CHAPTER 7

6.1K 151 2
                                    

Napailing na lang si Cyrene nang mapansin niya ang kakaibang saya sa mukha ng mga magulang niya matapos niyang sabihin sa mga ito na kasama niyang magjogging si Lanter. Bandang ala singko palang ng umaga at kahit hirap siyang gumising dahil hindi siya sanay bumangon ng ganoong kaaga ay pinilit pa rin niyang kumilos.  

Daig pa niya ang nakainom ng sangkaterbang energy drink nang marinig niyang tumunog ang doorbell nila.

“Daddy sa tingin mo ba mag aasawa na ang bunso natin?” Narinig niyang tanong ng kaniyang ina.

“Kahit ngayon na mommy, wala naman akong ibang hiniling sa dalawang prinsesa natin kundi ang makatagpo sila ng lalaking kagaya ko. Mabait, gwapo, macho,”

“'Pa,”

“Habulin ng mga babae, noong araw 'eh kamukha ko kaya si William Martinez.”

“Papa naman eh!” Angal niya.

“Oo na nga. Sige na ako na ang magbubukas ng pinto.” Natatawang iniwan sila nito ng kaniyang mama.

Nakiusap siya rito kanina na ito ang magbubukas ng pinto kapag dumating na si Lanter. Ganoon na lang ang tawa nito matapos niyang sabihin ang pakiusap niya, daig pa daw kasi niya ang makikipagdate.

“Cyrene nandito na si Lanter.” Tawag sa kaniya nang ama.
Kumabog ang dibdib niya na para bang iyon ang unang beses na magkikita sila.

Ang o.a mo Cyrene! Hindi naman date ang gagawin ninyo, jogging!

“Good morning po.” Magalang na bati ni Lanter sa mga magulang niya.

Nakangiting tinapik ng kaniyang ama sa balikat si Lanter.
“Ingatan mo ang anak ko. Huwag ka nang magulat kung magcollapse siya mamaya.” Biro nito.

“Papa!” Namumulang ipinadyak niya ang mga paa.

Nang makalabas sila ng bahay ay nakasimangot pa rin siya. Hindi siya umimik kahit naririnig niyang nagsalita si Lanter.
“Hey!” Tawag nito sa kaniya.

Nanghahaba ang nguso na nilingon niya lang ito.

“Problem?”

“Si papa kasi eh.” Parang bata na sumbong niya.

Saglit na hindi ito umimik at para bang iniisip pa nito ang nangyari kanina sa loob ng bahay.

“Oh! Okay..” Inakbayan siya nito.
Nang maamoy niya ang mabangong katawan ng binata ay parang bigla na naman siyang inantok.

“Huwag mo na lang pansinin iyong sinabi ni Tito.”

Hindi siya umimik at ipinamulsa ang mga kamay sa jogging pants na suot niya. Nagpipigil siyang hilahin ito at amuyin ang mabangong leeg nito.

Grrrr! Kainis ka Cyrene ang aga eh!

“Let’s go.”

Napairap siya. “Ayoko baka mamaya mahimatay ako sa daan dahil hindi ako sanay tumakbo. Tingnan mo oh! Daig ko pa si Barney na hinahabol ng aso kapag pinilit kong tumakbo.”

Narinig niya ang pagpalatak nito. Inalis nito ang kamay na nakaakbay sa balikat niya at mabilis na ipinaloob nito iyon sa baywang niya.

Napahawak tuloy siya ng wala sa oras sa malapad na dibdib nito. Biglang tumayo ang mga balahibo niya sa batok ni Cyrene nang mapansin niya ang mga mata nito. Halatang naaaliw ito sa pag aalburoto niya o baka sinasakyan lang nito ang topak niya.

MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY Onde histórias criam vida. Descubra agora