Prologue

1.4K 28 0
                                    

Ngayong nagising na ang prinsipe ng mga bampira,magagawa niya kayang pigilan ang mga masasamang bampira na gustong maghari sa buong mundo?Ngayong nagising na siya,kakayanin namin kayang talunin ang mga masasamang bampira kahit kasama pa ang kapatid ng kanyang Ama?Hindi niya alam ang kanyang tunay na pagkatao.Isa siyang tao noon,ngayon ay isa na siyang prinsipe ng mga bampira sa isang iglap lang.

****

Sinubukan kong takasan,ilayo at ibaon sa kailaliman ng lupa ang aking kapalaran pero habang tumatagal ay parang pinapalapit ako ng tadhana sa pintuan ng karahasan.Ang dugo ng isang bampira ay dumadaloy sa buo kong sistema at pagkatao.Dugo ang bumubuhay sa aming mga bampira pero hindi ibig sabihin noon ay nakakalimutan ko na kung sino talaga ako.Kumakain pa rin ako ng pagkain ng mga mortal.Dugo ang pantawid-uhaw namin.Hindi ko matanggap noong una na isa ako sa kanila.Pero kalaunan ay unti-unti ko nang natatanggap. 

Bumabalik kaming lahat sa mundo ng mga tao para mamuhay ng normal subalit kapag may panganib ay hindi naming maiwasang magligtas ng buhay ng mga tao at ilagay ang aming mga buhay sa kapahamakan.Kailangan naming protektahan ang mortal world laban sa mga kaaway na gustong wasakin ang mundo ng mga mortal.'Yun ang misyon namin ngayon.

Oo.Alam kong ako ang prinsipe,pero hindi ko kayang tanggapin ang aking kapalaran dahil...Natatakot ako.Hanggang sa...May nawala sa akin na isang tao na mas mahalaga kaysa sa buhay ko.Kaya ngayon,hahanapin at papatayin ko siya.Sa harapan ng kanyang mga mahal sa buhay.Gaya ng ginawa niya sa akin.I want to kill him in front of his loved ones.

Hindi pa dito nagtatapos ang lahat.This is just the beginning of our story.I will fight with them until the end.Until I die.


Awakening Of The Vampire Prince (OMIAVP BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon