Chapter 2

38 2 0
                                    

Kyzin's POINT OF VIEW

(Monday)

"Hoy Kyzin bumangon kana, at binabagyo na tayo!" Kuya

"Hmmm, mamaya na! Limang segundo lang plss.." ako habang takip takip ko ang aking mukha ng kumot na gawa sa lampin.

"ANONG MAMAYA NA! BUMANGON KANA AT BINABAHA NA TAYO!!" Kuya na ngayo'y kinuha na ang kumot ko

Wala na kong nagawa kaya bumangon nalang ako,

Tama nga si kuya, binabagyo na kame!!

Huta ang lamig!!

Dali dali akong lumabas sa aking kwarto na sinundan naman ni kuya at nagtungo sa aming mumunting kusina.

"Pa anong balita?" Ako habang prenti na ang pagkakaupo sa aming di kahoy na upuan

"Anong balita? Anong balita? Di mo ba nakikita na binabagyo na tayo, at parang wala lang sayo! Oh mag kape kana! Nandun yung pandesal sa May lalagyan ng pinggan!" Papa na ngayo'y pumunta sa likod bahay upang ayusin ang aming bubong na linilipad na ng hangin!

"Hoy Kyzin sunod lang ako kay papa, ubusin mo yan at bawal magtira, mahirap maghanap ng pandesal!" Kuya na sinundan na si papa

Napakamot nalang ako sa aking ulo dahil sa dalawang lalaki sa buhay ko.

Monday na pala, At walang pasok ngayon dahil sa bagyo na signal # 2 na!

Subrang lakas ng hangin na may kasama pang pagbuhos ng ulan.

"PA MAGIINGAT KAYO DYAN HA!" sigaw ko

"OO! DYAN KALANG HA! WAG KANG LUMABAS!" balik na sigaw sa akin ni Papa

Pagkarinig ko nun, enenjoy ko na ulit ang paginom ng kape at pagkain ko ng pandesal.

Habang nasa kalagitnaan ako ng masarap kong umagahan at nakikinig sa walang humpay na dagundong sa labas dala ng bagyo, isang tunog ng parang bumagsak ang nakapagpakuha ng atensyon ko.

Ano yun?

Sa hindi malamang dahilan, agad agad kong kinuha ang aking payong, at lumabas sa aming mumunting bahay! Na hindi manlang pinapansin ang pagtawag sa akin ni Kuya.

Nang nasa may kalagitnaan na ako ng aming bukid, laking gulat ko nalang ng may makita akong lalaking Duguan na walang malay.

Agad agad akong lumapit sa lalaki at yinugyug sya, pero kahit anong gawin ko, hindi sya gumagalaw.

Napansin ko rin na nagdudugo ang kanyang ulo.

La baka patay na to! Gwapo pa naman!

Hinawakan ko ang kanyang palapulsuan at, thank god may pulso pa ito!

"Hoy manong! Manong! La anong gagawin ko sayo?" Panik kong sabi

Wala paring tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan na sinasabayan parin ng napakalakas na hangin.

At lamig na lamig na ko dahil sa nabasa na rin ako.

"KUYA! PAPA! TULUNGAN NYO KO DITO! PA! KUYA! BILISAN NYO! PAPA!! KUYAAAA!!!" Sigaw ko sa dalawa na patakbo ng tumutungo sa aking kinaroroonan

At ako naman, naghihirap na sa kapapapasan sa lalaking ito. Na sa tingin ko'y isang foreigner na koreano.

"Anong nangyayari dito?"__"Sino yan?" Sabay na tanong nilang dalawa

"Ay aba malay ko kung sino to? Nakita ko lang yan dito! TARA BILISAN NYO NA! HUMIHINGA PA TO! DALI NA!!" ako

Tinulungan naman nila akong buhatin ang koreanong ito at dinala sa aming mumunting bahay!

Pagkarating namin sa amin, agad agad akong nagbihis at pinuntahan agad ang kinaroroonan ng walang malay na koreano, na nasa kwarto lang ni Kuya.

Nadatnan kong nakabihis na sina papa at kuya habang mariing nakatitig sa nakahigang lalaki na ngayo'y may binda na sa ulo, at iba na ang suot na damit. At malamang binihisan nila.

At salamat din dahil ang aking mahal na dakilang ama ay may alam sa panggagamot!

"Ano kaya ang nangyari sa binatang ito?" Papa

"San kaya nanggaling ang Poreyner na yan!" Kuya

"Correction Kuya FOREIGNER, hindi POREYNER!" Pagtatama ko sa sinabi ni kuya

"Alam ko! Wag ka ngang panira ng trip!"

Napaismid nalang ako sa sinabi nya!

"Tumigil na nga kayong dalawa!" Saway sa amin ni papa

Kaya nagtiklop kaagad ang aming mga bibig, pero panay naman ang palitan namin ng masasamang tingin ng magaling kong kuya!

"Kyzin itong Jacket ng koreanong ito, labhan mo nga!" Papa sabay hagis ng Jacket na kanina ay suot lamang ng koreanong ito.

In fairness Mamahalin

Napatingin naman ako sa pangalang naka ukit sa Jacket.

Reil?

Hmm!! Mukhang pamilyar!

San ko nga ba yun narinig?

***
(Wednesday)

Dalawang araw na at tapos na ang bagyo pero umuulan parin, kaya wala paring pasok.

Pero itong koreanong ito hindi parin gumigising. Hindi namin sya madala dala sa hospital dahil unang una malayo ang bukid namin sa hospital, at pangalawa dag dag gastos lang yun!

Kasalukuyan akong nasa kwarto ni kuya kung saan nandito nakahimlay ang koreanong ito, at ako ang inatasan ng dalawa sa pagbabantay dito.

Habang nakatingin ako sa koreanong ito hindi ko talaga mapigilan ang pagkukumpara ko sa kanya at sa akin.

Ang puti at ang ganda ng balat nya, na parang hindi pa nga nadadapuan ng kahit anong insekto. Samantalang ako nagkulang sa puti at may mga peklat pa.

Ang gwapo, hindi makabasag pinggan ang kagwapuhan. Samantalang Si ako nagkulang sa ganda!

At sigurado akong Mayaman to.

Kaya napapaisip ako kung bakit napadpad to dito.

"Hoy koreano! Kailan ka kaya gigising? Nakakainis ng magbantay sayo!" Ako habang mariin paring nakatitig sa kanya

Pero laking gulat ko ng unti unti nyang idinilat ang kanyang mata at sabay sabi ng mga katagang hindi ko naman maintindihan!

"Nugusiyo?"

"Jega ittneun guseun eodi ibnikka?"

"Keurigo, naneun nuguinka?"

************************************

A/n: Yung linggwahe ng mga taga Leyte is waray, pero dito tagalog yung ginagamit kong linggwahe, syempre! Hindi nyo naman maiintindihan pag waray ang ginamit ko.
Btw sorry kong pangit, bago lang po akong salta dito sa wattpad world!

After Losing His MemoryWhere stories live. Discover now