Final Author's Note <3

15.2K 297 91
  • Dedicated kay Sa Aking Mahal na Mambabasa <3
                                    

                                                                                                                                         Mayo 19,2014

Sa Mga Minamahal Kung Mambabasa,

Ehem Ehem, saan nga ba ako mag sisimula nito, well inuna ko na yung Author’s Note kasi kasi gusto ko nang magpasalamat sa inyong lahat, tae pinaiiyak nyo ako ng wala sa oras (T___T) , sa mga walang sawang sumoporta saThe Ignorant Princess sa mga readers, silent readers, active na mag comment sa lahat laht ng mga naging inspirasyon ko sa pagsulat ng storyang ito, maski ngayon nga guys hindi ako makapaniwala na tapos na ang pinakamamahal kong storya. Hindi ko maimagine na kung noon eh nasa isip ko palang ang katapusan nito habang naglalakad sa daan eh nandito na nga natapos narin makalipas ang Tatlong taon, yes tatlong taon kong sinulat ang storyang ito eh akalain nyong magtatapos na pala.

3 taon ang haba talaga kasi nga nung sinumulan ko itong isulat eh fourth year high school ako at nung nag college ako, sinabi kong baka wala ng patutunguhan tong story na ito kasi madalang na akong mag update at tsaka ayaw ko rin namang maghintay pa yung mga mambabasa ko ng update na sobrang tagal, nasa isip ko na nga nun ang pag delete ng story na ito kasi parang wala na akong time, pero salamat sa mga readers katulad nyo na naging source ko ng inspirasyon na ipagpatuloy ang story na ito, kung wala talaga kayo siguro wala ding patutunguhan ang story na ito kaya salamat, salamat walang hanggang salamat sa lahat ng nagpalakas ng loob ko sa kabila ng kaliwat kanang pangungutya sa story ko salamat. Sa pag liligtas nyo kay Author sa tuwing may mang babash sa akin salamat, salamat at naging kasama ko kayo sa aking paglalakbay na kahit papaano ay napagkukunan ko ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang pagsulat ko

Nakakatawa ngang isipin na para ko narin  Diary tong story na to kasi lahat ng mga importanteng pangyayare sa aking buhay ay sinisingit ko sa kwento, salamat sa mga payo, sa critic, sa appreciation, lahat yun sobrang nakatulong sa akin

 Dahil rin sa inyo maisasakatuparan narin ang isa sa mga pangarap ko na hindi ko talaga inaasahang dadating  ang The Ignorant Princess I pupublish na sya sa wakas at humihingi ako ng all out support mula sa inyo guys, I’m asking your support sa paparating na book, as in malapit na talaga sya guys just keep updated para sa Updates, maasahan ko ba ang suporta nyo sa book?

At sa pagtatapos na ng kwentong ito, maraming tanong ang gusto nyo ng kasagutan gaya ng May Book 2 ba ang storya ni Therese?

 

Sa ngayon po eh wala pa po sa isip ko ang paglalagay ng book 2 sa story ni Therese pero hindi ibig sabihin na hindi ko talaga lalagyan ng book 2, siguro pagdating ng tamang oras, jan ko palang ilalagay ang ikalawang libro sa buhay ni Therese, nag fofocus pa kasi ako sa akin second long story ng General Weighted Average promo kaya ayun wala munang BOOK 2. Pero abangan nyo ang mga special chapters sa story, yes tama ang nabasa nyo, maglalagay ako ng special chapters sa story na ito.  Aasahan kong susuportaan nyo rin ang bago kong story gaya ng pag suporta nyo sa storya ni Therese.

Seriously umiiyak talaga ako ngayon habang sinusulat ko, ang sakit sa dibdib, napamahal na sa akin ang storya ni Therese at lalong lalo na ang mga readers, ma mimiss ko talaga kayo. (Y___Y)

Para sa mga updates follow nyo ako sa TWITTER: @darkrainuez at sa FACEBOOK: Jimboy Nunez

Please Like the official fan page  of The Ignorant Princess sa Facebook

Add nyo si Therese Ignacio Prietto sa facebook din =)

Hanggang sa muli maraming maraming salamat guys, hinding hindi ako magsasawang magpasalamat sa walang sawang suporta at pagmamahal nyo sa akin at sa The Ignorant Princess, habang buhay kong tatanawin na utang na loob ang walang sawang pagsuporta nyo sa akin. Sana suportaan nyo ang THE IGNORANT PRINCESS BOOK, MALAPIT NA MALAPIT NA SYA SA INYONG MGA SUKING BOOKSTORES (^____^)

Comment nyo kung anong message nyo sa akin please, hihihihihihi mag rereply ako sa lahat ng comments nyo pramis =)

                                                                                                        Nagmamahal,

                                                                                                             Author Darkrai

MARAMING SALAMAT AT MAHAL NA MAHAL KO KAYO (^__________^)

 P.S. Next week ko na I popost ang Epilogue Pramis :)

The Ignorant Princess (With TV Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon