[SPECIAL CHAPTER] DARIUS

827 17 1
                                    




Nakatuon lang si Darius sa kaniyang computer screen. Ang ginagawa niya lang ay mang-hack sa mga secret sites dahil isa rin siyang spy sa isang malaking company. Sa lahat ng mga hackers sa kanilang company, siya ang pinakabata. Maaga siyang nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kaniyang katalinuhan. Ngunit pinatigil siya sa kaniyang trabaho dahil nagkaroon siya ng malubhang sakit.

Nakakulong lang siya ng buong araw sa kaniyang kwarto at busy sa kaniyang gadgets. Hanggang----

"KUYA DAR!"

Nagulat si Darius sa biglang pagpasok ng kaniyang kababatang kapatid, na si Denice. Dahil sa lubos na pagkagulat, nahulog siya sa kaniyang kinauupuan. Tumawa ng malakas si Denice dahil sa reaction ng nakakatandang kapatid.

"GRABE KUYA! HAHAHA! TWENTY YEARS OLD KA NA, MAGUGULATIN KA PA! HAHAHA"

Hindi sumagot si Darius at umupo na lang siya. Tignan niya lang ang kapatid na kakatawa.

"Ano nanaman kailangan mo, Denice?" Masungit na sinabi ni Darius. Tumigil si Denice sa kakatawa at inayos na rin ang sarili.

"Sabi ni mama, mamalengke ka daw. Halos araw araw ka nang nakakulong diyan sa kwarto mo," Sabi ni Denice sabay abot sa kapatid ang perang pamalengke at listahan ng mga bibilhin. Sabay lumabas si Denice sa kwarto.

Binulsa ni Darius ang pera at listahan. Tsaka tumayo at lumapit ito sa kaniyang computer tsaka pinatay ito. Bago siya lumabas ng kwarto, nagsuot muna siya ng mask.

Habang naglalakad siya papunta sa palengke. May napansin siyang isang grupo ng mga magbabarkada. Ngunit may isang babae na nakakuha sa kaniyang pansin.

Halos nagandahan ang binata sa dalaga. Kaya matapos siyang mamalengke. Naglakad siyang pauwi. Hanggang kumirot ang kaniyang ulo. Napahawak siya at nabitawan ang kaniyang mga dalang supot.

"T-Tulong," Nauutal at mahina sinabi ng binata. Hanggang may narinig siyang boses. Boses ng isang babae.

"Kuya? Sandali lang ah? Tatawag lang ako ng ambulansya," Nakita ni Darius ang mukha ng dalaga. At ang dalagang iyon ay nakita niya nung naglalakad siya papunta sa palengke. Hanggang nawalan siya ng malay.

Nagising ang binata na nasa hospital na siya. Nang nakauwi siya mula sa hospital. Agad niyang Kinuha ang kaniyang laptop.

Write a new message?

Hacker's Texts [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon