Chapter 40

700 9 0
                                    

Marah's POV

"Ang pumasok sa ministeryo..." 

Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

Umupo ako ng matuwid para maabot ko ang buhok niya. Inayos ko ang bangs niya na nalaglag, at pinunasan ang mga mata niya.

Umiiyak siya.
At parang alam ko na kung ano ang susunod na sasabihin niya,

"...marah, nung PNK tayo lagi mong sinasabi na gusto mong maging kagaya ni mama, gusto mong mag stay lang sa pastoral dahil masaya don. Bata pa tayo nun pero naiintindihan mo na ang buhay namin. Sabi mo gusto mong mag-asawa ng manggagawa. Kaya yun ang itinatak ko sa isip ko. Nagsikap akong mag-aral. Ibinuhos ang sarili sa pag-aaral sa bibliya. Nagpanata gabi-gabi. At ngayon, papasok na. Ikaw ang dahilan non nung una marah, pero kung ikaw lang ang dahilan nun, baka di ako makakapagpatuloy. Tinawag din ako ng Ama. Kaya matutupad yun. Matutupad yung pangarap kong mag Ministro. Ikaw ang kinasangkapan ng Ama para ipaunawa sakin yun."

Naalala ko. Oo nga. Nagbago lang naman ang prinsipyo ko nung bumalik siya at nalaman kong engineering siya. Kaya from minister, eh naging engineer.

"Dalawang hiling ko ang natupad. Ang ibalik ako sayo at ang tawagin ako sa ministeryo. Dalawa yan. Ang swerte ko kung iisipin. Gamit ang naipon kong pera, nagpatulong ako kay majo para maghanda ng surpresa sayo. Yung walang ibang makakagawa kundi ako lang. Yung di mo basta basta makakalimutan. Ayun, I searched for the most expensive and sweetest love confession, at nabanggit dun na fireworks nga. Sabi ni majo maghati kami sa gastos. Pero sobrang laki non kaya sabi ko kahit ilan nalang iambag niya. Tutal may ipon naman ako. Ayun nga, pero bago yun... humingi ako ng senyales sa Ama."

"Ano yun?"

"Kung ang reaksyon mo ay ganon sa iniisip ko, ikaw nga ang para sa akin."

"A-ano?"

"Basta. Ikaw ang para sa akin."

"B-bakit?"

"Tara na gutom na ako..." aniya..

"Ihh... Matthew!!"

"Tara na...." tumayo na siya.

"Hindi pa ako gutom!" Sabi ko. Dahil gusto kong malaman ang mga katuloy nyang kwento. Hindi ko rin nasabi yung mga gusto ko!

Pero biglang narinig kong tumunog ang tiyan ko. Grabe!

"Iba ang sinasabi ng sikmura mo gorgeous..." aniya. Hinawakan niya ulit ang kamay ko para hilahin ako patayo.

Nagpahila nalang ako dahil nga gutom na ako. Pumasok kami sa loob at walang tao. Maliit lang ito, tatlong table lang.

Nag order kami ng food. Lasagna sakaniya at carbonara sa akin. Dalawang shake. Coffee sakaniya. White chocolate naman ang akin.

Kinunan ko ito ng litrato.

"May gusto ka pa ba?"  Tanong ko.

"Ahm.. ikaw.."

Lub dub lub dub lub dub...

Chase your dreams! (COMPLETED)Where stories live. Discover now