4

3 0 0
                                    


"Like, srsly????? OWEMGEEE ! "

after ko ikuwento kay laney ang nangyari kahapon, ay yan ang reaksyon nya.

"So anong plano? magpraktis kna, nang makapag audition ka this monday!! shett naeexcite meh!!"

inirapan ko nalang sya. Syempre gusto kong mag audition pero natatakot ako. hays.
pano nalang pag nalaman ni mom. Alam ko namang ayaw na ayaw nya na sumasayaw ako. Di ko nga rin alam e pero ayaw nya na sumasayaw ako, dapat daw nakatutok ako sa pagkanta ko para mas sumikat pa.

"Bes sasamahan at susuportahan kita, at siguradong sigurado ako na makakapasok at magiging myembro ka ng GMX shocks! edi pag nangyari yun makakasama mo na lagi si Milo mo tas makikita ko na din lagi si Hijo Bebe. oh diba parehas tayong sasaya"

Habang sinasabi nya yun ay namumula ang pisnge nya, na tipong may pa matching hawak pa sa dibdib sabay napahiga sa kama ko.
Nagd-daydream na naman ang loka.

"btw, anong oras ang audition?"

biglang napabangon ang loka sa tanong ko

"3PM AT PRACTICE ROOM! mag au-audition na ba you?"
sabay lapit nya sakin at tila inuusisa ako at ang lapit pa ng mukha nya sa mukha ko.
tinulak ko ang mukha nya palayo sakin kaya naman napahiga ulit sya.

"ano ba!" inis na sabi nya at tinignan ako ng masama

"Hmm pag iisipan ko pa."

"OKAY OKAY! AKO NA MAGHAHANAP NG MAGANDANG TUGTOG, AS IN NOW NAAAAAAAA!!! "

patalon talon sya habang kinukuha ang laptop ko. Bumalik naman sya sa kama at nagsearch ng kung ano dun.

-

*Saturday

Dito ako sa kwarto ko nakaupo sa harap ng malaking salamin habang inaayusan ng baklamg make up artist na ipinadala ni mom dito sa unit ko.

"Miguel will pickypu up, so be ready and treat him nicely"

text message ni mom sakin.
Miguel Perez, isang sikat na singer. Marami na syang album at marami syang tagahanga. Kaya naman gustong gusto sya ni mommy para sakin.

"okay mom"

pagtapos num ay hindi na sya nagreply.
napatingin nalang ako sa salamin at napabuntong hininga. sisikat na ba talga ako after ng show nato?

"naku ang ganda mo na atih! galingan mo mamaya ah! magiging number one fan mo ko at soon to be make up artist mo "

napangiti naman ako at tinignan si Maysie (Yung bakla na make up artist)
"Syempre ikaw nag make up sakin e. Ang galing mo naman"

"Syempre, ilang taon kong inaral ang pag mimake up. Tsaka ito talaga kasi ang pangarap ko. makapag make up lang ako, masayang masaya na meh!"

Kita sa mukha nya na masaya nga sya sa ginagawa nya. kitang kita yun sa mga mata nya.
kaya napangiti nalang ako. at hindi na nagsalita pa

"At alam ba? dati ayaw na ayaw nila papa na mag cosmetics ako, dahil gusto nilang magpolice ako Hahaha. pero ayon dahil ayoko nang magpolice, inamin ko sakanila na bakla ako at ayon pinalayas nila ako, pero dahil madiskate ang ateh mo, nagpapart time ako sa isang salon, habang nag aaral din ng cosmetics. kaya ayon eto na ako ngayon at tanggap na rin ako ng family ko!"

Napatingin ako sakanya. Ang tapang nya para gawin yun para lang sa pangarap nya. At kitang kita na wala syang pinagsisihan sa naging desisyon nya dahil nakamit nya ang pangarap nya at sa bandang huli naging okay sila ng pamilya nya.

"Kaya ikaw, Gawin mo ang best mo para maabot mo ang pangarap mo kahit mayroon mang mga tutol dun.
galingan mo ah! susuportahan kita gurl"

"Salamat Ate Maysie, Tutuparin ko po ang pangarap ko" pangarap na maging isang mananayaw

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Steps Closer to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon