalik silang magkaibigan bago naging sila, mahal na mahal noon ni kent si kelly kahit ang suwayin ang mga magulang nito ginagawa nito pra lang makita at makasama niya si kelly kaya ganoon na lang ang pagtutol ng mga magulang ni kent ng malaman ng mga ito ang relasyon ng dalawa, kasi alam ng mag asawa na walang maidudulot na kabutihan si kelly para ky kent, na sasaktan at lolokohin lamang siya ng babaeng iyon,

Ayaw makinig ni kent sinuway niya ang mga magulang nya at ipinaglaban si kelly pero sa kabila ng lahat ng ginawa ni kent ay nagawa pa ring iwan ni kelly si kent ipinagpalit niya ito sa pangarap at ambisyon nito, pumunta ito ng New york at iniwan ang kawawa kong alaga.

Buhat ng mangyari iyon ay iginugol nya ang buong oras nya sa pagtratrabaho at pagpapalago sa kanilang negosyo, ang dating makulit at masayahing si kent ay naging bugnutin at laging mainit ang ulo. Kaya ilag sa kanya ang mga tauhan nito.

Kaya labis ang pag alala nang mag asawa para sa kanilang anak. Ganoon ang buhay ni kent sa loob ng halos apat na taon.

Kaya laking pasasalamat nila ng nitong mga nakaraang buwan ay unting unti naging malambot si kent ngumingiti na rin ito, at unti unting bumalik ang dating kent na puno ng pangarap at buhay at iyon ay dahil sayo, nakalimutan nya na ang babaeng iyon, at ngayong ok na ang lahat ok na si kent saka pa muling magpapakita ang babaeng iyan. Para ano? Pra manggulo, para guluhin kayo napaka kapal talaga ng mukha ng babaeng iyan, kaya hwag kang magpapatalo sa kanya iha asawa ka ikaw ang mas may karapatan kysa sa talipandas na iyon."

Gigil na kwento ng matanda sa kanya.

************End of Flashback*************

At dumating na nga ang kinatatakutan nya.

Nagbalik si kelly para kunin ang dati nyang pag mamay ari.

"Mam, okey lang po ba kayo?"

Tanong ng isa sa mga bodyguard nya, tumango lamang siya at saka inutos na hwag mo na silang umuwi, iniutos nya sa mga ito na dalhin sya sa lugar na tahimik, kaya dinala siya ng mga ito sa baywalk.

Naglakad lakad siya at iniisip ang mga mangyayari nang tumunog ang phone nya alam niya na si kent ito, kaya hindi nya pinagka abalahang sagutin, sinabihan nya na rin ang mga bantay nya na hwag sagutin ang tawag ng asawa,

Umupo siya at patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha.

Natatakot siya hindi para sa sarili kung hindi para sa anak niya.

Paano kung iiwan at palalayasin siya ni kent saan siya pupulutin, wala na siyang pamilya.

Ano nang mangyayari sa kanya.

ayaw nyang matulad sa kanya ang anak na lumaki na walang sariling pamilya.

Mahigit limang oras na pala siyang nakaupo at may mangilan ngilan ng tao  namamasyal at medyo makulimlim ang kalangitan tanda ng masamang panahon.

Kaya nagpasya na siyang umuwi, ipinagpapa sa diyos na nya ang lahat.

Kung anumat anu ang mangyayari alam niyang hindi siya pababayaan ng diyos.

**********************************

Abangan ang next update malalaman na  kung ano ang paki usap ni kelly ky kent.

Kung bakit tiniiis nitong masaktan ang asawa.

May katugon ba ang pag ibig ni Carla?
Hart
Hart
Hart
Ko kayong lahat....

************YajNna20

"My Bashful Wife" Where stories live. Discover now