Chapter Five

7.3K 194 2
                                    

"DEAR Miss Emily,

I need your advice. Meron po akong nakilalang lalaki. We've been seeing each other for months now. Nag-click po kami. Nagkakasundo po kami sa maraming bagay. We kissed, we hugged, and we bonded like a normal couple. But the problem is, we're not a couple.

Mahal ko na po siya. Mahal na mahal. Pero hindi ko po alam kung saan ako nakalagay sa buhay niya. Natatakot naman po akong magtanong. Because I'm afraid I might get a different answer. Ano po ba'ng gagawin ko?

–Leslie

Marahas na napabuga ng hangin si Holly matapos niyang mabasa ang tanong na iyon ng isa sa readers niya sa kanyang Facebook page kung saan siya nagbabahagi ng opinyon sa mga tao. Paraan niya iyon para maabot pati na ang mga readers niya mula sa malalayong lugar. Doon siya nagpapayo at kadalasan ay nakikipagpalitan ng opinyo o kaya ay nakikipagkulitan sa mga ito tungkol sa iba't ibang bagay sa pag-ibig o sa iba pang aspeto ng buhay para mas lalo siyang makilala ng mga ito at ganoon rin siya sa mga ito.

Ilang sandaling napatitig si Holly sa screen ng laptop. Mayamaya ay para bang may sariling isip ang mga daliri na nag-type siya sa keyboard.

"That's the problem when you fell first, Leslie. Dahil nga mahal mo siya, kusa kang tatalon sa isang bagay na walang kasiguruhan, kusa kang papasok sa isang relasyon na walang pangalan. Nahulog ka na. You're trapped. You can't get out. That's why you start to seek for an assurance that someone will join you in that place. I get you. Nakakatakot nga namang mag-isa sa isang lugar. At tama ka, mahirap nga ang magtanong. Ano ba'ng dapat gawin? Hindi ko rin alam. Dahil pareho lang tayo. I wish... we could be saved, though.

Matapos i-click ang send button ay isinara na ni Holly ang laptop. Lumabas siya ng kanyang kuwarto at nagpunta sa veranda. Napatingala siya sa kalangitan. Hinayaan niyang tangayin ng pang-umagang hangin ang nakalugay niyang buhok. Napangiti siya sa natanaw na papasikat na araw. Bahagyang nawala ang bigat sa kanyang dibdib.

Napahugot si Holly ng malalim na hininga pagkatapos ay mas lalo pang itinaas ang mukha at marahang pumikit. Napakagandang pagmasdan ng pagsikat ng araw, parang si Aleron. Pero habang tumatagal iyong tingnan ay mahapdi na sa mga mata, gaya rin ni Aleron sa ibang paraan. He was so beautiful to look at. At humahapdi hindi lang ang mga mata niya kundi pati ang kanyang puso dahil hindi niya alam kung iyong kagandahang iyon ay may pag-asang mapasakanya.

Hindi na baguhan sa pagmamahal si Holly kaya kabisado niya na ang nararamdaman. Sa palagay niya, iyon ang dahilan kung bakit kahit paano ay epektibo siyang manunulat. Una siyang na-in love kay Cedrick. Nakatira ito malapit sa mansyon ng kanyang mga magulang. Tatlong taon ang tanda sa kanya ni Cedrick pero hindi naging hadlang iyon para mapalapit siya rito dahil isa ito sa pinakamabubuting lalaki na nakilala niya.

Ang ama ni Cedrick ay ang vice president sa Lejarde Hydro Power Corporation kaya malapit rin ang buong pamilya nito sa pamilya ni Holly. Ang binata ang siyang tagasundo pa nila noon ni Hailey sa eskwela mula elementary hanggang high school. Nahinto nga lang iyon nang mag-aral ang binata sa ibang bansa.

Bumalik si Cedrick sa Pilipinas kulang dalawang taon na ang nakararaan. Isa na itong matagumpay na doktor. Si Cedrick ang kauna-unahang lalaking nagpatibok sa puso ni Holly. Disisais anyos pa lang siya bago pa man tumuloy sa Amerika si Cedrick ay minahal niya na ito. Ang akala niya sa pagbabalik nito sa Pilipinas noon ay may pag-asa na siya dahil napapansin hindi lang ni Holly kundi pati ng kanyang mga magulang ang kakaibang atensyon na ibinibigay sa kanya ng binata.

Pero si Hailey ang naging girlfriend ni Cedrick. Nangyari iyon wala pang tatlong buwan matapos makabalik sa bansa ng binata, nang dumating na si Hailey mula sa New York. Nasaksihan ni Holly ang dalawa na naghahalikan sa hardin ng mansyon nina Cedrick. Saka niya lang natuklasang may relasyon na pala ang mga ito.

The Trouble With Good BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon