TLHOTD -2

68 3 0
                                    

12-16-17

-Empress-

Pagkapatay na pagkapatay ng ilaw sa kusina, napagpasyahan kong bumalik na lamang sa kwarto ko.

Ngunit sa kasamaang palad hindi ako makagalaw dahil sa tao sa likod ko na hawak ako habang nakatapat sa leeg ko ang matalim na bagay.

Sa una, hindi ako kinakabahan dahil maraming beses na nangyari saamin ang mapasukan sa bahay. Minsan kasi, laging naiiwan ni Tcha na nakabukas ang gate.

"Wag kang gagalaw."-sabi nito sakin.

"Empress! Anak ng bata ka talaga! Magaala-una palang ng madaling araw!"-napatingin naman ako sa isang gilid ng marinig ko ang boses ni Tcha.

Sakto namang bumukas lahat ng ilaw at gulat na napatingin samin si Tcha.

Dun ko na rin kinuha ang pagkakataong manlaban.

Kinuha ko ang kaliwang kamay nung kriminal sabay ko tong ipinaikot kaya hindi siya makagalaw ng maayos at sakto namang sinipa ko siya sa tyan dahilan para mapatalsik siya.

Kinuha ko naman yung kutsilyo na nahulog niya at mabilis ako lumapit sakanya at tinutok ang kutsilyo sa ulo nito.

"Wag kang gagalaw."-matapang na sagot ko.

"Anong nangyayari dito?"-bigla namang sumulpot si Niall na halatang bagong gising rin.

Nawala naman ang pokus ko kaya nakagawa siya ng paraan para sipain ako kaya napatalsik ako at nabitawan ang kutsilyo.

Tatakbo na sana paalis yung kriminal buti nalang naabot ko yung paa niya kaya nadapa siya at dinaganan ko na rin siya at  kinuha ang tali ng buhok ko at inipit ko sa kamay na ng mahigpit na sa puntong hindi niya talaga magagalaw yung kamay niya. Sa una ay nagpupumiglas pa siya at hindi makagalaw pero sa huli ay nakuha ko ang kutsilyo.

......

Matapos ang pangyayari sinugurado ng mga tanod saamin na wala ng magnanakaw na makakapasok sa barangay namin. Pero hindi pa rin ako magtitiwala lalo na sa mga bagay na ganyan.

Kahit madaling araw pa, hindi na ako makatulog ng hindi ko alam na dahilan.

Kaya sumapit ang umaga, mulat ang mga mata ko na nakatingin lang sa ding-ding.

"Empress.."-bigla naman ako napatingin sa pinto ng bigla itong bumukas.

"Ano?"-mahina pero sakto lang para marinig ni Niall.

"Tara jogging tayo."-yaya niya sakin. Wala naman akong gagawin kaya pumayag na ako.

Nang makalabas kami, nagkwentuahn lang kami ng nagkwentuhan.

Simple lang naman ang suot ko. Naka jacket ako tapos jogging pants. Tapos pinusod ko lang yung buhok ko at sinuot ang sumbrerong pinakapaborito ko sa lahat.

Habang na takbo napadaan kami sa gubat kung saan kami nanggaling nung isang araw.

Pero biglang may tumawag samin.

"Hoy Empress!"-bigla naman ako napatingin sa tumawag sakin. Nang makita ko kung sino napapikit ako ng mariin. Wala ako sa wisyo makipaglaban e.

"Ano nanamang problema niyo?"-bungad ko sakanila habang nakapamewang sa harap nila.

Nabaling naman agad ang pansin ko sa mga baton na hawak nila. Yung iba naman tubo ang dala.

"Akala mo ba nakakalimutan namin ang ginawa mo samin?"-nakangising sabi ni Kyle. Ang anak ng mayor na sinasabi ni Tcha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last Heir Of The DragonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon