Kabanata 1

4 2 0
                                    

Abigail's POV

Nakatitig ako sa kwintas na iniwan sa akin ng mama ko. Parang may mabigat na bagay ang bumaon sa puso ko dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Araw-araw tinatanong ko ang sarili ko, "Ma, bakit iniwan mo ako?"

Sa tuwing naaalala ko lahat ng iyon, paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang tanong na, "Bakit ginawa nila yun sa mama ko?"

Labing-dalawang taon na ang lumipas subalit sariwa parin ang sugat na iniwan nila sakin. Pinatay nila ang mama ko nang walang laban. Ilang beses ng nagmakaawa ang mama ko ngunit hindi nila iyon pinansin.

Pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila sa taong mahal ko. Pagsisisihan nila na hinayaan pa nila akong mabuhay dahil hinding-hindi ko palalagpasin ang lahat ng ginawa nilang pasakit sa mama ko at pati na rin sakin.

Tumulo ang luha sa mga mata ko. Nakatitig na ako sa salamin na nasa harap ko habang hawak ko parin ang kwintas ng mama ko. Galit ang pumupuno sa buong sistema ko.

Pero bigla nalang nawalan ng ekspresyon ang itsura ko nang biglang kumalabog ang pinto at pumasok ang salbahe kong kapatid.

"Hi, step sister!" pekeng bati niya sakin sabay pitik sa mahaba niyang buhok. Siya si Praiselyn Flitz. Siya ay anak ng bruha kong step mother. Hindi na ako magtataka kasi magka-ugali naman silang dalawa.

Hindi ko siya pinansin. Nanatili akong nakatitig sa kanya ng blangko. Dahil na rin siguro sa inis kasi hindi ko siya pinansin, tinaasan niya ako ng kilay.

Bigla siyang lumapit sakin at huli na nang mapagtanto kong kukunin niya ang kwintas na napakahalaga sakin. Nasa kamay na niya ito at namamanghang sinusuri ito.

"Oh my god! This is so beautiful!" nakanganga pang sabi niya sabay layo sakin nang akma kong kukunin iyon sa kanya. "I didn't know that you have this kind of stuff."

"Now you know. So give it back to me."

"Oh, why? Hindi naman bagay sayo ang napakagandang kwintas na ito at sigurado akong mataas ang halaga nito kung ibebenta ko ito." nakangisi siya sakin at masasabi kong bagay ang nakangisi sa kanya kasi mukha siyang demonyo gaya ng ugali niya.

"Huwag mo akong subukan, Praiselyn." nagbabantang usal ko sa kanya. Sinubukan kong kunin ulit iyon sa kanya pero tuluyan na niya itong inilagay sa bulsa niya.

"Sinong tinatakot mo?" asar niya sakin sabay halakhak na parang sinapian ng masamang espiritu.

"Sino ba ngayon ang kausap ko?" balik kong tanong at dahan-dahang humakbang papalapit sa kanya. Pinakita ko ang nagtitimping galit ko sa kanya.

Kitang-kita ko ang takot na bumalatay sa mukha niya. Habang papalapit ako sa kanya, umaatras siya.

"A-anong gagawin m-mo?! H-huwag ka ngang lumapit sakin!" nauutal niyang sabi sakin. Hindi siya mapakali at parang naghahanap ng paraan upang makatakas.

Napasandal siya sa study table ko. Sa hindi ko inaasahang pangyayari, kinuha niya ang cutter doon at dinaplisan ako ng hiwa sa aking kanang pisngi.

Hinawakan ko ang pisngi ko. Naramdaman ko ang hapdi at pagdaloy ng dugo nito. Tuluyan ng nawasak ang pader ng pagtitimpi ko at bigla nalang nagdilim ang paningin ko.

Napasigaw siya ng bigla ko siyang sinabunutan at malakas na tinadyakan sa tiyan. Binigyan niya ko ng masamang tingin habang lumuluha at nakaluhod sa sakit. Hinahabol niya ang kanyang hininga na animong sumabak siya sa isang gyera.

"Walang hiya ka, Abigail!"
Galit na galit na sigaw niya sa akin. Pero wala akong pakialam sa kanya. Ang importante lang sa akin ay yung kwintas na binigay sa akin ni mama. Kahit masugatan ako ng ilang beses ay kakayanin ko para di mawala ang kwintas saakin dahil ito lang ang nag iisang ala-alang iniwan niya sa akin.

"Go! Magsumbong ka! Diyan ka naman magaling, hindi ba? Let yourself free and go to your mother. After all, pareho naman kayong mga pathetic losers." galit na galit na tugon ko.

Maya-maya pa ay narinig ko ang kalabog sa pinto at pagpasok ng isang tao.

Tsk. Basta nasa bingit na talaga ng kamatayan ang kanyang anak, palagi siyang to the rescue.

"O-oh my god! What did you do to my daughter?" galit na tugon ni Mathilda Flitz nang makita ang kalagayan ng kanyang salbaheng anak.

Nilapitan niya si Praiselyn at nag-aalalang tinanong ito, "Baby, are you okay? Saan ang masakit?" Tiningnan niya ang kabuuan nito at galit siyang bumaling sakin. "How dare you! Bakit mo sinaktan ang anak ko?!"

"Tanungin niyo po 'yang kaugali niyo." mahinahon at may galang kong tugon sa kanya kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na rin siyang saktan kagaya ng anak niya. "Huwag na lang po pala. Kasi alam ko namang kakampihan mo siya."

"Sa susunod na mangyari pa ito, hindi na ako magdadalawang-isip pa na paalisin ka dito." nagbabantang usal niya sabay alalay kay Praiselyn na tumayo at inalalayan rin niya itong maglakad palabas ng kwarto ko.

Nakangiting tagumpay si Praiselyn nang dumaan sila sa gilid ko. Nakita ko pang hawak niya ang kwintas at parang pinapakita sa akin ito.

Pinigilan ko ang sarili kong sugurin siyang muli. Ayaw kong iwan ang bahay na ito dahil nandito ang mga masasayang alaala na binigay sa akin ng ina ko.

Sinundan ko siya ng masamang tingin hanggang sa sila ay tuluyan ng nasa labas. Nung sinarado na nila ang pinto, doon ko nilabas ang lahat ng emosyon na itinatago ko. Bumagsak ako sa sahig. Tinukod ko ang mga tuhod ko at tahimik na umiyak.

"Ma, tulungan niyo po ako. Namimiss ko na po talaga kayo."

Muli kong naalala ang kwintas na kinuha sa akin ni Praiselyn.

"Hahanap ako ng paraan para makuha muli iyon."

At bumalik na naman ulit ang blangko kong emosyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Soul AcademyWhere stories live. Discover now