Chapter 10

7.9K 87 7
                                    

Chapter 10

Den's POV

"I love you too." nagulat ako sa nagsalita. Inangat ko ang ulo ko at..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Tulog naman si Ly. Lumingon ako para magbakasakaling andun yung nagsalita. At ayun nakita ko si Marge. Haaay, akala ko naman.

"Ayan, kakausap kausapin mo yung tulog, tapos pag may sumagot, magugulat ka? Ano ba yan ate Den." sabi niya.

"Eh bakit ba? Ngayon ko nga lang nasasabi to eh." sabi ko.

"Okay lang yan. Pero dapat di ka magugulat pag sinagot ka niyan tapos nakapikit pa. May mumu pa naman dito." sabi niya. Aba? Nagawa pa akong takutin ha.

"Tse! Bakit ka ba andito?" sabi ko.

"Naiwan ko lang phone ko. Eto na oh." sabi niya sabay pakita nung hawak niya. "Sige na ate. Babush!" sabi niya at tumakbo palabas. Mga kaibigan ko talaga. May saltik.

Tinignan  ko naman si Ly. Nakakalungkot naman, akala ko talaga siya na eh. Tumayo na ako at pumunta sa banyo. Nag ayos na ako, naghilamos mga ganon. Para naman di daw ako mukhang nakadrugs.

Paglabas ko, kakapasok lang ni ate Dzi. Nginitian ko siya.

"Oh ate Dzi, anong dala mo?" sabi ko. Di siya sumagot, aba? Natulaley?

"Ate! Natulala ka na naman ba sa kagandahan ko?" sabi ko naman.

"Sira! Umalis lang kasi ako tapos pagbalik ko--"

"Hahaha! Ano ka ba. Gutom na ako, tara kain na tayo." sabi ko.

Fastforward

Dzi's POV 

Naloloka na ako dito kay Den ha? Ano kaya nangyari? Hmmm, nasa c.r. siya ngayon kaya lumapit muna ako kay Aly.

"Hi Ly, kamusta na? Gising gising din ha? Madami ka pang i-eexplain sa akin. Joke! Baka mas lalong di ka gumising eh. Hahaha! Mag aantay lang kami dito ha? Pagaling ka." sabi ko. Sakto namang lumabas na si Den.

"Oh? Sino kausap mo?" sabi niya.

"Ah, yung pader lang." sabi ko.

"Parehas pala tayo ng ginawa. Ako din eh, kausap yung pader kanina." sabi naman niya.

Natawa na lang ako.

"Ikaw talaga Dzi! Tinakot mo pa si Aly para lang gumising." sabi niya at tumawa.

"Joke lang naman yun. Pero malay mo effective diba? Hahaha!" sabi ko naman.

"Teka, malapit na pala UAAP no?

"Oo nga eh. Nako, gumising ka na talaga Ly." 

"Hmmm, anong oras na pala Dzi?" tanong niya. Tumingin naman ako sa phone ko.

"8pm na pala? Ang bilis ng oras." sabi ko.

"Gutom ulit ako hehehehe." sabi naman niya.

She will be lovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon