Chapter 1

28 1 0
                                    

Second

"Anson, she's dying.." parang biglang huminto ang mundo ko sa sinabi ni Tita.

The girl lying on my bed looked at me, "Babe, what's wrong?" Sabi niya pagka-tapos ay hinawakan ang kamay ko. I faintly smiled at her before excusing myself.

Tumayo ako mula sa kama at nag-tungo sa veranda ng tinitirhan ko. Nag-sindi ako ng sigarilyo at bahagyang humilig sa railing.

The busy street of Quezon City is below me. Kitang-kita mula rito yung traffic sa daan. Typical Metro Manila. I wonder when will the government find a cure for this? At kung sakali man may batas na sila na ihahain, susundin ba ito ng mga Pilipino? 

Napailing ako sa naisip... Nothing will happen if we lack discipline among ourself.

"Is this a scheme, Tita?" Halata sa boses ko ang iritasyon, "Because if it is, hindi po magandang biro." Inipit ko yung phone ko pagitan ng pisngi at balikat ko at nagbukas ng candy.

"I wish it's a joke, Anson, but believe me please." Hindi ko na pinansin si Tita at agad kong binaba yung tawag kahit na hindi pa siya tapos mag-salita. Bastos na kung bastos pero ayaw ko na ulit mainvolved pa ulit kay Mari. The pain she gave me before was unbearable and looking back, I don't know how I survived that.

Humithit ako sa sigarilyo ko bago ito binuga ng marahas sa hangin. Dinantay ko ang parehas na braso ko sa terrace. Niloloko lang ako ni Tita. She can't possibly dying kung nung nakaraang buwan lang ay nakita ko siya sa isang party. Alive and well. Infact, flirting with someone pa.

I know her mom. Tita Dia have pulled a lot of stunts already just for us to get back but I never expected this from her. This is a different level of low and pathetic, but people be suprising us every day don't they?

Meron isang beses tinawagan niya ako para makipagkita dahil nasa area lang daw siya ng trabaho ko. Pagkarating ko sa cafe ay si Mari yung bumungad sa akin. We must be feeling mutual because the moment our eyes met, agad rin siyang tumayo at umalis.

Hinawakan ni Beatrice yung kamay ko. Nagulat ako dahil hindi ko napansin na lumabas pala siya ng kwarto. I'm not really sure if her name is Beatrice or what. I just feel like iyon ang pangalan niya. She's just a random girl I picked up in a bar last week.

"Hindi ko alam na smoker ka pala." Malambing na saad niya.

Muli akong humithit sa sigarilyo ko bago ito pinatay sa ashtray. "You don't need to know." I said before cupping her face and kissing her roughly which she returned willingly with the same intensity.

Pumasok ako sa loob ng restaurant kung saan kami magkikita-kita ng mga highschool barkada ko.

"Anson!" Tumingin ako sa kaliwa kung saan nang-galing yung sigaw at nakita si Drei na nakangiti. Ngumiti ako sakanila pagtapos ay naglakad papunta sa long table.

"Kamusta ka na? After highschool, wala ka ng paramdam ah?" Bakas ang pagtatampo sa boses ng kaibigan ko na si Aly. Napakamot ako sa ulo at ngumiti lamang. Hindi naman talaga ako yung kaibigan nila, si Mari ang direct connection ko sakanila. Sa tagal naming magkarelasyon ay napalapit na lang din ako sa mga kaibigan niya.

Tumayo si Johan para makaupo ako, "Hindi na pare ayos lang." Tanggi ko rito pero wala rin akong nagawa nung itulak ako ni Johan paupo sa upuan. Hindi siguro nasabi na Andrei na inimbitahan niya ako rito kaya kulang ang hinanda na upuan. 

Inayos ko na lang ang pagkakaupo at humingang malalim. Nakita ko na kumuha ng upuan si Johan sa isang table na walang tao at itinabi kay Aly.

Inabot ni Andrei yung menu sakin pagtapos niyang tumingin dito tiyaka tinawag ang waiter.

One Fine DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon