Chapter 31

98 0 0
                                    

YONGHYE POV:

Naglalakad lakad ako ngayon ng mamataan ko sa hindi kalayuan ang papadating na mga Celestial Ladies

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naglalakad lakad ako ngayon ng mamataan ko sa hindi kalayuan ang papadating na mga Celestial Ladies. Marahil ay kakatapos lang nito na mag aral ng ritual para sa mga ninuno at sa palasyo.

"Magandang hapon po Lady Sonia ^_^", bati ko sa kanya ng magulat ito bigla.

"Kayo pala prinsipe Yonghye,ipagpaumanhin niyo, hindi ko agad kayo napansin na papadating", mahabang saad nito ng ngumiti ako. Bumati din sakin ang mga mag-aaral niya maliban lang kay Lady Yuriko Bia  na noon ay nakayuko lamang.

"Wala po 'yon Lady Sonia ^_^",

"Salamat po prinsipe Yonghye", tugon niya naman.

"Papunta na ba kayo ngayon sa Celestial Quarter/Palace?", tanong ko ulit dito.

"Opo mahal na prinsipe",

"Sige po, mag-iingat po kayo ^_^", ngiting saad ko dito at nagbigay ako ng daan para sa kanila.

"Salamat po, mag-iingat din po kayo",

Lumakad na ng pa isa-isa ang mga naggagandahang celestial. Hindi ko ikakaila na magaganda sila lalong lalo na ang babaeng nasa hulihan at ang inaakala kong si Bia.

Isa-isa silang nag-aalisan sa aking paningin hanggang sa mapadako ang aking mga mata kay Bia. Bago pa siya lumagpas sa kinaroroonan ko ay hinawakan ko kaagad siya sa kanyang kaliwang kamay, na agad na napatingin sakin.

"Oh,Prinsipe Yonghye", saad niya sa pagkagulat. Nakasuot ito ng puting kimono na magpatingkad lalo sa kanyang kagandahan.

"Tara ^_^", ngiting saad ko sa kanya na hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya.

Hinila ko siya ng marahan hanggang sa makalayo na kami.

"Okay ka lang ba? Hindi agad kita napansin, paumanhin",

"Hahaha, wala yun, ako dapat ang magtatanong niyan eh, OKAY ka lang ba?", saad ko dito habang naglalakad pa rin kami.

"Aaah, oo naman ^_^", tipid at ngiti niyang tugon sakin, pero hindi ako naniniwala.

"Bia, wala ka namang ginagawa hindi ba?", seryosong saad ko sa kanya.

Napatingala siyang bigla pero sumagot din ito.

"Wala naman, bakit po?", tanong niya sakin.

"May magaganap na kasiyahan sa bayan, gusto mo bang sumama?",

"Kasiyahan?", nagdadalawang isip niyang tugon habang nilalaro laro ang hibla ng kanyang buhok.

"Bia", saad ko ng hilahin ko siya palapit sakin saka niyakap.

"Yo--ng-h-ye", gulat niyang tugon dahil sa ginawa kong pagyakap sa kanya.

"Pwede mong i kwento sakin yan, pwed-", putol kong saad ng makarinig ako ng mahinang pag iyak. Ramdam ko na niyakap niya din ako ng mahigpit.

Love is True (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon