Chapter 4

13.8K 426 57
                                    

The Parthenon

-

Gwyneth's POV

Naalimpungutan ako nang may kumakalabog nang malakas sa pintuan ng apartment ko.

'Sino ba yun? Ang aga aga.'

Agad akong bumangon at nagtungo sa pintuan para pagbuksan ang kung sino mang nilalang na kung maka-kalabog ng pintuan akala mo gigibain na. Humihikab na binuksan ko ang pintuan.

"Bwisit, ano bang problema mo?" sigaw ko, pero nagulat nalang ako nang humangin nang malakas at napaluhod ako... Charot!

"Ar-ey? Axrey? Rey? Axew? Ax---ah, putek. King ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko at agad na 9napatakip ng bungang at baka maamoy niya ang hininga ko.

"Fetching you." sagot niya saka dere-deretsong pumasok sa loob at umupo pa sa couch ng wala man lang pahintulot ko. Ang kapal huh!

"H-hoy alis." taboy ko sa kanya at akmang lalapit sa kanya pero bigla na lang siyang nawala sa couch.

I wandered my eyes around to look for him, but I can't see him.

"Asaan na 'yun?"

Nagulat ako nang biglang may humawak sa kamay ko at nawala na ako bigla sa apartment ko. Napunta kami sa isang madilim na parang temple ang itsura.

"A-asan tayo?" nagtataka kong tanong habang panay ang ikot ng nga mata ko sa paligid.

Madilim dito sa loob at may lampara na nakasabit sa isang pader. Iisa lang 'to at hindi pa masyadong maliwanag.

"We were at The Parthenon." sagot niya saka hinila na ako para maglakad papunta kung saan.

"Parthenon?" nakakunot noong tanong ko. Wala akong alam sa sinasabi niya.

"We are here to meet, Zake. My enemy." sagot niya habang patuloy parin sa paglalakad.

"At sinama mo pa talaga ako rito? Bwisit ka, gusto mo ba akong ipahamak ha?" inis na tanong ko pero hindi man lang niya ako pinansin.

"Axew, Arey? Ano ba pangalan mong bampira ka?" tanong ko sabay kamot sa batok ko.

"Axierey. Axierey Walker." sagot niya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Nanatili ang atensyon niya sa dinadaanan namin.

Axierey pala iyon, napaka complicated naman kasi ng name niya.

"Axierey, may klase na tayo mamaya oh!" reklamo ko sa kanya.

"Don't worry, everything is my under control." sagot niya kaya hinayaan ko nalang siya. Maya maya ay may narinig kaming kaluskos kaya napatigil kami sa paglalakad. Hawak-hawak parin niya yung palapulsuhan ko gamit ang malamig niyang kamay. "He's here." sabi niya saka may inilabas na flashlight mula sa bulsa ng jacket niya.

"Meron ka pala niyan eh, tapos naghihirap pa tayong maglakad dito sa dilim." inis na sabi ko.

"Will you please shut your mouth up?" inis na sabi niya.

"Nasaan ba kasi tayo?" inis na tanong ko

"Nasa Parthenon nga." sinamaan pa niya ako ng tingin.

"Oh, anong alam ko rito?" sagot ko naman agad. Sobrang naiinis na ako sa kanya pero pinipigilan ko lang mag isip ng kung anu-ano dahil alam kong mababasa niya iyon.

"The Parthenon is the greatest classical temple, ingeniously engineered to correct an optical illusion. The columns were slightly contorted, swollen at the center and leaning inward to correct what would otherwise have been an impression of deadness and top heaviness." pag-papaliwanag nito. Dugo ilong ko beshy.

Vampire UniversityWhere stories live. Discover now