Kabanata 13

1K 114 22
                                    

Worst Day Ever

Ash’s Point Of View


Kanina pa ako nakabusangot dito kasabay ng pagtingin ko kila Adam at Smoke na nasa harapan ko. Tinataliman ko ng tingin si Adam na kanina pa nakaakbay kay Smoke na parang close na close sila.

Nagsasawa narin ‘yung mata ko kakairap at kakasunod sa kanila. Bwisit talaga ‘tong si Adam, humanda sa'kin ‘to mamaya pag-uwi!

“Alam ko na, bro! Manood muna tayo ng sine bago tayo kumain. Treat ko!” Narinig kong pag-anyaya ni Adam kay Smoke.

Sunod-sunuran rin ‘tong si Smoke kay Adam. Wala naman siyang masabi sa kinikilos ng isang ‘to pero mahahalata mong masaya rin siya habang kasama si Adam. As usual, tahimik lang naman kasi si Smoke at daig ko pa nanonood ng bromance movie sa harapan ko.

Kung hindi ko lang kaibigan ang isang ‘to, malamang sa malamang ay aakalain ko ng bakla ‘to.

Sobrang ingay niya! Kanina pa siya sa van hanggang sa makarating kami dito sa mall. Sa sobrang iritable ko, muntik ko na siyang suntukin. May maasar lang!

“Sure!” Nakangiting pagtugon ni Smoke. What?!

Nanlaki ang mga mata ko nang pumayag siya kay Adam na manood kaming tatlo ng sine. Kumunot naman ang noo ko at hindi parin inaalis ang matatalim na paningin kay Adam. Ano nanaman kayang binabalak nito?! Damn it!

Mas namilog ako sa natuklasan ko at pawang masusuka na ako sa ‘di malamang dahilan.

Kiniss ni Adam si Smoke sa pisngi. Oh, shit!

“Thanks bro!” Aniya ni Adam.

Ayoko na! Gusto ko nalang umuwi! Mas titiisin ko pang mag-commute at sumakay sa jeep na may amoy putok at lumilipad na buhok kaysa sa masikmura ko itong pinaggagagawa ni Adam kay Smoke KO.

Kasabay ng titig niya ang pagbigay niya ng matamis na ngiti kay Smoke. Hindi na lang kumikibo si Smoke sa ginagawa n’ya kahit na alam kong kasalukuyan na siyang nandidiri sa pinaggagagawa ni Adam sa kanya.

Hindi kaya…

Bromance sila?!

OH MY GOD. NO!!!!!

TANGINA.



Nandito na kami sa tapat ng sinehan. Nasa bandang counter kung saan ay tinitingnan rin namin ang mga posibleng magagandang pelikula ngayon.

“Anong papanoorin natin?” Malamya at iritableng tanong ko nang hindi sila tinitingnan. Nakatingin lang ako sa kawalan. Iniikot-ikot ko ang ulo at mata ko sa labas ng sinehan at sisiguraduhin kong hindi tatama ang mga paningin ko sa kanilang dalawa.

Pawang hindi manlang nila ako narinig. Ano? Wala akong kausap dito? Sinubukan kong kausapin yung kamay ko dahil sa walang pumapansin sa akin! Nakatalikod pa rin silang dalawa at tinitingnan ang monitor kung saan mayroong magandang palabas. Nandito parin ako sa likuran nila na daig pa ang third-party. Leche.


Napalunok uli ako sa huling pagkakataon nang akbayan uli ni Adam si Smoke. What the fuck. Makikita mo sa bawat paglingon ni Adam kay Smoke eh titig na titig siya dito. Gahd! Jesus Christ.

Walang TAYO [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang