Chapter 16

420 10 0
                                    

Agad akong nagpunta sa laptop ko at nag bukas ng Facebook

"Ano yan Annika, naisipan mo pang mag Facebook?" Naaasiwa niyang sabi

Tinipa ko sa keyboard ang pangalang Raphael Mendoza, pero walang lumabas

"Anak ng tokneneng oh! Bakit walang lumabas?!" Taka kong tanong

Lumapit naman si Raphael at sinilip ang screen ng laptop ko

"Sinearch mo ko sa Facebook?" Kunot noong tanong niya

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at pumunta sa gitna ng kwarto

"Sabihin mo nga sakin Raphael, dekada ano ka nabuhay? Bakit wala kang Facebook?" Tanong ko

"1997, I don't know" Kibit balikat niyang sabi

"Ano pang naaalala mo?" Tanong ko

"Wala pa masyado pero nakikita ko sa mga visions ko na mayaman ako" Sabi niya at tumawa, napataas ang kilay ko

"I'm dead serious" Sabi ko

"Seryoso din ako" Sabi niya habang natatawa "... Never mind that thing. Galing akong New York, dun ako gumraduate ng Middle School, and nagaaral ako dito sa Philippines sa kursong business management" Sabi niya

Sinulat ko sa sticky note lahat ng sinabi niya at idinikit sa glass window ko

"Ano pa?" Tanong ko

"Sa Manila ako nagaaral" Sabi pa niya

Pag katapos ko isulat ang huling sinabi niya ay umupo ulit ako sa harap ng laptop ko

"Kung sa Manila ka nagaaral? Bakit ka napunta dito sa probinsya?" Tanong ko

"I don't know. Maybe katulad ng sinabi mo noon, baka andito yung dahilan ng pagkamatay ko o andito ang unfinished business ko" Kibit balikat niyang sabi

Nagtipa ako ng mga letra sa keyboard, naghahanap ng kaparehong uniporme katulad ng suot niya, pero sampung minuto na ata ang lumipas pero wala parin akong nahahanap.

"Meron ka pa bang naaalala?" Tanong ko

"Wala na" Sabi niya at humiga sa kama ko

"I think kailangan na nating lumapit ka Kuya Nico" Saad ko

Lumingon naman ito sa akin "I thought you and your brother are not in good terms? Bakit tayo lalapit sa kanya?" Tanong nito

"'Di ata keri 'to ng powers ko" Pagamin ko, he chuckled

"Kaya natin yan, basta't we're here to acompany each other" Sabi niya at itinaas baba ang kilay

----------
Azryl: Main plot is about to begin! Be ready babies! HAHAHAHA

Perfect Strangers [COMPLETED]Where stories live. Discover now