Chapter 4

14.9K 271 18
                                    

"Thank you Eric. " she told him nang nasa tapat na sila ng bahay nila.

"No need to say thank you honey. Alam mo naman na gusto ko palagi akong may ginagawa for you." He said na nakangiti.

Nasa labas na sila ng sasakyan nito at naglalakad na sila palapit sa gate. Binuksan na ng kasambahay nila ang maliit na gate pang-tao as she waits for her in the garage. Napansin niya na wala pa ang kotse ng daddy niya. She smiled to herself nang maisip na kahit kasi may idad na ang parents niya, they still go on dates a few days in a week.

"You always make me feel so special." Sabi niya bago sila nakarating sa nakabukas na pintuan. "Are you sure ayaw mo ng pumasok?" she asked.

"Alam ko maaga ka pa sa clinic bukas. Next time na lang." he said gently and she just nodded.

Madami talagang magagandang qualities ito na kahit sinong babae magugustuhan. Boy next door type. Guwapo at maganda ang trabaho. He is helping his father manage their businesses. Ang pamilya nito nagmamay-ari ng ilang factories sa Pilipinas. They export bags and shoes for men and women.

Gusto niyang matawa ng ipasok nito ang isang kamay sa bulsa at iniadjust ng kabilang kamay ang salamin nito sa mata. Ramdam niya may sasabihin ito pero nag-aalangan.

He looks so cute when he does that. Ang guwapo pa din nito kahit nakasalamin. The glasses added to his appeal. Intelihente at conservative ang dating. Hindi nga niya alam kung bakit nagustuhan siya nito.

She is now the exact opposite of her old self.

Matapos ang masaklap na sinapit niya kay Logan, she asked her mother's advice to improve herself. Hindi naman sa madaming dapat baguhin sa kanya dahil natural na maganda naman talaga siya. With the help of her mom, she changed her fashion style. More like her mother na siya ngayon. Sexy but still sophisticated. Hindi na din siya nakasalamin ngayon, she had lasik eye treatment kaya hindi na niya kailangan ng eyeglasses. Nag-mamake-up na din siya and her long hair which goes below her shoulder blades is dark brown. Sabi ng mommy niya, mas naeemphasize ang mestisa features niya with her hair color. Kung ang gusto ng manyak na ex niya ,yung mukhang pokpok..sorry na lang. Hindi siya mukhang pokpok..dyosa lang! Dyosa na pwedeng pagnasaan ng kahit sinong lalake but no touch. Si Eric lang ang hinayaan niyang mapalapit sa kanya dahil subok na niya ito. He is unlike Logan na tila boobs ang unang tinitignan sa babae at ang kaumbukan ng pechay. Eric is not like that. Kahit na sexy ang mga suot niya, he sees past her looks.

"What is it Eric? May sasabihin ka?" malambing na tanong niya.

Nagkamot ito ng batok and said, " Birthday kasi ni mama sa isang linggo. She wants to celebrate in Boracay. Two days lang so sakto sa weekend . Papayag ka kaya na ipagpaalam kita sa mga parents mo? Kasama naman si Jill at Heidi. Nasabi ko na sa kanila kanina pero sabi nila ikaw ang tanungin ko," alanganing sabi nito. "Kung gusto mo kahit isang araw lang! Ang importante makasama kita. Kahit ihatid pa kita..."

"Sige. Basta pumayag sila mommy at daddy. I will go." She said which made him adjust his glasses again.

"R-Really?" tila hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yes. Sige na baka gabihin ka ng masyado." sabi niya sa malambing niyang boses which is typical of her.

"S-Sige. Bukas ipagpapaalam kita sa mommy at daddy mo! Can I pick you up in the morning?" masayang tanong nito.

"Sobrang aga naman nun. Bukas ng gabi na lang. Okay ba yun?" she asked.

Malapad ang ngiti na tumango-tango ito. Mabilis siya nitong hinalikan sa pisngi . Napangiti na lang siya. Hanggang ganun lang naman sila. Hawak kamay and kiss on the cheek. Although ito lang ang humahalik sa kanya. May usapan sila na once she kisses him on the cheek, lumevel up na sila as in pumapayag na siyang maging official gf nito. Ang pagtawag nito ng honey sa kanya kahit di pa sila officially on, hinayaan na lang niya. Praktis lang daw naman. Besides, she finds it sweet.

"Pasok ka na honey bago ako umalis." He said.

"Ok. Drive carefully." Paalala niya.

***

She is about to go to bed when she heard her message alert tone. She got her phone. Napangiti siya when she saw Eric's text.

Sweet dreams honey. See you tomorrow night. I forgot to ask you kung ano ang gusto mong dalhin ko.

Lalo siyang napangiti. Super sweet talaga nito. She sat up on the bed in a cross-legged position bago sinagot ang text nito.

Wala. Ayusin mo lang ang sasabihin mo sa parents ko lalo kay daddy if you want me to come to Bora with you. =) Sige na tulog na tayo. See you tomorrow.

Naiiling na sinend niya ito. She is positive na hindi ito makakatiis for sure he will call. After sending the message, she reached for her book na nasa tabi ng kama. She will read a chapter or two ng mystery novel na binabasa niya. Nailing siya na nakangiti pa din nang magring ang phone niya.

"Eric ano ba? Matulog ka na nga." Natatawang sabi niya bago humiga.

" I will do something bad to that fuckass one of these days..." said a very cold voice which made her gasp and sit again.

She checked the number. Unregistered ito and that voice...

"Don't you dare hang up on me baby kung ayaw mong mambulahaw ako. Andito ako sa tapat ng bahay niyo. Dark blue na SUV. " Logan said na halatang nagpipigil ng galit. He is not shouting but his words are like icicles.

She stood up and sumilip siya sa bintana. May nakita nga siyang sasakyan na kagaya ng description nito.

" Bukas susunduin kita sa klinika so we can talk." Malamig na sabi pa nito.

"Wala na tayong dapat pag-usapan!" inis na sabi niya bago umalis ulit sa bintana and walked to her bed. Umupo siya sa gilid ng kama while she massages her right temple with her other hand.

"I beg to disagree baby..."

"Stop calling me baby! Hindi na tayo!" she said through clenched teeth. Napahigpit ang hawak niya sa cp niya.

"Marami tayong paguusapan baby. I will be there at around 10 AM. We will talk." May diin na sabi nito.

Galit na napatayo siya.

"Hindi ako makikipagusap sayo! Not now or ever! " she said angrily bago niya ito binabaan ng telepono. Napadyak niya ang isang paa sa inis.

She gasped when she heard him blow the horn of his vehicle kaya mabilis na dinial niya ang number nito. She was about to yell at him dahil mabubulahaw ang mga neighbors nila but he spoke.

"It's high time we talk baby..." sabi nito sa seryosong boses na nagpaawang sa bibig niya.

" sabi nito sa seryosong boses na nagpaawang sa bibig niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
( 2nd Gen) Ravishing My Ex ( ebook on Good Novel )Where stories live. Discover now