PART 2

2.4K 55 0
                                    


TWO WEEKS LATER

PANAY ang tingin ni Vinnie sa suot na relo. Talagang late na siya, dahil kahit paliparin pa ng traysikel driver ang motor nito ay hindi parin siya aabot.

Bakit naman kasi nagpuyat pa ako kagabi eh alam ko namang may report ako ngayon!

Hilig kasi niya ang manood ng mga drama sa TV tuwing gabi. At iyon ang dahilan kung bakit siya tinanghali ng gising. Bukod sa traffic na ay nasa may simbahan palang sila ng St. Joseph Cathedral na may kalayuan pa sa St. Joseph University kaya hindi napigilan ang mapasimangot.

Kahit naman kasi itext ko si Hara para ipasabi kay sir Giron na male-late ako hindi rin 'yun panigurado ng tatanggaping ni sir. Ano ako boss na pwedeng hintayin ng mga empleyado kahit late na sa meeting?

First year BS Psychology student siya sa SJU. Iyon ay sa kabila ng pagpipilit ng tatay niya na maging Accountant siya. Wala kasi doon ang interes niya, kahit pa sabihing mahilig siyang mag-ipon ng pera.

Paaral siya ng kuya niyang si Lloyd. Walong taon ang gap nila ni Lloyd, pero hindi iyon naging hadlang para maging malapit sila ng husto. SJU graduate rin ito at ngayon ay isa ng magaling na Arkitekto sa Amerika. Doon ito ipinadala ng pinagtatrabauhan nitong kumpanya sa Maynila.

Hindi sila hirap sa buhay dahil maganda naman ang kita ng babuyan nila na parehong pinagyayaman ng mga magulang nilang sina Melchor at Selma. Pero dahil nga binata at walang nobya, si Lloyd na ang sumasagot sa lahat ng gastusin niya sa pag-aaral. Kapalit ang pangako niyang hindi makikipagnobyo hangga't hindi pa nakakapagtapos. Bagay na sinang-ayunan naman niya dahil kung siya ang tatanungin wala pa naman talaga sa isip niya ang pakikipag-nobyo.

Kumusta na kaya siya ngayon? Naiisip kaya niya ang kuya ko? Sinayang lang niya ang pagmamahal ni kuya sa kanya.

Si Cassandra ang babaing tinutukoy niya. Ang long time college girlfriend noon ni Lloyd na binalak pa nitong pakasalan. Naging saksi siya mismo sa pagmamahalan ng dalawa kahit nang mga panahong iyon kung tutuusin ay napakabata pa niya.

Nakita niya kung paano minahal ng kuya niya ang dating nobya. At masaya siya kapag nakikita niya ang kakaibang kislap sa mga mata ni Lloyd noon. Hindi naman nakakapagtaka iyon, kasi magkapatid sila. Gaya nga ng madalas niyang marinig sa nanay nila. Isa lang ang pusod nila kaya kung ano ang maramdaman ng kuya niya ay ganoon rin ang sa kanya. Kaya naman nasaktan din siya ng husto nang malamang ipinagpalit ito ni Cassandra sa ibang lalaki na napag-alaman pa niyang mas bata ng apat na taon sa kuya niya.

Maraming gwapo, maraming ring mayaman. Pero iyong magmamahal ng husto. Iyong kahit buhay niya kaya niyang ibigay para sayo. Iyon siguro ang mahirap hanapin. Parang si Kuya. Sana may makilala akong kagaya niya someday. Sa isiping iyon ay napalabi ng wala sa loob.

Wow top down Audi! Nang matanawan niya ang kulay silver na kotseng nakaparada sa tapat ng gate ng simbahan, hindi iyon malayo sa kanilang kinaroroonan. At iyon rin ang tila nagpabalik ng isip niya sa kasalukuyan.

Muli niyang sinipat ang suot na wrist watch. Saka walang anumang sinuri ang repleksyon niya sa rear view mirror na nasa loob ng traysikel. Pagkatapos ay hopeless na nagbuntong hininga saka isinandal ang ulo sa headrest ng traysikel.

Lord, maghimala kayo please? Pikit mata niyang dasal.

SUNOD-SUNOD na napailing si JV nang mapagmasdan ang gulong ng kanyang sasakyan.

Kapag minamalas ka nga naman! Aniya saka sinulyapan ang suot na relo. Noon niya dinukot ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Papupuntahin nalang niya doon ang kanilang family driver.

THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETEDWhere stories live. Discover now