15☜ Christmas Party🎊🎉

0 0 0
                                    

Dec. 19,2017
山◯◯◯卄 ⓐⓝⓖ ⓢⓐⓨⓐ ⓝⓐⓜⓘⓝ ⓓⓘⓣⓞ

Sa mga ganitong araw lang ako panctual eh. 7:00 ako pinaalis ni mama at pinasakay ng traysikel. Dumating ako sa school ng 7:30, parang bagong bukás yong school ah!

Isang gate lang yung bukas tapos may dalawang guards. Anak ng nanay ko! Wala akong dalang ID! Tinignan ako ng dalawang guards, ako lang kase yung pumasok mag isa. Minadali ko nga lang yung pagpasok hindi naman ako sinita, No ID No Entry eh. I soon realized na pwede lang palang pumasok na wala neto dahil Christmas party ngayon ng mga fellow ka estudyante ko. Anak talaga ako ng nanay ko.

The place was deserted. Walang ka tao tao except sakin. Baka i su surprise nila ako, chosss. Ang sipag ko talaga mag aral---este masipag ako

Naghintay nalang ako sa labas ng room namin ayaw kasi buksan nung tagbantay ng canteen. Edi nag Wattpad nalang ako. Hindi ko namalayan ang oras dahil quarter to nine na. Ang dami pang lamok, kasi naka white polo shirt ako na may broken hearts na design (hindi naman ako broken, c birthgiver ko yung pumili eh) tapos naka cute na pedal na kulay turquoise, at naka Raven styled shoes. Kyot ko no? Habulin talaga ako eh, lamok nga lang. Baka hindi pa ako umabot ng Christmas party dahil baka magka dengue na ako.

Nung mga bandang 9:00am dumating si Alex. At parang nabuhay na ako dahil binuksan na yung pintuan. Qaquo tong lalaking to ah! Ako lang talaga yung pinapasok mag isa tapos sabi niya linisan ko tong classroom.

Ako: At last, nakapasok na ako sa room at makakaupo na rin ako! (Yung benches kasi namin may mga bougainvilleas sa likod at ako lang mag isa)

Alex: o pakilinis nalang ng room ha. Tsaka buksan mo yung bintana tutal mataas ka naman tapos i-arrange mo yung malalaking lamesa at linisin mo rin, i-arrange mo nalang yung chairs at paandarin mo yung mga electric fan ha!

Ako: (´・_・')........nope.  Kaya mo na yan. Support kita.

Lumabas na yung palaka na naiinis. Kumuha nalang ako ng upuan at inilagay sa gitna ng room at pinaandar yung ceiling fan at nag Wattpad ulit. Wala namang ibang tao eh, edi okupado ko.

30 mins later...

Haaay salamat nalang at may companion na akong kasama, si Gwyn. A lot of time passed by, salamat naman at mag sa-start na.

A High Schooler's Diary ◈Where stories live. Discover now