Chapter Sixteen : The Reason behind that REVENGE

27.2K 489 44
                                    


( A/N : Dahil CUTE ako, binago ko ang picture nila Zeek at Kent. Balikan niyo na lang yung Chapter 7 & 8 kung gusto niyo makita. Hihihi. = v = Nasa external link ung pic ni Zeke, ha? :P )

( A/N : ^ Tama ba yung title ko? HAHAHAHHA! XD )

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ 



F L A S H B A C K ~

 


( Callie’s POV )

 

 

 

Malapad ang ngiti niya habang naglalakad pauwi. May maganda siyang balita sa Mama’t Papa niya. Nakakuha siya ng scholarship sa isa sa mga magagandang eskwelahan sa Maynila. Plus, siya ang Valedictorian ng klase nila. ^______________^

 

 

 

Patalon-talon pa siya habang naglalakad pero agad nabura ang ngiti niya ng makita niya ang Papa na papaalis habang may bitbit na maleta. Tumakbo siya papalapit dito.

 

 


“Pa, san ka pupunta?” tanong niya dito.

“Iiwan ko na kayo. Hindi ko na kayang makisama pa sa inyo. Hindi ko naman talaga mahal ang ina mo. Nilasing lang niya ako kaya ka nabuhay ngayon.” Pagkasabi non, tinalikuran na siya nito. Pero bago pa ito makapasok sa taxing pinatawag marahil nito, niyakap niya ang isang binti nito.

 

 

“Pa, wag mo kaming iwan. Alam niyo po ba, Valedictorian ako. Nakakuha din po ako ng scholarship sa isa sa mga magagandang eskwelahan sa Maynila. Sisiguruhin ko pong hindi na ako magiging pabigat sa inyo.” Umiiyak na sabi niya dito. Pero tinanggal lang nito ang kamay niyang nakayakap sa binti nito.

 


 

“Wala ka ng magagawa, Callie. Susundan ko ang totoong mahal ko.” Pagkasabi non, sumakay na ito sa taxi. Pero bago pa nito maisara ang pinto non, tinanong niya ito.

“Sino siya Papa?” Galit na tanong niya dito. Nakita niya ang biglang pagkislap ng mga mata nito.

“Trixie Coleen Gomez.” Puno ng pagmamahal na sambit nito pero may kalakap iyon na lungkot.

“Mahal ka din ba niya ha, Papa?!” Hindi paawat na tanong niya dito. Marahas na pinahid niya ang mga luha niya. Nakita niya ang pait na dumaan sa mga mata nito. Umiling ito.

“Hindi. Pero kahit hindi kami ang nagkatuluyan, nananatiling siya lang ang mamahalin ko habang nabubuhay ako.” Tumingin ito sa kanya kapagkuwan ngumiti ng tipid. Hinawakan nito ang ulo niya.

“Ito ang lagi mong tandaan Callie, mahal kita, kayo ng Mama mo. Pero sumusumpa ako, sinubukan kong mahalin ang Mama mo. Pero sadyang tapat itong puso ko kay Trixie. Magpakabait ka ha. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo. Alagaan mo ang Mama mo.” Kapagkuwan, hinalikan siya nito sa noo.

The Demonic Black Princess [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon