Chapter twenty six: Revelation #1

5.6K 159 0
                                    

Chapter twenty six

Thrim's POV

'Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng mga kaibigan mo kapag nalaman nila ang sikretong matagal mo ng itinatago? Magagalit kaya sila? Oh. I can't wait to see their reaction.'

I immediately crampled the paper pagkabasa ko nito. Letse! Ano na naman to? Bakit may banta na naman saken? Kakarecover ko nga lang mula nung tanggalan ako ng kapangyarihan eh!

Nakita ko ring may nakasulat na lugar at oras sa likod ng papel. I think, gusto akong pumunta ng kung sino mang sumulat nito sa lugar na yon. I want to meet him/her. Gusto kong malaman kung ano lahat ang alam niya tungkol saken.

I don't want to waste time anymore kaya ngayon palang ay pupunta nako sa lugar na nakasulat dito.

Shit! Are they leaving me with no choice but to say the truth? Pero gusto ko, bago ko sabihin sakanila lahat ay malaman ko rin muna ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao ko. Marami pa akong tanong na gusto ko munang masagot. At kapag nakuha ko na lahat ng sagot sa mga katanungan ko, I promised to tell them the truth about me. But for the mean time, kailangan ko munang pigilan ang balak ng sumulat nito. I won't let her ruin everything I plan. Alam ko rin namang darating ang araw na may makakaalam ng lihim ko. But not as early as this.

Sinara ko muna ang pinto ng kwarto ko bago ko sambitin ang spell para mabuksan ang lagusan. I can say that my skills are improving. May alam nakong spell eh!

Pumasok na rin ako kaagad doon para makarating ng Caster World. Sa greenhouse kasi ako pinapapunta eh. Hindi ko nga din alam kung bakit.

Pagkarating ko naman sa Caster World ay naisipan ko munang dumaan sa Academy.  Pumunta ako sa room namen pero wala naman sila doon. May iilang studyante naman ang dumadaan sa corridor kaya naisipan ko silang tanungin.

"Excuse me." hinarang ko yung isang babaeng studyante at bigla namang nanlaki ang mata niya pagkakita saken. Problema niya?

"B-Bakit po? Ms. Thrim." nauutal na tanong pa niya saken sabay yuko. Hindi ko talaga maintindihan ang trip niya.

"Kilala mo ko?" nagtatakang tanong ko naman sakanya. Tinawag niya kasi ako sa pangalan ko diba? How did she know my name?

Napatingin naman ako sa suot ko to check kung may pangalan bang nakalagay sa damit ko. Pero, wala naman. Wala din akong suot na nametag.

Tumango naman siya ng tatlong beses and finally, nagawa na rin niya akong tignan ng diretso, "Oo naman po. Sikat na po kaya kayong apat nung taga diamond section dito sa Academy. Kayo pong apat ang magliligtas sa Caster World diba? Hero na nga po ang tingin sa inyo dito eh. Idol na rin po namin kayo."

Ang haba ng sinabi niya. Isa lang naman niyang ang tinanong ko. Ano daw?, kame? Heroes? Letse! Hindi magandang pakinggan. Nakakairita lang. Paano naman nila nasisigurong maliligtas namin ang Caster World? Kung alam lang nila, wala pang nangyayari sa mission namin sa mundo ng mga tao. Wala pa rin kaming alam kung nasaan yung book of spells. Di pa kasi namin nasubukang pasukin ang secret library ng C.U eh.  Paano naman kase, we're still stuck at Adamson Academy. Nagsayang lang kami ng oras sa pagpayag naming maging exchange student. Wala naman kasing nagbago sa personality namen. We're still aloof. Well, si Trina may mga naging kaibigan naman kahit papano. Ako wala.

"Well, Wag kayong masyadong umasa samen. You also need to enhance whatever ability or skills you have. Malay niyo, makatulong din kayo diba?" sabi ko.

Ayoko lang kasi talaga na masyado silang umasa samen. Hindi ko naman kasi maipapangako na matatalo namin lahat ng kalaban. We all know that they're force is stronger than us at this moment. Matagal na rin kasi nilang pinaghahandaan ang pagwasak sa Caster World. Aaminin ko, masyadong naging kampante ang panig namen. Hindi naman kasi namin akalain na totoo pala ang digmaan na matagal na ring usap-usapan ng mga matatandang Casters. Sila naman kasi talaga ang higit na nakakaalam tungkol sa propesiyang binanggit date.

World of CastersWhere stories live. Discover now