Hanggang Tingin Nalang Ba?

3 0 0
                                    





3 years. Ganyan katagal na kitang minamahal. Nagsimula yun nung... teka. Di ko na maalala kung kailan at ano ang pinagmulan nitong nararamdaman ko para sayo. Basta paggising ko isang araw, narealize ko na mahal na pala kita. At sa nakalipas na tatlong taon na yun, hindi ko parin maamin sayo na meron akong lihim na pagtingin sayo. Ewan ko ba. Naduduwag kasi ako. Saka lalaki lang ba ang natotorpe? Mga babae din kaya. At isa na ako dun.




Noong una dinedeny ko pa sa sarili ko na hindi kita mahal. Na crush lang kita at hanggang dun nalang yun. Pero nung tumagal, natanggap ko din sa sarili ko na mahal na pala talaga kita at hindi nalang yun simpleng pagkagusto lang. Na sa tuwing makikita kita na malapit at sweet sa ibang babae ay naiinis ako. O mas tamang sa bihin na nagseselos ako.




Minsan nga natanong ko sa sarili ko kung bakit ikaw yung nagustuhan ko eh marami namang iba dyan. Sa totoo lang, ikaw yung total opposite ng dream guy ko. Oo, sabihin na nating matangkad ka, matangos ang ilong at gwapo pero yung ugali mo, sobrang layo sa pinangarap ko. Pero ano ba ang magagawa ko? Sayo ako nahulog eh. Ang kaso lang, hindi mo ako nasalo at sobrang sakit talaga.




Sobrang sakit kasi alam ko namang kahit kailan ay hindi mo ako magugustuhan tulad ng pagkagusto ko sayo. Alam ko naman na ang mga tipo mo ay yung mga babaeng maganda at sexy. Kaso ni hindi ako kabilang sa mga yun eh. Isa lang naman akong simpleng babae na nangangarap na balang araw ay mamahalin mo rin.




Siguro sasabihin ng iba na ang tanga ko. Na kahit nasasaktan na ako ng paulit ulit, heto parin ako at nagpapakatanga sayo. Pero ganun naman talaga pagdating sa love diba? Kahit paulit ulit ka pang masaktan, yung taong yun parin ang hahanap hanapin ng puso mo. Yung taong yun parin ang minamahal mo kahit pa nagmumukha ka ng tanga. Kasi kahit sila pa yung taong palaging nananakit sayo, sila rin yung madalas na nagpapasaya sayo.




Aaminin ko na kaya hanggang ngayon ay di ko parin maamin na mahal kita ay dahil sa natatakot ako. Natatakot ako na baka ireject mo ako. Na baka pagtawanan mo lang ako. Na baka ipahiya mo lang ako. Saka di lang naman sayo ako nahirapang umamin na mahal kita eh. Pati sa mga kaibigan ko. Iniisip ko kasi yung mga posibleng sabihin nila saakin. Gaya nalang ng,



"Seryoso ka? Sa kanya ka talaga nainlove?"

O kaya naman...

"Bakit sya pa? Eh madami namang iba dyan"



Pero naamin ko din naman sa kanila. Ayaw ko kasing maglihim sa kanila eh. Mga kaibigan ko sila kaya dapat lang na pagkatiwalaan ko din sila. Kasi alam ko namang pinagkakatiwalaan din nila ako gaya ng pagtitiwala ko sa kanila.




Nung inamin ko sa kanilang may gusto ako sayo, nagulat talaga sila. Pero naiintindihan ko naman eh. Ikaw kasi yung tipo ng tao na kinaiinisan ng buong klase pero masayang kasama. Aa totoo lang, pati mga kaibigan ko napagselosan ko. Ang sama ko diba? Eh kasi naman, buti pa sila napapansin mo. Buti pa sakanila nagiging sweet ka. Yung tipong close kayo sa isa't isa. Naiinggit nga ako eh. Ako kaya kailan mo mapapansin? Hanggang tingin nalang ba talaga ako pagdating sayo?




Dahil dun nagkaroon ako ng insecurities. Minsan, ay hindi pala. Madalas. Madalas kong natatanong sa sarili ko, 'pangit ba ako?' Hahaha. Siguro nga pangit talaga ako. Kasi kung hindi, bakit hanggang ngayon di mo parin ako napapansin?




Naisip ko narin noon na tigilan ko na tong nararamdaman ko para sayo. Na magmu move on na ako at hihintayin ko nalang yung taong para saakin. Pero di ko pala kaya. Hindi ko pala kaya kasi hulog na hulog na pala talaga ako sayo. At kung dadating man yung araw na kailangan na talaga kitang kalimutan, mahihirapan ako ng sobra.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hanggang Tingin Nalang Ba?Where stories live. Discover now