EPILOGUE

3.3K 84 5
                                    



Monday Couple is forever...

GUSTONG ipagpasalamat ni Gary na sa wakas ay nagkaroon na siya ng pagkakataon para makapagpahinga. Nitong mga nakaraang buwan, sunod sunod ang mga naging schedule nila ni Gil matapos ang paglaunch ng kanilang bagong album. Nakakapagod, pero hindi siya nagrereklamo dahil bukod sa napapasaya niya ang mga fans nila, alam niyang nakabantay ang number one fan niya sa bawat galaw niya. Dahil doon, araw araw siyang inspirado.

"Gary," sabi ng number one fan niya. Kasalukuyan silang nasa vacation house niya sa Laguna. Naroroon sila sa isang bench sa tabi ng dagat. Nakaupo ang dalaga, samantalang siya ay nakahiga sa hita nito.

"hmm?"

"Gary, natutulog ka ba? Lumipat ka na doon sa bahay."

Dumilat siya para lang mabungaran ang mga mata ng babaeng hinding hindi siya magsasawang makita kahit pa habang buhay.

Habang buhay. It's been almost a year since they have finally been together at masasabi ni Gary na wala na siyang ibang mahihiling pa...maliban sa isang bagay.

"Ji Hyo."

"Oh? Tara na?"

"Let's make it official," bulalas niya kahit na hindi pa iyon ang oras na hinihintay niya para sa balak niyang gawin.

Kumunot ang noo ng dalaga sa kanya. "Ang ano?"

"Us," sabi niya. "Let's be Monday Couple forever."

"A-ano?"

"Let's get married tomorrow," bumangon siya at hinarap ito. "Monday bukas di'ba?"

Tumawa si Ji Hyo. "Asan ang singsing?"

He can almost imagine the ring he had prepared on her finger. Kaya lang hindi niya iyon dala ngayon."Nandoon sa bahay—"

Kinutusan siya nito. "Magpopropose ka ng walang singsing? Nakakainis."

"Ito nalang." Walang babalang hinila niya si Ji Hyo upang halikan ang labi nito. Good as a ring ang mga halik na pinagsasaluhan nila ng dalaga. At ito pa ang isang pang bagay na hinding hindi niya pagsasawaan kahit habang buhay pa niyang gawin.

Pareho nilang habol ang kanilang mga hininga nangmahiwalay ang kanilang mga labi. "Oo na 'yan, Ji Hyo. Wala ng bawian."

Pinanlakihan siya ng mata ng dalaga ngunit tumawa rin ito kapagkuwan. "Who would've thought that we'd end up this way, Gary?"

"Wala." Sagot niya. "But I'll always be thankful that you walked into my life that Monday."

"Monday couple yeongweonhi," sabi ni Ji Hyo.

"Yes," nakangiting sang-ayon niya. "We are monday couple from this day forward."

THE END

Monday Couple [ COMPLETE ]Where stories live. Discover now