TRD - 04

5.7K 299 39
                                    

Timmy's Point of View.

Walang tigil pa rin ako sa pag-iyak habang tinatahak ang daan papauwi.

"Wala na akong trabaho..."

"Wala na akong trabaho..."

"Wala na akong trabaho..."

Para akong tangang hindi makausap sa sobrang lutang ng utak ko. Sino ba namang tao ang hindi makakaranas ng ganito? Tanga lang. Matutuwa ka kapag nawalan ka ng trabaho? Diba hindi?

Paano na ako nito ngayon? Saang kangkungan na nito ako pupulutin. Ako yung bread winner ng pamilya beks. Tapos ano--- nawalan ako ng trabaho. Anong ipapadala ko ngayong pera sa kanila aber? Wala. Wala nang natira sa ipon ko ni piso. Sariling pangkain ko wala. Kaya ito nganga.

Havana oh na na
All of my pera ay wala na na na na
Penge naman ako ng pera oh mama
All of my pera ay wala na,
Wala na akong pera, kaya eto nga nga...

Buti naman naapply ko yung kanta ni ateng nasa video na napanuod ko nang isang araw. Haist! Why life is so unfair?Bakit kailangan pagdaanan ko ang ganitong problema? Ako na nga lang mag-isa dito sa Maynila tapos ganito pa. It can't be. Di ko kakayanin.

Malalim ako napahugot ng hangin at napaupo saglit sa bangko na nakita ko sa gilid ng daan. Gusto ko muna magpahinga kahit saglit lang. I want to go somewhere where problem doesn't exist. Gusto kong takbuhan ng problema. Ang kaso, sinasampal ako ng matinding reyalidad ng buhay. Kahit saan ka man pumunta laging nakasunod sa'yo ang problema. There's no place like wonderland. There is no way to escape the struggles in our lives. We don't have any choice but to face those and surpass everything.

Gusto ko uminom--- gusto ko uminom ng tubig. Sawang-sawa na ako sa mga problema. Problemang walang ni anong solusyon. Napahagulhol na lamang ako sa bigat na nadaramang dala-dala ko. Ang hirap pala kapag tuluyan kang natabunan ng mga problema mo pero pipilitin mo pa rin ngumiti para hindi masabihan ng ibang tao na mahina. Ayokong nakikita ng ibang tao ang mahinang ako. Pero sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko maiwasan. Wala akong makitang solusyon para makaahon mula sa pagkakabaon. Masyadong malalim na at mahirap nang makapunta sa ibabaw.

Di nagtagal ay nagpatuloy na ako sa paglalakad pauwi. Nasa tapat pa lang ako ng apartment pero dinig na dinig ko na ang boses ni Aling Martha--- maging si Fred.

"Anong ganap?" sambit ko sa sarili ko habang pinupunasan ang bakas ng mga luha sa aking pisngi.

"Nasa'n na ang baklang Tim na yan at hanggang ngayon wala pa rin yan dito!?" kinutuban na ako nag marinig ko ang pangalan ko. Halos liparin ko na ang bawat baitang ng hagdan para lang mabilis na makapunta sa palapag ng kwarto ko.

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa nasilayan ko. Lahat ng gamit kong matagal kong ipinundar ay lahat nasa labas na. Nagkalat sa kung saan ang mga damit ko at ang iba pang mga gamit.

Ano 'to?

"Teka po Aling Martha!" sinubukan kong pigilan ang pagbasag niya sa kaisa-isang tasa ko ngunit huli na ang lahat. Saglit akong natulala sa basag-basag na piraso ng tasa na bigay pa sa akin ni mama bago ako lumuwas dito sa Maynila.

"Buti naman nandito ka na? Kanina pa ako naghihintay dito at sana kung hindi ka pa dumating ipapasunog ko na ang lahat ng yan."

"Mapag-uusapan pa naman po 'to diba? Magbabayad po ako sa inyo."

Mataray itong namewang sa harap ko at ibinuklat ang kulay dilaw niyang pamaypay.

"Kailan pa? Binigyan na kita ng isang araw na palugit pero hindi ka pa rin nagbayad. Ngayon! Ligpitin mo na yang kalat mo at umalis na dito sa lugar ko." tinalikuran na ako. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumang-ayon na lang. Kahit masakit para sa akin ay isa-isa kong pinulot ang mga damit ko sa malamig na sahig at inilagay ang mga 'to sa bag ko.

The Rockstar's Downfall (Dangerous Man Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon