3

751 48 12
                                    

Hindi ko alam na ganito pala ibig sabihin mo ng 'hindi kita guguluhin'.

Tatlong araw kang di nagpakita sa akin matapos mong ipatago sakin yung papel at yung ATM card mo. Ito yung mga panahong nagre-review ako para sa Periodical Exam natin. Siguro naisip mo na baka maistorbo mo ako kaya hindi ka nagparamdam. Naging matamlay nga si Bugs Barney dahil hindi ka bumibisita sa apartment.

Aaminin ko, sa tatlong araw tayong hindi nagkita, parang may parte sakin na gusto kang puntahan at kausapin. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Basta.. gusto na lang kitang makita, gusto kitang makausap. Parang di kasi nakukumpleto araw ko pag hindi ko naririnig yung mga pang-aasar at pagbabanta mo. Kahit sa eskwela, iniiwasan mo ako. Buti na lang napigilan ko sarili kong lumapit sa'yo. Kundi, baka kung ano nanaman ang gawin mo sakin.

Sabado ng umaga, nagising na lang ako sa sunod-sunod na pagbusina ng sasakyan galing sa labas. Walang pasok kaya napasarap tulog ko, dala na rin ng puyat at pagod dahil sa pag-aaral ko nitong mga nakaraang araw. Buti na lang at tapos na yung exam. Nakakahinga na ulit ako ng maluwag.

Lumabas ako ng apartment at kagaya ng dati, naabutan kitang nakasandal doon habang nakapamulsa yung isa mong kamay at nakapasok naman sa bintana ng driver's seat ang isa para bumusina. Bumalik ka nanaman para manggulo.

Ang aga-aga, pinagalitan mo ako. Kesyo late ako sa usapan, kesyo pinag-antay kita, kesyo kakagising ko lang at kung ano-ano pa. Hindi ko na nga maprocess sa utak ko yung mga nirereklamo mo sa sobrang dami eh. Ang sungit sungit mo na parang dinaig mo pa ang mga babaeng may monthly period.

Pero imbes na mainis ako sayo, lihim akong napangiti kahit na sinusungitan, pinagbabantaan at inaasar mo ako ngayong umaga. Nakakamiss rin pala.

Dali-dali akong nag-ayos habang nilalaro mo si Bugs Barney na sumigla noong makita ka. Simpleng t-shirt at jeans lang ang suot ko noong una pero pinabalik mo ako sa kwarto para magpalit. Sabi mo pa nga sakin, wear something fit for a lady.

Eh anong ipapalit ko? Pare-parehas lang yung mga damit ko. Puro t-shirt at jeans lang laman ng aparador ko.

Kaya ayun, hinila mo ako papunta sa sasakyan mo at dumiretso tayo ng Mall para mag-shopping. Ikaw na nga lang namimili ng mga damit ko, at grabe ang mamahal ng pinipili mo.

Hindi naman ako maka-reklamo kasi ikaw ang nagbabayad.

Umuwi muna tayo sa apartment saglit para ibaba yung mga pinamili mo at para makapagpalit na rin ako. Simpleng knee-length white dress na may blue flowers imprint ang sinuot ko. Tinernuhan ko iyon ng sandals na binili mo rin.

Hindi ko nga alam kung bakit bigla kang napalingon sa ibang direksyon noong makita mo ako eh. Pasimple mo pang tinatakpan mukha mo. Hindi ba bagay sakin suot ko?

Magpapalit na sana ako pero hinila mo na ako papunta sa kotse mo. Sabi mo, nasasayang lang oras natin at kailangan na nating simulan yung to do list mo. Hindi na tuloy ako nakapagpalit. Grabe, hindi nga ata bagay sakin.

Pumunta tayo sa isang mamahaling restaurant. Binati tayo nung waiter at saka dinala sa reserved table for two. Kaya pala pinagpalit mo ako ng damit, ang sososyal ng mga tao rito.

May lumapit sa'ting lalaki na nagpakilala bilang may-ari ng restaurant. Doon ko lang nalaman na kaibigan pala iyon ng papa mo. May pinag-usapan pa kayo pero hindi ko na narinig iyon.

Maya-maya, iniwan mo ako doon sa table at pumunta sa gitna kung saan may grand piano. Inintroduce ka nung may-ari at sinabing ikaw ang magper-perform ngayong araw na to.

Tumingin ka muna sa akin bago ka magsimulang tumugtog. Hindi ko alam na may talent ka pala sa ganito. Parang anghel yung boses mo tapos sinabayan pa ng tugtog mula sa piano. Grabe, ang sarap pakinggan. Masyadong.. mapayapa.

Ewan ko ba pero ang ganda-ganda mong tignan habang tumutugtog. Napakaamo ng mukha mo, parang hindi ikaw yung mafia boss na una kong nakilala. Nitong mga saglit na to, halos perpektong-perpekto ka sa paningin ko.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko noong napatingin ka sakin. Yung mga titig mo, nakakatunaw.

Buong araw kang kumakanta kasama ang grand piano. Buong araw ring nakapako sayo yung tingin ko. Buong araw ko na ring sigurong nararamdaman yung mabilis na tibok ng puso ko, pati na rin yung pag-init ng pisngi ko.

Sino ba naman kasi ang hindi magiging ganon kung buong araw kang nakatitig sakin habang kumakanta?

Yung ibang customers, nagtataka kung bakit sakin ka lang nakatingin. Akala nga nila, may kung ano sating dalawa. Lahat kasi ng mga kinakanta mo, parang nakadedicate sakin. Sakin ka lang kasi nakatingin.

Gabi na nang makaalis tayo ng restaurant. Kahit na buong araw lang akong nakaupo doon, kumakain habang pinapanood ka, hindi ko alam kung bakit hindi ako nainip. Naaaliw talaga ako sayo.

Laking pasasalamat sayo nung may-ari dahil dumoble yung kita niya. Bali-balita daw kasi yung gwapong tumutugtog kaya nagdagsaan yung mga babaeng customers. Naks. Iba na talaga karisma mo.

Akala ko iuuwi mo na ako samin. Namimiss ko na kasi yung kama ko. Kaso dinala mo pa ako papasok sa isang mala-gubat na daan. Sobrang kabado ako noon, baka kung ano nang gawin mo sakin.

Lalo pa akong kinabahan nung pumarada yung sasakyan sa isang abandonadong building. Lumabas ka at niyaya mo ako papasok sa loob.

Natigilan ako. Hindi ko alam kung tatakbo na ba ako palayo o sasama ako sayo. Pero kinuha mo yung kamay ko at hinila mo ako papasok sa loob.

Umakyat tayo sa pinakataas, yung rooftop. Todo dasal pa ako, na sana wala kang gawing masama sakin. Hindi naman sa hindi kita pinagkakatiwalaan pero.. ito pa lang kasi yung unang beses na may kasama akong lalaki ng ganitong oras.

Hinigit mo yung malaking tela na nakalatag sa sahig.

Hindi mo alam kung gaano ako namangha sa nakita ko.

Gawa kasi sa salamin yung sahig. Narereflect nito yung langit. Nung mga pagkakataong iyon, madaming bituin, maliwanag yung buwan.

Para tuloy tayong lumulutang sa kalangitan.

Natauhan lang ako nang niyaya mo akong umupo doon at pagmasdan ang langit. Tinuro ko sayo ang iba't ibang constellations at aliw na aliw ka namang i-connect yung mga bituin na parang connect the dots.

Masaya palang mag-star gazing ng may kasama.

Nagulat na lang ako nang tumayo ka at inilahad ang kamay mo. Naguguluhan akong tumingin sayo pero inabot ko iyon at ipinatong mo ito sa magkabilang balikat mo. Hinawakan mo ako sa bewang at nagsimula kang sumayaw.

Para nga tayong tanga eh. Sumasayaw ng walang tugtog. Pero maya-maya, kumanta ka.

Mas lalo mo akong nilapit sayo na halos magkayakap na tayo. Ramdam na ramdam ko na nga yung hininga mo sa leeg ko.

Parang binubulong mo lang sakin yung kinakanta mo. Ang ganda-ganda talaga ng boses mo.

"So close to reaching that famous happy ending. Almost believing that this was not pretend."

Parang ayoko na ngang tapusin yung kanta. Gusto ko pang isayaw mo ako. Gusto ko pang marinig yung boses mo.

"Let'go on dreaming for we know we are.."

Gusto kong patigilin yung oras. Gusto kong manatili lang tayo sa ganito.

"So close.. so close.. and still so far."

Gusto na ata kita.

His To Do ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon