Chapter 25

950 26 2
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

HILLERY'S POV

"Ayoko Klein. Hindi pwede." pagtutol ko sa sinasabi niya. Is he even serious? Ako magpapanggap na girlfriend niya? He's just joking right?

Oo nga pala, tulad ng sinabi niya pinuntahan ko siya dito sa gym kapag vacant ko na. Pinaputa niya ko para sabihin na gusto niya kong gamitin para maging girlfriend nanaman niya. Lagi nalang.

"Hillery, please. I need you." pagmamakaawa niya sa'kin. "Two months lang, two months hanggang sa makaalis lang 'yun Ex ko." lumuhod na siya sa pagmamakawa na pumayag ako sa gusto niya pero hindi talaga pwede.

"Klein, may boyfriend ako. Imposible 'yun gusto mong mangyari. Ano nalang sasabihin nila pag nalaman nila 'yun totoo?" pagtatanong ko sakanya. "Tumayo ka na diyan, please." pilit ko siyang inaangat para makatayo pero masyado siyang malakas.

"Boyfriend? May boyfriend ka na?" gulat na tanong niya.

"Nagkabalikan na kami nung Ex ko magiisang buwan na." sabi ko sakanya.

"Pero two months lang Hillery, walang makakaalam. Ako at ikaw lang bukod sa Ex ko. Please pumayag ka na. Ikaw lang babaeng kaibigan ko." sabi niya na halata sa boses niya na desperado na siya. Ayokong pumayag sa gusto niya pero nung sinabi niyang kaibigan niya ko para bang there's a part of me na nagsasabi na tulungan ko siya.

Pero pilit kong iniisip na papaano si Rivas? Oo alam kong hindi kami ok sa ngayon at wala siya dito pero boyfriend ko padin siya and this thing that I would do is still the same as cheating on him.

"Patenten, please." pagmamakawa niya ulit. "Kung gusto mong makabawi sa'kin mula sa nangyari noon, pagbigyan mo na ko sa hiling ko sa'yo." dagdag niya tsaka siya tumayo.

Eto nanaman tayo sa nangyari noon, akala ko nakalimutan na niya at napatawad na niya ko. Oo gusto kong makabawi sakanya pero bakit sa ganitong kundisyon pa?

"Wala na bang ibang paraan? May boyfriend ako Klein. Hindi ko siya kayang lokohin."

"Hindi ba talaga pwede Hillery? Sige, salamat nalang." nanlulumong sabi niya tsaka tumalikod sakin at nagsimulang maglakad palabas ng gym. 'Yun itsura niya para na siyang maiiyak para siyang isang batang hindi pinagbigyan ng magulang sa gusto niya.

"Klein!" sigaw ko sakanya pero hindi naman siya lumingon. "Klein. Payag na ko!" dagdag ko pa.

Hindi ko maisip kung bakit ako biglang nakonsensya at pumayag bigla, mukhang kailangan niya talaga ng tulong at alam kong ako lang pwedeng makatulong sakanya sa pagkakataong 'to. Bigla naman siyang humarap sa'kin at lumapit ulit.

"Talaga Vivien? Two months lang promise. Alam kong ang selfish ng dating pero wala na kong kilala na pwedeng makatulong sa'kin kundi ikaw lang." sabi niya sabay ngiti.

"Basta please lang walang dapat makaalam neto. Kung pwede din sana na mas mabilis sa two months." pagpapaliwanag ko.

"Pangako, salamat talaga Vivien." sabi niya sabay yakap sa'kin, medyo nagulat ako nung una pero nakita ko 'yun sarili ko na nakayakap din sakanya. Shit! Hindi pwede to. "Thank you patenten. Salamat!" dagdag niya pa sabay bitiw sa pagkakayakap sa'kin.

"Pero teka, sino nga ba 'yun ex mo? 'Yun ba 'yun Yu na kasama mo sa gym nung isang linggo?" tanong ko sakanya

"Paano mo nalaman? Ikaw ha sinusundan mo ko. Crush mo ko noh?" pangasar na tanong niya sabay kiliti sa tagiliran ko.

"Siraulo. Di ba nga sabi ko sayo halos buong araw kita sinundan noon para lang magsorry pero pachix ka masyado muntik pa ko mamatay." sabi ko sabay hampas sa likod niya.

When The Player Meets The Game ChangerWhere stories live. Discover now