Eternity

275 13 0
                                    

Eternity (n.)

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag nang makalabas ka sa opisina. Nasa bilihan ako ng fish ball noon, naghihintay sa iyong pagdating. Inabot ko sa'yo 'yung stick, senyales na libre ko na lahat ng fish ball na kakainin mo. Relaxed kang tumusok ng fish ball mula sa mainit na kawali ni Manong Ted. (Kita mo, pati tindero sa labas niyo, kilala ko na.) Pagkaabot ko ng bayad, nagsimula na tayong kumain. May batang hingi nang hingi ng kinakain nating fish ball. Hindi natin siya binigyan. Nabigla ako nang sumigaw 'yung batang 'yon ng "Walang forever! Magdusa sana kayo sa eternity!" Hindi naman sa nag-sa-smart shame ako sa bata, pero ang galing niyang gumamit ng tayutay. Mas magaling ka kasi hindi ka sumagot. Parang mas gusto mo pang magdusa sa eternity kaysa pumatol sa bata.

"Forever, eternity? Walang naniniwala d'yan," narinig kong sabi mo.

Breakup DictionaryWhere stories live. Discover now