Chapter 26: His Side

4.9K 169 26
                                    


Frost's POV

"At talagang hindi mo ko maintindihan dahil hindi mo alam yung feeling na nasaktan!"

"At talagang hindi mo ko maintindihan dahil hindi mo alam yung feeling na nasaktan!"

"At talagang hindi mo ko maintindihan dahil hindi mo alam yung feeling na nasaktan!"

"At talagang hindi mo ko maintindihan dahil hindi mo alam yung feeling na nasaktan!"

Paulit ulit ko paring iniisip ang mga salitang binitawan niya. Hindi ko siya maintindihan, anong ibig niyang sabihin sa feeling na nasaktan. Bakit anong nangyari sa kanya? May nagpasakit ba sa kanya?? Hay girls

At isa pa hindi ko inistop yung training niya sadyang naubusan lang talaga siya ng oras. Bakit ko alam? Eh kasi sinundan ko siya pagkatapos niya doon sa foodhall. Gusto ko lang namang makita siya...

"Ouy bro tulala ka yata" pamumukaw ni Jack sa akin

Bahagya akong nagulat at napatingin sa kanya wearing my cold look

"May problema ka ba bro?" Tanong ni Ken sa akin na kakadating lang na may dalang isang bowl ng chips

Agad namang kumuha si Jack doon pati din ako. Favorite ko kasi yun--namin ni Leo at Heat

"Ouy dahan dahan naman Jack, hindi lang ikaw yung kumakain!" Angal ni Ken sabay palayo ng bowl

"Ouy ano ba wag mo ngang ilayo yan! Gutom ako ehh" awat niya na parang bata

"Kung gutom ka, yung TUNAY na pagkain ang kainin mo huwag itong JUNKFOODS!" Sigaw ni Ken kay Jack

"Anong tingin mo sa chips FAKE FOODS?! Tingnan mo nahawakan ko nga" sabi niya sabay kuha ng isang chips

"At makakain ko pa" dugtong niya sabay kain ng chips

"So for your information bro lahat ng pagkain TUNAY!! kaya wag kang ano diyan!" Awat niya kay Ken

"Gago! Hindi naman niyan ang ibig sabihin ko! Bobo!" Sigaw ni Ken

"Hoy hoy hoy sa gwapo kong to, bobo? Haha nagpapatawa ka ba? Kasi ha ha ha funny" sarkistong sabi ni Jack

Hahay kahit kailangan talaga ang ingay nila parang mga batang nag aaway sa maliit na bagay haggang aabot sa ibang bagay ang pag aawayan tsk tsk tsk. Tumayo na ako dahil ang ingay nila balak ko munang magpahangin sa labas. Tumungo na ako sa pintuan at binuksan, bago ako lumabas at tumingin muli ako sa kanila na ngayon ay nagpapatuloy parin tsk. Lumabas na ako sa dorm at nagtungo sa elevator

Pagkalabas ko sa elevator ay tamang tama kakadating lang ni Mady kasama si Trishia na may alalang mukha, hingal na hingal sila at ang lalaki ng mga pawis nila parang galing sa takbuhan

"Frost!" Gulat na sambit ni Mady dahil na kita niya ako sa loob ng elevator, bahagya siyang napahawak sa kanyang dibdib at ipinatong ang kamay sa balikat ni Trishia para alalay

"What?" Tanong ko sa kanila habang nakapamulsa

"Buti naman at nakita ka namin" panimula ni Trishia na hingal na hingal

S A F I R EWo Geschichten leben. Entdecke jetzt