[33] Leave Me Alone

135K 3.8K 295
                                    

[33] LEAVE ME ALONE


DERRICK'S POV

Tatlong araw na-confine si Lyza sa ospital at sa tatlong araw na yun ay wala pa ring nangyayari sa amin. Ni tignan ako ay hindi niya magawa. Lagi niya akong iniiwasan sa tuwing nagtatangka akong kausapin siya. Kadalasan ay nagdadahilan siyang inaantok siya 'pag pumapasok ako sa kwarto niya o 'di kaya'y siya mismo ang nagtataboy sa akin.

"Tingin mo, kailan ako kakausapin ng Mommy mo, Erick?" Siguro nga mukha akong t-nga dito na kinakausap ang isang sanggol na walang malay sa nangyayari. Kahapon lang iniuwi si Lyza sa bahay ng parents niya at dito na rin ako pansamantalang tumutuloy. Hangga't maaari ay ang mag-ina muna ang aasikasuhin ko. Kailangan kong ayusin ang nasira ko.

Pinadaan ko ang aking hintuturo sa ilong ni Erick. Erick is his nickname and Lyza chose it for him. "Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ng nanay mo? Ayaw niya akong bigyan ng chance para magpaliwanag?" Saka ko siya binuhat mula sa kama at nagpakawala ng buntong-hinga. "Nahihirapan na ako."

Hindi ako mahilig sa bata pero exceptional si Erick dahil hindi ako nagsasawang kargahin siya kahit minu-minuto pa. Kung minsan nga ay ako pa ang nagpapatahan sa kanya sa gabi kapag umiiyak siya at mahimbing ang tulog ni Lyza.

Speaking of Lyza, we have separated rooms. Ayaw niya akong makita at makausap kaya dito nalang ako natutulog sa guestroom. Di bale, magiging maayos din ang lahat. Hindi dapat ako magmadali.

Naputol ang malalim na pag-iisip ko nung marinig kong bumukas ang pinto sa likuran ko. Paglingon ko, nakita ko si Lyza kasama ng private nurse na nakatayo roon. Walang emosyon ang mababakas sa mga mata niya.

"Nurse, pakikuha na si Erick sa kanya. I'll feed him," malamig na sabi niya bago siya umalis. Mabilis namang nakalapit sa akin ang nurse at buong ingat kong inilipat sa mga bisig niya ang anak ko.

Naiwan akong parang hangin sa guestroom. Until when will I suffer like this?

I heard my phone rang. Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang phone ko mula sa bulsa ng pantalon ko. For sure, it's mom. They informed me earlier that they'll be having dinner with Lyza's parents as well as they want to see Erick.

"Yes, hello?"

["Derrick, we're on the way there."] Boses ni Mama. Alam niyang may problema kaming mag-asawa pero hindi niya alam kung ano yun.

"Sige, Ma. See you."

Binaba ko ang phone at dali-daling bumaba ng kitchen. Nakasalubong ko pa si Mama (Mother-in-law) na paakyat kaya binati ko siya.

"Hi, Ma. Parating na po ang parents ko."

"Everthing's settled. Naluto na ang mga pagkain. I am actually about to call Lyza. Is she still sleeping right now?"

"Hindi na ho."

"Oh, I see. I'll just tell her to get fixed. Hindi niya kasi alam na magdidinner ang parents mo dito," paalam niya at akmang hahakbang na pataas nang pigilan ko siya.

"Ma..."

Lumingon siya sa akin. "Yes?"

"Ako nalang po."

Hindi ko na hinintay na sagutin ako ni Mama dahil mabilis na akong bumalik sa taas. Dumiretso ako sa dulong bahagi ng palapag at huminto sa pinto ng kwarto niya. I took few deep breaths before knocking. I knocked thrice, but not too loud. Ayokong magising si Erick.

Nung wala pa ring nagbukas para sa akin ay pinihit ko na ng dahan-dahan ang doorknob. Halfway pa lang ng pagbukas ko ay nakita ko na si Lyza sa gilid ng kama na buhat-buhat si Erick habang may kausap sa phone. Kaya siguro hindi niya ako narinig.

My Psycho Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now