•32•

1.2K 32 16
                                    

Dahyun.

"Busy mo ah?" sabi ni Chaeng tsaka pabiro akong hinampas sa balikat.

"Deadline na mamaya eh." nakasimangot na sabi ko.

"Himala? Nagrarush ka ngayon? First time yan." sabi ni Chaeng sa akin na tila di makapaniwala.

"Nawala sa isip ko. Gawa narin siguro ng pagod kahapon." sabi ko sa kanya. Kahapon palang kase ako nakauwi galing Japan. Wala rin naman akong matinong tulog eh, iniisip ko kase siya. She's not in my arms anymore, hindi pa kami nagkikita dahil nauna akong umuwi sa kanya.

"Sabagay. Pumasok na pala si Sana unnie. Aga ko siyang nakasalubong." sabi ni Chaeyoung, kung siswertehin ka naman sa pwede niyang mabanggit bakit siya pa. Hays.

"Ganun ba? Yaan mo yun." tila walang pakialam na saad ko sa sinabi ni Chaeng.

"Mauna na ko unnie ah. May pasok pa ko." paalam niya.

"Sige. See you." tipid kong sagot.

Nasa library lang ako at nag eedit ng works sa laptop na hiniram ko kay Chaeyoung. Wala namang bago eh.

"Dahyun." tawag sa akin ni Momo tsaka tumabi sa akin.

"Oh kamusta?" sabi ko ng di ko siya pinapasadahan ng tingin.

"Ayos lang. Namiss kita ah." sabi niya sa akin.

"Namiss din kita Momo." plain na sabi ko. Wala akong gana ngayong araw na 'to promise.

"Dahyun, can I ask kung pwede kitang ligawan?" bigla siyang nagseryoso ng sabihin niya yun na ikinagulat ko pa.

"Seryoso ka? Wag kang mang goodtime may ginagawa ako oh." sabi ko ng di siya pinapasadahan ng tingin.

"I'm serious. I'm dead serious." sabi niya.

"Momo, sorry. Hindi ko matatanggap. Magpapakahonest ako. I'm inlove with someone and I'm in the state of moving on." seryosong saad ko sa kanya.

"Si Sana ba? Hindi maidideny kung paano mo siya tignan. Pero si Mina narin naman ang pinili niya at di ka niya kayang panindigan." seryosong sabi ni Momo na tila alam lahat ang nangyayare.

"Sorry. Sorry kung dahil sa bestfriend mo pa." sabi ko sa kanya at napayuko.

"Alam mo Dahyun sanay na ko. Sanay na ko na lahat ng mga babaeng mamahalin ko napupunta sa kanya pero naiintindihan ko. Higit pa siya sa akin, she's better tanggap ko yun." sabi ni Momo at tipid na ngumiti. "Pero diba atleast nasabi ko na gusto kita kahit di ako ang gusto mo." dagdag niya pa.

"Salamat kase naiintindihan mo ko." sabi ko sa kanya at niyakap siya.

"Ganun talaga kapag gusto mo ang isang tao. You're going to understand everything even if it hurts." sabi niya. "Love is so stupid at all." dagdag niya.

Tama naman siya ako nga nagpakatanga sa pagmamahal ko kay Sana eh.

Pero wala, huli na nung magkasama kami sa Japan.

Tanggap ko na ng sinabi niyang hindi niya ko kayang panindigan.

Hindi kase siya selfish. Ayaw niyang makasakit ng marami. Naiintindihan ko kase mahal na mahal ko siya.

Siguro pinagtagpo lang talaga kami ni Sana. Pero ang katotohanang hindi naman pala kami itinadhana.

Magiging masaya nalang ako para sa kanya sa kung anong desisyon niya.

Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng magmahal, masakit pero worth it.

Meron pa naman sigurong nakatakda pa para sa akin hindi man siya pero alam ko na may darating.

Sa susunod na magmamahal ako sisiguraduhin kong siya na talaga. Hindi na ko magpapakatanga.
--

Stupid|SaiDaWhere stories live. Discover now