THI 16

3.2K 38 0
                                    

Chapter 16

"Whaaa this is what you call partyyyy!!" sigaw ni Arj habang pinapaikot ang hawak na beer in can sa harap namin. Nandito kami ngayon sa isang hotel, dito namin napiling mag inuman.

"Ang galing talaga ni Leigh gumawa ng palusot kapag sa takasan ano?" namumungay na ang mata ni Carlyn nang magsalita ito. Pasado alas nueve na kami nakarating dito. Dumaan pa kami sa isang 24/7 convinient store at bumili ng beer at nang pulutan.

"Si Leigh paba? Eh dakila iyan! Magaling sa lahat haha" dugtong pa ni Jayson.

Paano nga ba kami nakatakas sa party?

"So anong plano? paano tayo makakatakas sa nag babantay?" pasimple kaming nakasilip sa gate kung saan may nagbabantay na naka on duty na ROTC. Isa lang ito kaya madali lang itong lansiin.

"Ganito, ako ang unang pupunta sa gate, ako nang bahalang gumawa nang excuse. Alerto kayo ok? Kapag nakita nyong umalis na iyong nakabantay saka tayo tatakas" paliwanag ko sa kanila habang nasa bantay padin ang tingin.

Pero mukang nasa amin ang swerte. Lumapit ang kasama nitong naka duty at may sinabi. Pagkatapos ay sabay ang mga ito na umalis.

"Tara na samantalahin na natin habang wala pa sila. Baka biglang dumating ang mga iyon." Alerto kong utos sa kanila. Malalaking hakbang ang ginawa namin para marating ang gate.

Panay tawanan at biruan ang syang pumupuno sa buong silid. Mabuti nalang pala at sound proof ang kwarto na ito. May tatlong kama din na sakto para sa dalawang tao. And as usuall kami ulit ni Trace ang magkatabing matutulog.

"Guys laro tayo dalii" na eexcite na sabi ni Jayson.

"Anong laro naman?" tanong ko.

"Spin the bottle tapos truth or dare. Pero may Twist. Kapag hindi sinunod ang dare o hindi sinagot ang Truth, iinomin ang beer na ilalagay ko sa disposable cup. Dapat ubos at walang tira. Ano game?"

"Game! Pero wala tayong bottle?"

"Pwede na ang in can. Kung sino ang tamaan ng bibig ng can sya ang tatanungin at kung sino ang matatapatan ng pwet ng can sya ang mag tatanong. Then after that yung natanong sya na ang mag iikot ng can ano klaro ba?" paliwanag sa amin ni jayson.

Sabay sabay naman kaming tumango. Umayos kami ng upo, mula sa kaninang kalat kalat ngayon ay pabilog na. Nasa tabi ko sa kanan si Trace, na katabi si Jayson. Katabi naman ni Jayson ay si Jayden na katabi si Arj. Katabi ni Arj si Carlyn na syang katabi ko sa kaliwa.

Unang nag spin ng can si Jayson. Bwena manong napasabak ay si Carlyn, si Jayson ang magtatanong para dito. " Ok Truth or dare?"

"Dare" sagot ni Carlyn.

"Go out, stop the first person you see and say 'I love/hate you'."

"Naks may pa English ka pang nalalaman ha, Pero sisiw sa akin iyang dare mo" pa cool na sagot ni Carlyn. Tumayo ito at lumabas ng kwarto. Maging kami ay sumunod din sa kanya para makita kung paano nya magagawa ang kanyang Dare. Mahigit isang minuto ang lumipas bago may dumaang bellboy. Sakto namang papunta ito sa pwesto ni Carlyn. Halos matawa naman kami ng bigla nalang itong lapitan ni Carlyn at sinabing " Kuya, I love you" with matching kagat labi at kindat pa. Gulat namang napahinto sa pagtutulak ng cart ang lalaki.

"OK, sino kaya ang next na mabibiktima ng can na ito" ani Carlyn habang pinapaikot ang can.

"Opps... Your turn" kay Arj natapat ang bibig ng can at si Trace ang magtatanong.

"Easyhan mo lang ha."

"Ok eto na, Truth or dare?"

"Syempre dare palaban kaya ito" aniya sabay palo sa kanyang dibdib.

Taking his InnocenceWhere stories live. Discover now