POEM 29: ANG PAGHIHINAGPIS NG BAYAN

425 5 0
                                    

(I encourage my readers to read  this poem because it talks about the rampant issue in our country and so that we will be able to reflect what is really happening in our county. Thanks. Don't forget to vote and comment.)

Ang karahasan sa bansa ay hindi na mapigilan,
Animo'y mikrobyo ito sa bilis nitong kumalat.
Kailan pa maibabalik sa bayan ang kabanalan?
Ngayon ang ating panahon upang mga mata'y imulat.
°
°
°
Naghihinagpis ang bayan sa kanyang nasaksihan,
Bihag ng karahasan ang dating malayang bansa
Siya'y sugatan, duguan at walang kaligayahan.
Nasaan na ang hustisya at ang ating pag-asa?
°
°
°
Hindi pa huli ang lahat upang tayo'y magka-isa
May magagawa pa tayo tungo sa kapayapaan.
Tayo na't tuldukan at waksan ang pagdurusa,
At para ating makamtan ang ating kalayaan

The Rhyme Behind Those Words UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon