Chapter 2: First Met

14 1 0
                                    

"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan. Pati tuloy ako dinamay." yan na lang ang huling narinig ko sakanya kasi bigla na lang siyang umalis.

Papunta ako ngayon ng canteen, nawala na kasi yung gana kung magbasa tsaka nandoon sa badboy na yun yung libro na hinahanap ko. Nakakapagtaka lang Badboy Prince siya pero mahilig magbasa at nasa Library. Hay! Bakit ko ba siya iniisip, isa pa siya yung BadBoy Prince tsaka sabi ng iba siya daw yung pinakabully dito.

"Bes ang tagal mo naman san ka ba nagpunta?" nagtatakang tanong sakin ni Sandara.

"Oo nga hinahanap ka namin kanina tsaka nag-alala kami baka may nangyaring masama na sayo." sabi naman ni Kira.

"Ano ba kayo okay lang ako, nagpunta lang ako ng Library kasi magbabasa sana ako ng paborito kong libro kaso nakuha na ng iba at ang matindi pa niyan si Axel Zyrren Lee pa yung BadBoy Prince pa yung nakakuha." sabi ko naman sa kanila.
Nagulat sila sa sinabi ko, ano pa ngabang inaasahan kong reaksyon nila, matuwa? Eh yun yung Pinaka Badboy sa lahat ng Badboy.

Papunta na kami ngayon sa aming classroom ng makita naming nagkakagulo. Ano pa nga ba edi yung mga Prince nanaman. Oo inaamin ko pogi naman yung mga Prince lalo na si Clifford kaso nga lang mayayabang at tsaka may girlfriend na yun si Clifford, wala ng pag-asa na mapapansin ako nun. Ako? Na isang nerd lang? Himala na lang kung mapapansin niya ako.

Pagkapasok naming tatlo sa classroom, nagtataka kami kung bakit kami pinagtitinginan ng mga kaklase namin. Akala ko naman sikat na kami, hindi pala. Nasa likod pala namin yung mga Prince. Hanggang sa makaupo kami sa aming upuan pinagtitinginan kami at matindi pa dahil ang sama ng mgat tingin nila sa akin para bang kakainin ako ng buhay. Hay buhay nga naman oh!

Mabuti naman at mabilis lang natapos ang klase namin, nagpagawa lang ng project yung teacher namin kaya ngayon eto gumagawa na ng project. Maya-maya narinig kung tinawag ni Axel si Sandara, parang may sasabihing importante.

"Sandara halika nga may sasabihin ako sayo" sabi ni Axel kay Sandara. Oo nga pala kuya ni Sandara si Axel. Hindi ko na naalala.

"Kuya ano bang pag-uusapan natin, may ginagawa kasi kami." sabi naman ni Sandara.

"Basta sumunod ka na lang."

"Okay." Tipid na sagot ni Sandara sa kanyang kuya.
"Wait lang ha, mukhang tinutupak na naman kasi yung kuya. Susunod lang ako baka masapak ako niyan ng wala sa oras, alam niyo naman Badboy. Pero kahit Badboy yan mapagmahal yan si kuya sakin tsaka kila mama at papa." sabi ni Sandara

"Sandara may balak ka pa bang sumunod?" galit na sabi ni Axel.

"Oo na eto na nga oh." sagot naman ni Sandara.
"Sige, mamaya na lang ulit. Bye!" pagpapaalam samin ni Sandara.

Tutal malapit na rin naman matapos yung project namin at breaktime na rin, doon na lang ako pupunta sa Library tsaka isa pa wala doon si Axel kasi kinakausap niya ng masinsinan yung kapatid niya kaya walang makakakuha doon sa paborito kong libro.

Pagkadating ko sa Library, hinanap ko agad ko yung libro na gustong-gusto ko basahin at salamat naman at nandito iyon, kaya pumunta ako sa aking pwesto. Medyo nasa likod iyon kasi ayaw ko naman ng maraming nakakakita doon, ayaw ko rin kasi ng masyadong exposure sa tao. Kaya tuwing nandito ako sa Library ay tinatanggal ko muna yung makakapal kong salamin at tinatalian ang makapal kong buhok.

Sa totoo niyan maganda naman talaga ako, mukha nga akong artista eh, char lang. Ayoko lang kasi akong pinagkakaguluhan ng maraming tao kaya nagsusuot ako ng makakapal na salamin para hindi nila mapansin yung kagandahan ko..hahah

Maya-maya merong lalaki na biglang sumulpot sa harap ko at pagkatingin ko sa lalaki, laking gulat ko ng makita yung badboy na yun si Axel. Nung una mukhang nagulat siya, parang nakakakita ng multo. Kaya nga sinasabi kong ayoko magpakita ng kagandahan ko kasi nagugulat sila at natutulala sa akin. Pero bigla ring nagbago yung expressions niya, bumalik sa pagiging masungit.

"Hoy, ikaw bakit nandyan ka sa upuan ko. Pwesto ko yan oh, tignan mo may nakalagay pang pangalan ko sa likod. Kaya ako lang ang pwedeng umupo dito." pangsusuway sa akin ni Axel. Aba may nalalaman pa siya paglalagay ng pangalan niya, bakit siya may-ari nito. Sus! Ang YABANG!!! 😠

"Bakit sayo ba tong school na to. May palagay-lagay ka pa ng pangalan mo sa upuan, pwede ka namang humanap ng ibang pwesto eh, ang dami-daming upuan dyan sa tabi-tabi." ganti ko sakanya. Nakakapang-init ng ulo. Bwisit!

"Isa pa bakit nasa iyo yang libro na yan, paborito kong basahin yan tsaka ako lang din ang pwedeng gumamit niyan." Aba ang yabang talaga, ako nauna rito tsaka may nalalaman pa siyang sakanya to bakit siya ba bumili nito.

"Hoy ako nauna dito sa libro tsaka sa pwesto na ito, kasalanan ko bang mabagal ka tsaka pwede ba wag ka nga maghari-harian sa school na ito, bakit sayo ba to ha?" sabi ko sakanya ng pasigaw, wala namng masyadong makakarinig sa amin dito dahil bandang dulo na ito. Nakakainis talaga😡

"Oo, kami may-ari ng school na ito bakit may angal ka? Alam mo naman yata yung pangalan ng University na ito diba, Xavier Lee University, tatay ko may-ari nito kaya kapag sinabi kong akin yang libro na hawak mo at itong pwesto na tinatayuan mo, akin yan kasi hindi ako magdadalawang-isip na paalisin ka dito." Wala akong pakialam kong tatay mo yan isa pa malaki rin yung inambag ng magulang ko dito sa school niyo no..

"Oh sayo na yan isaksak mo sa baga mo, ang yabang mo. Nagtataka lang ako bakit ang sama-sama ng ugali mo samantalang ang bait-bait ng kapatid mo." Naiinis na sabi ko sakanya. Maya maya lang bigla kong naramdaman na tumulo pala yung luha ko, hindi ko lang alam kung bakit ako umiiyak basta ang alam ko lang galit ako sakanya.

======================================

My Boyfriend is a Badboy PrinceWhere stories live. Discover now