Kabanata 13

1.7K 37 3
                                    

Kabanata 13

Nagising ako sa isang malambot na kamay na marahang humahaplos sa aking pisngi. Unti-unti akong dumilat.

Parang naghulog ng anghel ang itaas sa laki ng ngiti sa mukha ni Ronnie. Agad akong napatayo at niyakap siya ng mahigpit.

Nandito na pala siya! My man is here to see me... and to support me for my pageant tonight.

"I miss you.." Malambing niyang sambit habang mahigpit akong niyakap pabalik.

Sinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg at pinapatakan ng mga munting halik ito. Nakikiliti ako sa sensasyong dulot ng kanyang ginawa.

Ngunit nang may napagtanto ako, bahagya akong lumayo sa kanya at tumayo upang dumiretso sa banyo.

Kailangan ko munang maligo! Naguguluhan niya akong tiningnan at sinundan ang aking pagpasok sa banyo.

"Ronnie teka lang! Maliligo lang ako!" Sigaw ko sa loob. Marahan siyang kumatok ngunit hindi ko pinagbuksan.

"Baby naman, e." Parang bata niyang sabi. Napatawa ako ngunit nangingibabaw pa din ang kilig na nararamdaman.

"Kahit isang buwan ka pang hindi maligo, mabango ka pa rin.." I rolled my eyes at his compliment. Bolero!

Ilang sandali pa bago ko siya makumbinsing maliligo muna ako. He doesn't need to worry any of my time this morning. Solo niya ako buong umaga, dahil mamayang hapon ay pupunta ako sa aking mga rehearsals and straight to the main event.

Sa banyo na din ako nagbihis, nandito kasi yung iba kong damit. I am wearing a white highwaist shorts and a black crop top. Pinunasan ko ang aking buhok ng tuwalya habang papalabas.

Naabutan ko siyang naghubad ng t-shirt kaya agad akong tumalikod. Oh my God! Napansin kong tumawa siya ng mahina. Gusto ko sanang bumalik sa banyo ngunit huli na ang lahat nang naramdaman kong niyakap niya ako galing sa likuran! And he's half-naked!

"Makikita mo rin naman ang kabuoan ko kapag kasal na tayo.." I gasped at what he said. Para akong aatakihin sa puso.

Hinarap ko siya at hinawakan ang kanyang pisngi. Namumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Parang pagod na pagod siya.

"Sana nga matuloy na yung naudlot nating kasal.." Malungkot kong sabi. We should be married by now... But destiny is playing games on us.

"Ikaw lang naman ang babaeng papangakoan ko ng kasal, e.." Parang natunaw ang puso ko sa kanyang sinabi. Simula pa noong una, siya lang din naman ang gusto kong makasama habang buhay.

"Okay ka lang ba? You look tired.." Pag-iiba ko ng usapan, napansin ko kasing parang wala siyang tulog. Showbiz is really tiring. Yes, you can undeniably earn a big amount of money and get famous instantly but you're health is at risk.

"Don't worry about me.. I'm fine. Wag mo din akong pilitin na magpahinga. I need to spend time with you.." I smiled at him.

Gustuhin ko mang pagpahingahin siya pero wala akong nagawa. He's my master... And my everything.

Pagkatapos niyang nagbihis ay kumain muna kami kasama yung pamilya ko at si Maris. Sa Hotel lang din kami kumain.

"Buti at pinayagan kang pumunta rito, Hijo.." Pagbubukas ng usapan ni Papa.

"Oo nga po, e.. Wala na din kasi akong shooting, at kahit meron man.. Pupunta pa din ako dito.." He looked at me while saying his last sentence. I smiled at him. I love his efforts. I love him.

"Naku! Alam mo ba iyang si Loisa, sobrang lungkot dahil akala niya ay hindi ka dadating.." Bigla akong namula sa sinabi ni Mama. Nasapo ko ang aking noo at nahihiyang tumingin kay Ronnie.

HANGGANG SA HULIWhere stories live. Discover now