Chapter 12 - I don't know

13.4K 149 0
                                    

-----
Den's POV

KINABUKASAN

pag gising ko wala na sa kama si aly kaya bumaba na ako, sa baba nasa Dinning Area na silang lahat, kakain na pala ni hindi manlang ako ginsing

"oh den gising kana pala, tara kaen na" dzi

at umupo nga ako sa tabi ni aly dahil dun lang naman may natitira pang pwesto. kumaen na kami, habang yung iba nag iingay, si aly ang tahimik, ano kaya nang yari dito?

pagkatapos namin kumaen, kanya kanya na kaming review dahil nga finals week na pero bago yon hinanap ko phone ko, wala sa pants ko, wala sa higaan, pagtingin ko sa bag ko andun pala nadadaganan ng iba kong gamit.

nung chineck ko and daming message, may missed calls pa. binuksan ko, hala.. puro sila aly, gretch at ella ang nagtext.

"den nasan ka na ba? magreply ka pagkabasa mo nito. ASAP" .. "den gabi na, uwi kana daw sabi ni capt." .. "den ubos na yung krispy kreme, uwi kana bilisan mo itong sb coffee nalang natira sayo, special to for you " .. "den galit kaba saken dahil iniwan kita? sorry na, uwi kana please?" .. "sagutin mo naman mga tawag namin" mga text ni aly, doble doble pa

"den umuwi kna, nag aalala na kami dito" .. "hoy si aly at capt sobrang nag aalala na sayo, umuwi kna kasi!" mga text naman ni gretch

"den nasan kana? inubos ko na yung doughnuts na pasalubong ni ly ha" .. "den akin nalang yung coffee mo, antagal mo umuwi eh" .. "uy den, umuwi kana, galit na si capt. sayo." .. "yung pasalubong ko pala ha!" si ella namn nagtext nito. pagkaen nanaman, ito talaga.

ngayon alam ko na kung bakit ganun si aly saken, kasalanan ko to. hayy 

hinanap ko si aly, wala sa sala, wala sa kusina at sa dinning area.

"capt asan po si aly?" tanong ko kay dzi

"hindi ko alam eh" sagot naman niya

"tingnan mo sa rooftop, baka andun" sabat naman ni gretch

"ahh. sige salamat" sagot ko at umakyat na ko dun.
andun nga siya't nagrereview. umupo ako sa upuan na nasa harap niya at ng table.

"ly, sorry kagabi, naka silent kasi yung phone ko kaya hindi ko napansin na nagtetext at natawag kana pala" sabi ko sa kanya habang nagbabasa siya.

tumingin lang siya saken at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"ly pansinin mo naman ako. sorry na talga. please?" pagpupumilit kong pansinin niya ako

"sige na, magreview kana, nagrereview pa ko eh" sagot niya habang nagbabasa, hindi parin siya natingin saken. 

"hmm. sige, pero nasan na yung special coffee na pasalubong mo saken kagabe? " tanong ko sa kanya habang nakangiti.

tumingin siya saken tapos ibinalik uli yung tingin sa librong binabasa niya. kakaselos na yung librong yun ha!! 

"ly, nasan na?" tanong ko uli sabay pout

"ewan ko, tanungin mo kay ella!" sagot niya ng nakatingin parin sa librong yun -___-

nainis ako kaya hinugot ko yung libro "eh bakit mo binigay sa kanya? akala ko special just for me yon?" sabay pout ko 

nagalit siya! FAIL! lalo siyang nagalit sa ginawa ko, I thought kukulitin niya ko para kunin yung book, but I was wrong 

hinugot niya yung libro sa kamay ko at umalis, pero bago siya lumabas ng pinto nagsalita siya "wag mo muna ako kausapin, wala ako sa mood dahil nag aaral ako. okay?!" at pinagpatuloy niya ang paglalakad 

ang FAIL ko talaga. bat ba kasi ginwa ko yun? pumunta ako sa kwarto para kunin yung notes ko at pumunta sa sala para dun magreview, andun sila lahat eh, mas masaya magreview ng may kasama diba? para mawala din ng onti yung lungkot ko.

si aly naman katabi ni ella habang nagrereview. hindi ko na tinanong yung tungkol sa coffee na yon, sigurado naman ako inubos na ni ella yon eh.

habang nagrereview kami

"Selos, sadyang nararamdaman yon kahit wala kayong relasyon basta nasanay ka na laging nasayo ang atensyon" sinabi yan ni jia ng malakas. napatingin naman kami sa kanya lahat.

"When a friend does something wrong, don't forget all the things they've done right" si mich naman yon. sa kanya naman kami napatingin

"Sometimes you have to act like you don't care even when you do" si jia nanaman. ano ba tong dalawang to? parang mga sira eh.

"Silence is..." "aba mich at jia! kung nakareview na kayo wag naman kayo maingay jan!" pagsasaway ni dzi

"oo nga! hindi pa kami nakakareview ng maayos!" A

"kung magluto nalang kaya kayo ng pagkain don para may makain tayo?" ella

"hahaha. ang gaganda kasi ng quotes ni mr. banatero at bob ong eh" sagot ni jia tapos tumingin siya kay ly. bakit kaya?

"oo nga basahin niyo din" sabat naman ni mich

si ly naman napatingin sandali kay jia pero hindi nalang niya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa. ano kaya trip nung dalawang yon?

"tama na nga kayong dalawa jan! magluto nalang kayo!" pagsasaway ni gretch sa dalawa.

"eh hindi pa nga kami nakakareview eh!" sagot ni jia

"eh bakit twitter kayo ng twitter jan? hindi pa pala kayo nakakareview!" pagpapagalit ni dzi

"hahaha. sorry na po. tatahimik na" sagot nung dalawa sabay tingin uli ni jia kay ly. hmmp. parang may something eh.

si ella naman tumayo at pumunta sa kusina. pagbalik may mga dalang pagkain, at may inilapag siya sa malapit saken. wait, eto ba yung pasalubong saken ni ly? may pangalan ko eh.

"akala ko ininom mo na?" tanong ko kay ella

"hindi noh, hindi ka nagreply kagabi eh, tsaka baka kainin ako ng buhay neto oh" sabay turo niya kay ly, si ly naman parang walang naririnig -___-

"woow. nakapag pigil si ella. hahaha" jem

"oo nga. oo nga! hahaha" sigaw ni fille tapos nagtawanan lahat.

"grabe kayo! ano ba talaga tingin niyo saken friends?" tanong ni ella

"matakaw! hahaha" sagot ni marge

"so ganyan nanaman tayo babe?" tanong ni ella sabay pout

"hehe. joke lang. review kana babe" sagot naman ni marge. sabay abot niya ng pagkaen kay ella. ang sweet nila.

sa totoo lang natuwa ako dahil ako parin iinom ng special for me na pasalubong ni ly. hehe. ininom ko na yon at hindi nagshare sa kanila 

makalipas ang ilang oras, binuksan ni ella ang tv at nagplay ng movie.

"oh akala ko ba magrereview tayo, bakit nagbukas ka ng tv?" tanong ni mich

"eh natatamad na ko eh. tsaka isang movie lang naman" ella

"yan tayo eh. sige na, ano bayang movie na yan?" dzi

"Ender's Game po capt." sagot ni ella

"yan ba yung lalakeng sobrang magaling maglaro ng video games at blah blah blah" satsat ni Jia

"oo yata, yan nga" sagot naman ni ella

naku, spoilers alert! si jia magkukwento nanaman yan ng tungkol sa movie

"hoy jia!" sigaw ni ly

"oh baket?" tanong naman ni jia

"wag mo subukang magkwento ng tungkol jan sa movie ha! dahil makakaisa ka saken pag nagkwento ka! bawal spoiler k?" sigaw ni ly

nakaramdam ata si ly. at sa wakas, nagsalita rin siya 

-----
Gretch's POV

si aly mukhang nabagsakan parin ng langit hanggang ngayon. kagabi pa yan eh. kasi nga naman, kung ako din nasa pwesto niya, yung alalang alala ka kasi baka may nangyari dun sa KAIBIGan mo, tinitext mo at tinatawagan pero hindi na magrereply tapos malalaman mong may kasamang iba. kainis diba? kaya yan.

kanina, akala ko magkakaayos na sila ni den kasi mukhang magsosorry si den dahil hinanap niya si ly, pero hindi. nung bumaba si aly galing sa rooftop, lalong parang sinakluban ang mukha nito

"oh ly, problema mo?" tanong ko sa kanya.

"hmmm. wala lang. wag mo na ko intindihin, magreview nalang tayo" sagot naman niya

hindi na ko nangulit dahil baka saken naman uminit ulo nito, pero halata namang may nangyari diba?

maya maya ay bumaba naman si den, tumingin lang siya kay ly tas umupo na at nagreview na rin. halatang may pinag awayan tong dalawang to. hahaha. ganyan talaga sa umpisa, sa mga susunod na araw sigurado ako, lovebirds na yang dalawang yan 

habang nagrereview kami, si jia at mich pasaway. nagbasa ng kung ano ano, eh alam ko namang si aly pinapatamaan nila, nahalata ko pa lalo nung si jia eh tumitingin kay ly ng paulit ulit kaya sinaway ko nalang yung dalawa.

nang nanonood na kami ng Ender's Game daw. Ender pala pangalan nung lalake, what a name, ang cute. hahaha 

after nung movie, gusto ko kausapin si ly para malaman kung anong problema, nagpaalam ako kay fille at dzi na kakausapin ko si ly para malaman kung may problema at pumayag naman sila.

hinala ko siya pataas sa kwarto namin

"oh san tayo pupunta?" tanong niya

"sa kwarto, magpapaturo lang ako sayo sa math." sagot ko

"ha?! e bakit ka saken magpapaturo eh ikaw engineering jan! and hello?! psychology student kaya ako, wala akong maitutulong sayo" sagot niya. kita mo tong babaeng to. pinanlakihan ko nga ng mata. hahaha. at natakot naman ata, once in a bluemoon lang kasi lumaki ang mata ko eh kaya yan. siguro naman alam niya na yon.

"hoooah! aly sumama kana! matakot ka, lumaki ang mata ni gretch! hahaha" pang aasar ni ella at nagtawanan ang lahat. pasaway talaga to, pero hindi ko na pinatulan si ella at hinila ko nalang pataas si ly, sumunod naman siya.

pagdating namin sa kwarto, tinanong ko na siya agad

"anong problema niyo ly?"

"nino?" tanong niya

"ni den malamang" sagot ko

"wala naman" sagot niya

"hmmmp?!" wala akong sinabi, alam niya na ibig kong sabihin. psychology kaya yan.

tumingin siya saken at nagsimula nang magsalita

"oo. may problema ako sa kanya, pero siya wala naman problema. gretch ewan ko, nagselos ata ako kagabi kay LA, tsaka hindi manlang siya nagpaalam, kahit sa inyo manlang diba? hindi ba niya alam na mag aalala tayo sa kanya na.." tumigil siya at tumingin ako sa kanya, "na nag aalala ako sa kanya dahil baka may nangyari ng masama sa kanya" mahina niyang pagpapatuloy, nagsimula naman tumulo ang luha niya at umiyak kaya nilapitan ko siya at hinimas ang likod.

"gretch nalilito na ko, hindi ko na maintindihan sarili ko ... hindi ko na rin alam gagawin ko. Sila kim at mela ang ka date ko kahapon, pinayuhan nila ako, sabi nila sabihin ko daw kay den ang nararamdaman ko ... pero gretch, hindi ko pa alam ang nararamdaman ko, hindi ko pa maintindihan." tumigil siya at huminga ng malalim "hindi pa ko sigurado dito sa nararamdan ko, pero ayaw kong mawala siya saken, ayoko gretch" at tumulo na ng tumulo ang luha niya. niyakap naman niya ko. hinayaan ko muna siya umiyak ng umiyak para gumaan ang pakiramdam niya kahit papano.

tinanggal niya ang pagkakayakap saken "gretch anong gagawin ko?" tanong niya saken habang nakatingin siya sa mga mata ko.

"aly, hindi naman sa sinisira ko ang moment mo, pero alam mo naman na hindi ako marunong sa mga ganyan. hahaha. playgirl here" sabay turo ko sa sarili ko. malay ko naman ba talaga jan diba?

e hindi pa naman talaga ko nakakaranas ng ganyan, isa pa hindi pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko kay fille, ang alam ko lang, mas naging masaya ako sa kanya kaysa sa mga dati kong naging GFs.

"haha. oo nga pala gretch, babaera ka nga pala" tawang sagot naman ni aly. nang insulto pa to, pero at least napatawa ko siya 

"oo na. nang insulto pa to!" sigaw ko sa kanya "sandali lang, tatawagin ko lang si dzi at fille, sila nalang bahala sayo" pag papaalam ko pero pinigilan niya ko. "gretch wag na, okay na ko, ang importante lang naman eh na ilabas ko na to, tsaka nagrereview pa sila, hayaan nalang muna natin to, saka na natin to pag usapan. tsaka kaylangan ko pang alamin kung ano talaga tong nararamdaman ko" sagot niya

"sigurado ka jan?" tanong ko

"oo. salamat gretch ha, thanks kasi may napagsabihan ako" pagpapasalamat niya

"wala yon ly. basta para sa mga kaibigan ko. tsaka kahit kelan no, pag may problema lapitan mo lang ako" pag aalok niya

"ayoko na! wala naman akong mapala sayo, hindi mo manlang ako mapayuhan. hahaha" pang aasar niya

"kita mo tong babaeng to" sagot ko sa knya ng nakalisik ang mata ko

"hahaha. lalong hindi nakita mata mo, nay mata kpba gretch?" pang aasar niya pa uli

"bahala kna nga jan" binuksan ko ang pinto para bumaba na pero binack hug niya ko at bumulong siya "salamat gretch, wag kana mag tampo, thankful ako kasi may kaibigan akong babaerong katulad mo. hehe, pero kahit ganun, super sweet at caring naman sa mga kaibigan niya. salamat talaga"

na touch naman ako sa babaeng to. "sige na. baba na tayo?" pag aalok ko

"hmm. hindi na muna siguro, tsaka galing ako sa pag iyak, tingnan mo!" sabay turo niya sa mata niyang mejo namamaga "pagagalitan ka ng mga yon, sabihin nila inaway mo ko. hehe, jan nalang muna ko sa kwarto namin, tawagin mo nalang ako pag kakain na" pag papaalam niya

"sige" sagot ko naman tas pumasok na siya sa kwarto nila at ako bumaba naman.

pag baba ko nakatingin saken si dzi at fille tas nag smile ako at umupo sa gitna nila. pag upo ko bumulong at nagtatanong naman sila saken

"ano daw problema?" tanong ni dzi

"ano daw ba nangyari?" tanong naman ni fille

"mamaya ko nalang ikwento, andito pa sila" mahina kong bulong

"eh nasan na si aly?" tanong ni dzi

"nasa kwarto niya" sagot ko sabay batok sakin ni dzi "baliw kaba?! bat mo iniwan?! baka may gawin yong masama!" pag papagalit niya saken pero hininaan niya lang dahil nasa sala si den

"araaay dzi ha! ang OA mo!" sigaw ko tas lahat sila napatingin samen at binatukan uli ako ni dzi. kahit kelan talaga napaka brutal nitong babaeng to!

"eh bat nasigaw ka?" tanong niya

"aba malamang masakit!" sigaw ko naman. at ayun nga, nagsigawan kami habang yung iba nagtatawanan.

mamaya ko nalang ikukwento sa fab5 pag tulog na tong mga to.

-----
Aly's POV

Andito ngayon sa kwarto, nagmumukmok, nagrereview kuno kasi wala akong maintindihan, iniisip ko parin kung ano ba talaga nararamdaman ko.

Buti nalang talaga may napagsabihan ako ng mga nararamdaman ko, salamat talaga kay gretch dahil kahit wala sing naipayo saken, at least may nakinig sa mga pinoproblema ko.

sana maintindihan ko na to, kung ano ba talaga nararamdaman ko para kay den.

maya maya'y may kumatok at pumasok sa kwarto, "aly kakain na daw" tiningnan ko kung sino, si den pala.

"oo sige" sagot ko pero imblis na bumaba lumapit siya saken at umupo sa higaan

"aly may problema kaba?" tanong niya

"wala. tara na kaen na tayo" sagot ko at naglakad na palabas

hinawakan naman niya yung kamay ko "eh bakit ka umiyak? sabihin mo na saken please? ano bang problema mo?" pangungulit niyang tanong saken

"wala nga. tara na sa baba" hinila ko nalang siya pababa dahil mahigpit ang hawak niya sa kamay ko, hindi ko naman maalis dahil baka lalo magduda to

habang nakain kami inaasar naman ako ni ella -__-

"aly hinawaan knba ni gretch? pareho na kayong hindi makita ang mata! hahaha" pang aasar niya

"hindi noh!" sigaw ko "mas malaki parin mata ko sa kanya" sabay nilakihan ko mata ko

"hahaha. mala A naman ngayon" pang aasar pa niya

"at least hindi maliit" sabat naman ni A

"hahahaha. tumpak!" pag sang ayon ko naman at nagtawanan kami lahat

"ganyan kampihan kayo?" tanong niya

"dinamay mo ko eh, kita nang nananahimik ako" sagot naman ni A

"sbhjakshsb" magsasalita pa sana si ella kaya lang sinalpakan ni marge ng baboy yung bibig ni ella "tahimik na babe" pagsasaway niya. hahaha. ang cute talaga nila 

nanahimik naman si ella, pero hindi ko alam kung dahil kay marge o dahil sa pagkaen. siguro sa pag kaen. hahaha

"ella ikaw maghuhugas ng pinagkainan ngayon" pagpapa alala ni capt.

"ako nananaman? eh parang nung isang araw lang ako naghugas ha?!" angal naman ni ella

"babe last week pa yon noh! tulungan nalang kita" pag aalok ni marge

"awww. ang sweet talaga ng margemallows ko " sabay pout ni ella

"oo nalang" pagsang ayon naman ni marge

"hahaha. basag ang pout ni donya ella" banat ni jia

"manahimik ka nga" sigaw naman ni ella

"psssh. tama na yan. mag aaway away pa kayo" pagsaway naman ni dzi

at natigil nga sila. takot kasi kami kay dzi at baka kami'y mabatukan nanaman. haha

natapos na kami kumaen at kanya kanya nang balik sa mga kwarto namin, linis ng katawan, review at .. tulog?

The Reality - AlyDen FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon