Chapter 2: Survivor

67 2 0
                                    

Troy's POV

"Are you okay?" tanong ko sakanya

'Tsk! Nice ask troy great job. Halata naman sa mukha at ayos niyang hindi siya okay?!'

Lumingon siya sakin at dahan dahang tumango.
"Amm!! Here! Alam kong di kapa kumakain" inabot ko sakanya ang biscuit at isang bote ng mineral water.
Tinitigan niya lang ang hawak kong pagkain at tumingin sakin ng nagtataka. Nagkibit balikat ako sa expression niya.
Tinanggap niya ang pagkaing hawak ko at pinanuod siyang kumain.

"M-may kasama k-kaba?" Pahikbi hikbing tanong niya.

'Crap!!?' Keil!

Dali dali akong tumayo at pumunta sa pinto. Babalikan ko si keil.
Aishhh!! Troy what is happen to you!.
"Hey! Wait stop! Where are you going?" Huminto ako at nilingon ang babae di ko pa alam ang pangalan niya siguro mamaya ko nalang tatanungin.
"Yes! May kasama ako. My sister nasa kabinet kami nagtago buong araw at iniwan ko siya dun kanina para kumuha ng pagkain. Dito kalang babalik ako kasama siya. Wag mong bubuksan ang pinto." Mahabang saad ko at tuluyan ng lumabas ng pinto.

Dahan dahan akong naglakad dahil baka may makarinig sa yabag ng paa ko. Zombie

Malapit na ko sa kabinet na pinagtataguan namin. Ilang hakbang nalang at mahahawakan ko na ang pinto ng biglang......

'Oh!! Crap"

bigla nalang may sumulpot na zombie sa dadaanan ko kaya napaatras ako dahil baka makagat niya ko.

"HOLY SHIT!!" Bulyaw ko ng makalapit siya sakin .

"Hey fucking bastard!!" Kantyaw ko ng mahawakan niya ang braso ko. Hinigpitan ko ang hawak sa bakal at nag-ipon ng lakas para matamaan siya.
Tinaas ko ang bakal at pinatamaan sa tyan niya. Binaun ko ang pagkakatusok dahilan para tumagos ang bakal sa tyan niya. Napaluhod siya dahil sa pagkakabaon ng bakal sa katawan niya.

"Abat buhay ka pang hinayupak ka ahh!!" Ani ko ng tumayo siya sa pagkakaluhod niya.

Susugurin na sana niya ako ng makahanap ako ng tyempo. Tumakbo ako palapit sakanya at hinatak ang bakal na nakabaon sa tyan niya at tinusok ito sa sentido niya. Tumagos ito na para bang wala na siya skull sa lambot ng sentido niya. Tumalsik ang pulang dugo sa damit kong puti at sa ibang parte ng katawan ko.

Tumakbo ako papunta sa kabinet at binuksan ang pinto.

Thank gaddd! She's safe...

"K-kuyaa!!" Aniya habang patuloy sa pagiyak. Tinignan ko siya sa mga mata at nakikita ko ditong nagaalala siya ng sobra.

"Sorry keil! " pagpapaumanhin ko at mahigpit niya kong yinakap.

"K-kuyaa!!" Pahikbi hikbing saad niya . Hinagud ko ang likod niya para patahanin siya.

" sshhh!! Sorry di kana iiwan ni kuya. Promise! " pangako ko sakanya. Humiwalay siya sa pagkakayakap at tinignan ako sa mata. Ngumiti siya at tumahan narin siya sa pagiiyak.

"Tara dali" inalalayan ko siya sa pagbaba.tinignan niya ko ng nakakunot ang noo at nagtataka ang mga mata.

"Basta!! Mamaya ko na ieexplaine sayo" tumakbo kami at dali daling pumunta sa office room. 
agad akong kumatok sa pinto dahil may nagtatakbuhan na papalapit sa kinaroroonan namin ni keil.

Kumatok lang ako ng kumatok. Mga ilang segundo pa ay bumukas ang pinto at dali dali kong hinatak si keil papasok sa loob.
Sinarado kaagad ng babae ang pinto dahil maraming nakasunod sa amin.

" sino siya?" Tanong ni keil na diretso ang tingin sa babae.
Maski ako keil!!....

Tinignan ako ng babae at binalik ulit ang tingin kay keil. Na patuloy sa pagsusuri sa kanya.

"I'm jaysen. " pakilala ng babae huminga siya ng malalim saka pinagpatuloy ang pagsasalita

" a survivor here." Aniya tinignan ako ni keil na nagtataka. Nagkibit balikat lang ako at umupo sa swivel chair.

Nakakapagod!! Haystt!! Nyemas na zombie yun. Pinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang malamig na hangin.

"K-kuya " narinig kong boses ni keil sa gilid ko.
"Hmmm?" Tanging sagot ko ng hindi binubuksan ang mga mata.
" san mo siya nakita?" Minulat ko ang mata ko at tinignan siya. Curiuos ang kapatid ko.

"Dito lang kanina habang naghahanap ako ng pagkain" paliwanag ko sakanya
Tumango tango lang siya at tinignan si jaysen.
Nakaupo lang siya at nakatingin sa sahig mukhang malalim ang iniisip niya.
Tumayo si keil at kinuha ang plastic na pinaglagyan ko ng mga pagkain kumuha siya ng mineral water at chips sabay upo sa tabi ni jaysen. I think magiging magkaclose itong dalawang to.  umayos ako sa pagkaaupo at pinikit ulit ang mga mata.

Keil's POV

After ng mangyari kaganina. Sobra akong nagalala na baka may mangyaring masama kay kuya troy. Ng marinig kong sumisigaw siya tuluyan ng bumagsak ang mga luha kong paulit ulit ng nagbabadya. Pinilit kong itigil ang pagiiyak dahil iyon ang sabi ni kuya.
Pero ng makita ko siyang walang galos o ano man! I so thankful dahil walang nangyari sakanya. Hindi ko na alam kong anong mangyayari sa sarili ko kong mangyari man ang hindi ko inaasahan.

But this time. Na may nakilala pa kong isang survivor dito. Si ate jaysen i'm 51 % happy for that. Na malaman ko na may tao pa pala kaming kasama dito. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan.

" ate jaysen pano ka nga pala napunta dito?" Nawala ang ngiti sa mga labi niya sa tanong ko.
Shocks!! May mali ba kong nasabi
"ahh!.. sorry ate jaysen did i say something wrong?" Tanong ko sakanya umiling siya at huminga ng malalim.

"Its okay kung ayaw mong ishare ang dahilan dont worry di na kita kukulitin" kantyaw ko. At tatayo na sana ako ng marinig kong tumawa siya. A fake laugh. And a fake smile
"No! Keil its okay! I think this is the better way para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko." Aniya ng nakangiti. Bumalik ako sa pagkakaupo sa tabi niya at inantay siyang magsalita.
She sighed then speak.

" that day. After ng mangyari ang pagsabog. Nandito kami ng boyfriend ko para mamili ng ihahanda namin sa darating na bagong taon." Aniya na diretso ang tingin sa di kalayuan.

" nung marinig namin ang pagsabog nag kagulo ang lahat at maraming batang umiiyak. Ng dahil dun nagkagulo ang mga tao. Nagkasiksikan at nagkahiwalay kami ng boyfriend ko.." paliwanag niya at tuluyan ng umiyak.
Hinagod ko ang likod niya para kumalma siya.
" its okay kung hindi mo na maitutuloy" saad ko.
Umiling siya at nagpatuloy sa pagsasalita.

" nakita ko siyang "sob" sumisigaw pero hindi ko marinig dahil maraming "sob" nagsisigawan nakisiksik ako sa mga tao at pilit na lumapit sakanya dun narinig ko ang mga sinasabi niya. Sigaw siya ng sigaw na lumayo daw ako dun at maghanap ng matataguan. Napansin kong palingalinga siya sa kabilang direksyon. Sinundan ko kung san siya nakatingin at dun ko nakita ang mga nagtatakbuhang duguang tao at papunta sa kinaroroonan naming nagkakagulo. Tumakbo ako at iniwan ko siyang nakikisiksik sa mga tao. Pilit niya kong pinapalayo sa lugar na yon. "Sob". Ng makita ko ang office na to. Dito ako nagtungo at pansamantalang nagpalipas ng gabi. sa mga oras na yun naisip kong parang ang tanga ko"sob" wala man lang akong "sob" nagawa sa taong mahal ko. Nagpapasalamat ako sa kuya mo dahil dumating siya at napansin ako " aniya at humagulgol na sa iyak. Tinignan ko si kuya na kampanteng natutulog sa swivel chair.

------

A/N: ohh!! There's a one survivor. They will be friends after that happen. Magiging magkakakilala paba sila ng lubusan. Well abangan natin ang susunod na chapter guys.!!!

The Zombie VirusWhere stories live. Discover now