Chapter 8 - The PAST (Part 2)

10.1K 152 2
                                    

The Past (Part 2)

More than ten years ago...

<Venice's PoV>

Everything went well for my first sem in college. Kung 'well' nga ba ang matatawag talaga sa pagiging broken hearted ko <//3. Muntikan na ngang matanggal ang scholarship ko pero luckily, nakakabit pa ako sa required average.

Sembreak ngayon, pero imbis na magbakasyon ako, magtratrabaho na lang ako. Miss na miss ko na ang pamilya at mga kaibigan ko sa probinsya pero kailangan kong magsakripisyo. Para din naman 'to sa future ko.

Nagtratrabaho ako sa isang restaurant. Sa kusina ako nakatoka pero dahil kulang ang mga waiters ngayon kaya pansamantala muna akong magiging waitress.

"Venice sa table number 3, may costumer." Sabi saken ni Nina, katrabaho ko pero sa cashier sya.

"Okay! Punta na ko do'n." I smiked at her at pumunta na sa table number 3. Malayo pa lang pero alam ko na kung sino ang nasa table na 'yun.

*padam padam padam*

Napatigil ako sa paglalakad at napahigpit ang hawak ko sa menu na hawak ka. Get a grip of yourself Venice! Maglakad ka na patungo sa table na 'yun ng matapos na 'to!

I started walking towards table number three.

"Good evening Sir, Ma'am." I smiled at binigay na sa kanila ang menu book. Halatang nagulat si Vince ng makita ako pero kinuha na lang ang menu book. Hindi ako tumitingin sa kanila, aalis na sana ako pero--

"We'll take our order now Miss." Sabi nya. At binigay na sa akin ang order nila. Kinuha ko ang menu book at umalis na.

***

"Here's your order Sir, Ma'am." Ngumiti ako ulit at inilapag na ang mga order nila. "Enjoy your meal." At umalis na ako ulit.

Now Venice, alam mo na na may nililigawan talaga sya o baka girlfriend nya na kaya itigil mo na ang nararamdaman mo sa kanya, okay? Move on, okay? I sighed.

"Para saan ang buntong-hiningang 'yun?" Napalingon ako sa nagsalita, Si Sir Jacob, anak sya nang may-ari ng restaurant. Matanda sa akin ng apat na taon pero di mo mahahalata.

“Sir! Nandito pop ala kayo! Good afternoon po!” Masayang bati ko sa kanya.

“Aray!” Pitikin ba naman ang noo ko?! Ang sakit kaya!

“Sabi ko naman kasi sayo ‘wag mo akong tatawaging ‘SIR’ eh! Kuya na lang o ‘di kaya ay Jacob! Yan! Ang kulit mo kasi eh!”

“Ang sakit *pouts*” Reklamo ko.

“’yan kasi ayaw sumunod sakin. Tsk tsk.” Inakbayan naman ako ni Kuya (Kuya na lang kesa ‘Jacob’ lang)

*Craaaaassssshhh*

My Amnesia Wife (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin