Chapter 1 : New Life, New Happenings

712 27 6
                                    


Naglalakad na pauwi ang tatlong magkakaibigang sina Jessie, April at Cindy. Nagtatawanan pa silang tatlo habang naglalakad. Gabing-gabi na kaya naman tahimik at sobrang nangingibabaw ang kanilang boses sa kalsada.

"Mabuti naman at sanay ka nang tumawa ngayon, betie." Biglang sambit ni April sa kaniyang kaibigan. "Sanay naman talaga akong tumawa, ah? Ano ka ba!" Natatawang sagot ni Jessie. "Ang ibig kong sabihin, hindi ka malungkot. Hindi tulad nung dati." Sambit pa ni April.

Parehong natigil sina Cindy at Jessie dahil sa sinabi ni April. "Hala, sorry. Pinaalala ko pa." Malungkot na sambit ni April at napayuko na lamang. Hindi naman inaasahan ni April ang pagyakap sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan.

"Ayos lang. Sinusubukan naman naming kalimutan 'yun, e." Sambit ni Jessie. "Oo nga, makakalimot 'din kami." Masayang sambit naman ni Cindy. Nagyakapan na nga silang tatlo.

Bigla namang may humintong kotse sa kanilang tabi. Bumaba ang wind shield nito, at si Xander pala ang driver. "Sumakay na kayo, gabing-gabi na. Baka kung ano pang mangyari sa inyo rito." Utos nito.

Agad namang sumakay ang tatlo at inihatid na nga sila ni Xander sa kani-kanilang mga bahay.

Pagkauwi ni Jessie ay agad siyang sinalubong ng kaniyang ina. "Kamusta, anak?" Tanong nito at sinundan si Jessie na nakaupo na sa sofa. "Medyo pagod po, pero ayos lang." Sagot ni Jessie atsaka ngumiti. "Mabuti naman kung gano'n, anak," Sambit ni Leny.

Para bang may dumaang anghel at bigla na lamang silang natahimik, hanggang sa basagin ni Jessie ang katahimikan. "Sige po, ma. Aakyat na po ako para magpahinga." Sambit nito. "O sya sige, matulog ka na." Sagot naman ni Leny at nakipagbeso sa kaniyang anak.

Umakyat na nga si Jessie at pumunta sa kaniyang kwarto. Nagbihis muna siya at naghilamos, pagkatapos niyang gawin ang mga iyon at naupo siya sa may upuan na malapit sa kaniyang study table.

Muli niyang pinagmasdan ang kapaligiran. Sobrang bilis ng panahon. Isang taon na ang lumipas pero pilit pa ring nanunumbalik sa kaniya ang nakaraan.

"Bakit hindi kita magawang kalimutan? Bakit 'di ko magawang alisin ka sa utak ko? Bakit--," Hindi natuloy ang sinasabi ni Jessie ng bigla na lamang may nagsalita sa kaniyang likuran.

"Kasi, mahal mo siya. Mahal mo siya, anak, at kung mahal mo ang isang tao, hinding-hindi mo kakayanin na alisin siya sa isip mo, lalong lalo na sa puso mo, anak," Tumingin si Jessie sa kaniyang likuran at nakita niyang papalapit sa kaniya ang kaniyang ina.

"Ma, bakit po kayo nandito?" Tanong ni Jessie. "Ikaw, bakit 'di ka pa natutulog?" Imbis na sumagot ay tinanong rin siya ng kaniyang ina. "Nag-iisip lang po." Sagot naman ni Jessie.

Umupo si Leny sa kama ng kaniyang anak at hinawakan ang mga kamay ni Jessie. "Anak, alam ko na hanggang ngayon, mahal mo pa rin si Baron, alam kong hanggang ngayon, nandyan pa rin siya sa puso mo," Sambit ng kaniyang ina.

"Alam mo anak, iyang pag-ibig na 'yan, hinding-hindi mo mapipigilan 'yan, lalo na kung talagang pinasaya ka niya, minahal ka niya, at naging parte siya ng buhay mo,"

"Anak, alam kong marami kang masasayang alala kay Baron, pero, may oras na kailangan mong kalimutan ang lahat ng iyon para hindi ka nasasaktan ng ganiyan, may mga oras na kailangan mong maging masaya pero sa ibang paraan,"

"May mga oras na kailangan mo na siyang kalimutan,"

Hindi napigilan ni Jessie na tumulo ang kaniyang mga luha. Pinunasan naman ni Leny ang mga luhang tumutulo sa mata ng kaniyang anak. "Anak, hindi masamang umiyak ka, tama 'yan, ilabas mo ang totoo mong nararamdaman,"

Yumakap na nga si Jessie sa kaniyang ina at humagulgol. "Hindi ko alam, ma. Hindi ko alam kung pa'no ko siya makakalimutan," Mangiyak-ngiyak na sambit ni Jessie. Hinagod naman ni Leny ang likuran ng kaniyang anak.

I Will Love You, Always. 《On - Going》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon