Chapter Seventeen: Join (Part One)

4.7K 88 0
                                    

Kindly please read the author's note after this part.


{CHAPTER SEVENTEEN: JOIN (PART ONE)}


"Somebody is behind all of this! May taong may masama talagang balak para sakin." 

Saad ko pagbalik ko sa loob ng police station. Inilapag nung pulis naming kausap yung hinihingi kong hard copy ng mga pictures ng mga suspek.


"Paano nyo naman po nasabi---"


"Someone texted me! An unknown number at alam kong nandito lang sila sa paligid natin. Alam nila lahat ng kilos na ginagawa ko." S

igaw ko tapos ibinigay ko sa kanila yung phone ko para naman makita nila yung text na sinasabi ko.


"Ivy, calm down." Hinawakan ni Alexander yung dalawa kong balikat bago ako inalalayang makaupo. In fairness, gentleman ang isang toh.


Sinuri nila Tito Aljiand, Alexander at nung pulis yung cellphone ko bago ko inagaw mula sa kanila. I didn't deleted the text and I added their number to my contacts. For security purposes, inadd ko rin muna sa vault yung message text para hindi kaagad madelete kung may mangangalikot man ng aking cellhphone. This will be one of my major evidences sa oras ng kagipitan sa imbestigasyon.


"We will focus more about that Miss Ivy pero ibalita nyo rin po kaagad samin kung may nakakapagtakang sumusunod sa inyo or kung may kakaiba man sa inyong paligid." 


I nodded at the enforcer. Pagkatapos ng ilang paalala at usapan mula sa police station, we decided to go home. Si Tito ay dumeretso na muli sa kanyang opisina so I was stuck up with Alexander. Syempre, ako na ang nagdrive para mabilis. Kikitain ko pa si Dianne ng exactly 1 pm. Once na nakarating ako sa bahay, pinapasok ko kaagad si Alexander sa loob at nilock ang front door.

I also commanded my maids na huwag masyadong maglalalabas ng bahay and don't ever talk to strangers imbis lang kung bisita ko man or kakilala ko but they should inform me first.


This is for everyone's safety.

Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos lang lalo na kung nasa paligid ko lang yung mga kalaban ko at hindi rin nila pwedeng malaman lahat ng plano ko.


At 12:30, naligo na ako at nagbihis ng pang-alis. A crop top paired with ripped jeans will be my outfit for the day. I put some light make-up and I'm ready to go. Tinext ko na si Dianne na on the way na ako and she replied na nandun na sya kaagad.

I wore my black stilettos at tsaka bumaba.


"Loreta, tandaan nyo lahat ng bilin ko ah. Never, ever try to disobey them or else you're fired. Ilock nyo kaagad ang pintuan pagkalabas ko." Tila nanigas sa kinakatayuan si Loreta sa sinabi ko at kaagad namang tumango.


I looked at Alexander na nasa salas ko at nagvivideo games. I called up to him.


"Alexander, dito ka lang muna. Babalik rin ako but I'm going to meet someone, okay? Ingatan mo tong mga tangang kasambahay ko. Call me if you need something."


Tumingin lang sya sakin bago tumango at bumalik na ulit sa paglalaro. Napailing na lang ako bago nagmartsa papunta sa kotse ko. I drive to Chilis at sakto namang nakita ko kaagad si Dianne mula sa loob. From my way to here, wala naman akong napansing kaaiba na baka sumusunod sakin. Before I got out of my car, tinext ko sina Joy, Alice at Denise na magkikita-kita kami sa HQ namin at exactly 1:15.

Current time: 1:10


Lumabas na ako sa kotse ko and as usual, sakin na naman nakatingin lahat ng tao. Pumasok ako sa loob at agad pinuntahan si Dianne. I saw her taking a sip from her juice near the window on the left corner.


"Bessy! Saan ba tayo pupunta? Oh ayan, inorder na muna kita ng lemon juice."


I quickly accepted her offer bago ko sya hinila patayo. 

"Tara na. Malelate na tayo."


I dragged her outside habang sinisipsip ko yung lemon juice ko from a straw. Nung nakarating kami sa kotse ko, agad ko syang pinapasok at syempre ako ulit ang magdadrive. Maybe I will take the secret road to our destination para wala masyadong tao ang nakakaalam ng lugar na pupuntahan namin.


"Seriously bessy? Where are you going to take me ba?"


I smiled at her question.


"In our headquarters. Secret headquarters."


=======


Author's Note:

Part one muna. Bukas ang part two. If I have time, pagsasamahin ko na lang yung two parts since continuation naman yung iuupdate ko bukas pero talagang pinublish ko lang toh kasi baka mamaya, amagin na tong libro ko sa tagal kong hindi naguupdate. Love you guys.

Love lots.

𝐓𝐇𝐄 𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐒𝐓 𝐆𝐀𝐍𝐆𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐐𝐔𝐄𝐄𝐍 𝐈𝐒 𝐁𝐀𝐂𝐊Where stories live. Discover now