A/N: This chapter is just an introduction, feel free to skip to Chapter 02 :)
Monday — 6:00 AM
Ang lamig. Anong oras na? Hindi ko narinig ang alarm sa cellphone ko. Hmmm. Malalate na ba ako? I checked the time. 5:32 AM. Okay, maaga pa.
First day of classes ko today as a second year college student. Mahirap, matagal tagal pa bago matapos, pero sa tingin ko worth it lahat 'to.
Ganun naman ata talaga, hindi ba? Ang mga bagay na pinaghihirapan, binibigyang panahon at effort, lahat yan, sa huli — worth it.
Oh 'diba. Nag-reflect pa bago maligo. Teka, makapag ready na nga.
White v-neck shirt, black pants, flats, and my backpack. Ready na rin ang notebooks and pens ko, mahilig ako sa stationaries at iba't ibang klasi ng pansulat. Kina-career ko ang pag purchase ng school supplies. Iba'ng klasing relaxation ang bigay nito sakin.
Nakatira ako sa isang condo unit, magisa. Malapit 'to sa school, convenient.
8:00 AM ang unang klasi ko ngayon, Managment ang course ko. Namin, actually. Kasama ko ang best friend ko, na tulad rin sa ibang bagay, hindi pwedeng wala ang isa.
To: Ricci
Good morning! Going down na. Meet me at sb nalang.From: Ricci
Morning beb. Sure, wait for me.May coffee shop dito sa baba ng condo building, go-to place ko every morning. Coffee before anything else. Para magising ako sa katotohanan na hangang best friend lang ako sakanya. Kidding, I just need caffeine in my system.
Oh, speaking of—"Morning." Si Ricci.
"Hey. You ready to go? Or do you want coffee first?""Nah, later nalang. Let's just sit muna." Iaantok nyang sabi.
"Hahaha! Ayan, magpuyat ka ulit later."
Nag pout si Ricci, "Hmp. Yeah, yeah. Tara na nga. Excited ka masyado for the first day." Pang asar talaga 'to!
"Yup! You know me." Sabay belat.
//
Naglakad kami papasok ng school. Nag park na pala siya ng kotse sa loob bago ako puntahan.
Nakatira siya kasama ang tatlo nya pang kapatid, si Kuya Prince, na kasama rin niya sa basketball team, ay maya maya pa raw ang pasok.
Habang nasa corridors kami, tulad ng dati, marami paring nakatitig at pinagmamasdan ng pasimple 'tong bestfriend ko.
Gets ko naman. Kahit ako, may panahong napapatigil ako, at naiisip na, wow — ang swerte ng mamahalin ng bestfriend ko.
Gwapo, maganda ang hubog ng katawan, rising basketball star, magalang sa magulang at sa ibang tao, maka- Diyos. Malambing sa mga kapatid, masaya kasama, palabiro pag nasa mood, malakas ang charm, and the list goes on.
Siguro kasama narin ang mga bagay na iyan kaya ko minahal ng lubos 'tong si Ricci eh.
Nakaupo na kami sa class room. Magkatabi ng upuan.
"Good morning class! Happy first day! I'm Mr. Smith, and I'll elaborate more about the subject in a while. Fun things first: introduce yourselves please, who wants to start?"
BINABASA MO ANG
The Becoming of Us
Teen FictionHello, I'm Juliana. I'm in love with my best friend, Ricci Rivero. Familiar? Yes, that's him. 7.5 billion people, and my heart chose you. Sabi nga nila, hindi matuturuan ang puso.